Part 1

2.8K 56 5
                                    

Copyright © 2020 by Ms. Fujoshi-san

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Disclaimer
I do not own any pictures, videos, song lyrics that may included in this book.

Hope you enjoy reading!😘

~•~

*cough~cough~cough*

Napalingon ako sa isang papag na kahoy malapit sa inuupuan ko kung saan nakahiga ngayon ang kapatid ko. Rinig na rinig sa apat na sulok ng mumunti naming bahay - na gawa sa pinagtatagpi tagping kahoy at parang nasa iisang kwarto na ang higaan, kusina at sala - ang bawat pag ubo niya na animo'y sobra nang nahihirapan at aakalain mong may bumabara na sa lalamunan niya.

Ilang linggo na siyang nakaratay sa walang kutson na higaan namin. At hanggang ngayon ay wala pa kong sapat na pera para madala siya sa ospital. Sapat lang kasi ang nakukuha kong pera sa pagtitinda ng mga sigarilyo at kendi sa madaling araw sa amin sa pang araw araw na gastusin, pagkain at gamot. Minsan sapilitan pang kinukuha sa akin ni Nanay at Tatay ang kinikita ko para pansugal nila. Wala na nga silang pakialam sa amin.

Nagpa-part time rin ako sa isang bar pagkagaling ko sa school pero gano'n at gano'n pa rin. Kulang na kulang. Gastos sa pang-matrikula, projects, thesis, activities. Minsan, tinitiis ko na lang na hindi muna magmeryenda o walang baon papasok sa school dahil pinapambili ko rin ng agahan namin ng kapatid ko. Basta't may kanin at tuyo, okay na. Basta't may laman ang tiyan niya bago uminom ng gamot.

Nahihirapan na rin ako minsan sa pagbabalanse ng oras ko sa school, trabaho at tulog. Pati na rin ang paggawa ng mga activities at pag-aasikaso sa kapatid ko. Kailangan kong magtiis, magpakatatag at magsakripisyo para sa amin. Ako na lang kasi ang inaasahan nila.

Si nanay at tatay? Minsan hindi nga sila umuuwi dahil pumupunta sila sa mga sarili nilang kabit o kaya naman lasing at natutulog na lang sa tapat ng tindahan. Feeling ko hindi sila nagpakamagulang sa amin dahil ako ang nagtatrabaho at gumagawa ng paraan para lang makapag aral para matulungan sila. Naisip ko nga kung bakit ko pa sila naging magulang kung ganyan rin naman sila. Hays, buhay nga naman.

"K-kuya .. " rinig kong matinis na tinig sa tabi ko. Napatayo naman ako agad at lumapit sa kaniya.

"Oh, may kailangan ka? May masakit? Nauuhaw ka?" sunod- sunod na tanong ko pero sa huli ay tumango siya. "Teka lang ha? Kukuha lang si kuya ng tubig," sagot ko na ikinatango rin niya ulit.

Pagkabalik ko dala ang isang baso ng tubig ay agad ko rin siyang inalalayang bumangon at pinainom.

"May kailangan ka pa?" tanong ko ulit sa kaniya pero umiling siya.

"Si nanay?" natigilan ako sa tanong ng walong taong gulang kong kapatid na lalaki.

"Uhmm .. uhh .. " Anong sasabihin ko? Sasabihin ko ba na nakita ko si Nanay kanina na palabas ng bahay? Ang kapal pa ng kolorete sa mukha niya. Alam ko na naman kasi kung saan na naman iyon pupunta. Sa lalaki niya. "Uhh, kuwan, may pinuntahan lang siya, pero saglit lang naman, babalik rin iyon maya maya," pilit ngiting sagot ko sa kaniya. "Bakit, may gusto ka bang sabihin sa kaniya?"

"Kasi 'di ba, may pasok ka sa school niyo ngayon? Ba't ikaw nagbabantay sa akin?"

Wala sa oras na napatingin ako sa lumang orasan na nakasabit sa tapat niya. 7:06 AM na pala ng umaga.

The Prostitute Guy - Short Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon