Part 7

1.5K 43 24
                                    


Jackson's P.O.V

*ting!*

[From Manong Gardo: Opo sir, on the way na po ako.] basa ko sa text na nagpop sa phone ko.

"Hintayin natin ang driver ko. Dadalhin niya ang kotse ko rito," sabi ko habang tinitipa ang ire-reply ko sa message niya.

[To Manong Gardo: Sige Manong. Nasa labas na kami ng condo dito sa may entrance, hintayin ka na lang namin rito.]

*sending .. *

"Wala rin naman akong gagawin ngayon kaya sasamahan na rin kita sa pagbabantay sa kapatid m--"

"JACKSON!" rinig ko biglang pagsigaw ni 'Drei at hindi ko inaasahan ang agad na pagyakap niya sa akin mula sa harap ko .. kasabay ng isang malakas na putok ng baril na umalingawngaw sa buong kalsada.

"ACK!"

Nagulat na lang kaming lahat na naroon sa labas pati na rin ang mga dumaraang sasakyan nang marinig namin ang putok na iyon. Alam kong malapit lang iyon sa kinaroroonan namin kaya nanindig ang balahibo ko.

Naramdaman ko na lang na unti unti nang kumakalas ang pagkakayakap ni 'Drei sa akin kaya naman agad ko siyang nahawakan sa likod.

"Andrei!" sigaw ko hanggang sa nakita ko na lang na hindi na siya gumagalaw at unti unti na ring sumasara ang mga mata niya.

Nakaramdam ako ng mainit na likido sa kamay ko nang sapuin ko ang likod niya. Dahan dahan ko itong tiningnan-- D-dugo?

"Dios ko po!" sigaw ng isang babae sa tabi ko.

"Hayun ang mga namaril!" saad naman ng isang lalaki.

"Tumawag kayo ng ambulansya! Call 911!" rinig ko naman na sabi ng isa pang lalaki.

Wala na 'kong pakialam sa mga taong nagpa-panic na rin sa paligid ko. Parang kami na lang dalawa ni 'Drei ang sa tingin ko'y nasa nasa lugar na 'to. Hindi siya sumasagot.

"Shit! Andrei! ANDREI! 'WAG KANG PIPIKIT, PLEASE!" sigaw ko sa kaniya habang tinatapik ang pisngi niyang nabahiran na rin ng pulang mantsa na nanggaling sa likuran niya nang hawakan ko.

"Tulong!" tarantang sigaw ng isang babae nang makita nila ang isang police patrol car na dumaan sa harap namin.

Agad ko na rin siyang binuhat at dali daling isinakay sa kotse nang tumigil iyon sa gilid namin.

"Sir, ano pong nangyari?" agad na tanong ng isang pulis sa akin nang maisakay ko na sa loob si Andrei.

"Sir, puwede bang mamaya na tayo magtanungan? Pakibilisan na lang ang pagtakbo ng sasakyan, puwede po?" sabi ko na hindi na rin nag-abala pang tingnan iyon. Sa tingin ko'y wala na ring silbi kung hihintayin pa namin ang ambulansiya. Masiyado nang marami ang nawalang dugo sa kaniya dahil sa tama sa likod niya.

" 'Drei, Andrei! Gumising ka! Gumising ka!" hindi ko na napigilang mapaluha dahil sa nakikita kong sitwasyon niya ngayon.

Kasalanan ko 'to. Kasalanan ko.

Kung sino man ang gumawa nito, pagbabayaran niya ang ginawa niya. At kapag may nangyaring masama kay Andrei, sisiguraduhin kong hindi ko na siya hahayaan pang mabuhay!

...

Pagkatigil na pagkatigil ng police car sa tapat ng ospital ay agad ko siyang ibinaba at mabilis ring humingi ng tulong sa isang pulis na nakasakay sa may passenger seat. Kaya agad rin siyang naisakay sa stretcher papasok sa emergency room.

"Sir, hindi po kayo puwedeng pumasok sa loob," pagpipigil ng isang nurse na lalaki nang tangkain kong pumasok sa ER.

"Please, give him the best of care. I'll pay you all more than your salary in a month. Or even double it. Just make him alive," pagmamakaawa ko sa nurse habang gigil na napahawak sa balikat niya.

The Prostitute Guy - Short Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon