Part 4

1.4K 52 3
                                    


Drei's P.O.V

"B-boss, ang laking halaga naman nito," hindi makapaniwalang saad ko nang iabot niya sa akin ang isang makapal na sobre na may lamang pera-- ang perang ibinayad sa akin ni Jackson.

Dalawang araw akong nakaratay sa kama ko matapos ng nangyari sa gabing iyon. Kaya dalawang magkasunod na araw din ang pagliban ko sa trabaho at sa klase. Kaya ngayon ko lang natanggap ang 'suweldo' ko na nagmula kay Jackson. Mabuti na lang at may spare room ang bar ni Boss. Doon ako nagpalipas ng dalawang gabi. Ayoko sanang hindi umuwi dahil nag-alala ako sa kapatid ko kaso nai-suggest niya sa akin na padalhan ko na lang raw ng mga groceries, gamot at kaunting pera sa bahay para may gagastusin sila habang hindi pa ako nakakauwi, kaya iyon na rin ang ginawa ko. Mabuti na lang at medyo nabawasan na ang hapdi no'n at panghihina ng katawan ko, puwede na akong makabalik sa trabaho.

"Nako, nabawasan na nga rin iyan mula sa kinuha kong hati ko sa pagre-recruit ng kliyente mo eh," sagot naman niya nang mapansing hindi pa rin ako makapaniwala sa dami niyon. Kung bibilangin, baka suweldo ko na iyon ng mahigit isang taon.

"Pero, sobra naman na yata 'to--"

"Tanggapin mo na lang. Baka nagustuhan naman niya ang performance mo kaya dinagdagan pa niya," nakangising sabi niya. "Sa totoo lang, nagpa-set nga ulit siya ng gabi sa akin eh."

"Ha?" Talaga nga namang sineryoso ang sinabi niya sa akin kahapon. "Sabihin mo, wala ako sa araw na iyan."

"Ha? Bakit?" hindi inaasahang tanong niya.

"Ay, hindi. Sabihin mo na lang, tumigil na ako sa trabaho kong 'to."

"Bakit nga?"

"Basta, boss. Gawin mo na lang. Pero salamat ah, malaki laki rin 'tong tulong sa pagpapagamot ko kay Jaspe--" Natigilan ako nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Si Anton 'to ah! Bakit naman siya napatawag?

"Hello--"

["Andrei, bilisan mo. Pumunta ka na rito sa hospital. Isinugod namin si Jasper kanina--"]

"ANO?" gulat na tanong ko. "Sige, sige, papunta na 'ko diyan. Hintayin niyo ako," sabi ko sabay patay ng tawag.

"Bakit? Anong nangyari?" nagtatakang tanong ni boss.

"Boss, kailangan kong pumunta sa hospital ngayon. Nandoon yung kapatid ko."

"Sige. Mag iingat ka."

....

Panay ang takbo ko nang makapasok ako sa hospital kung saan itinakbo ang kapatid ko na itinext sa akin ni Anton kanina.

"Ma'am, saang room naka-confine ang nagngangalang Jasper Sandoval?" tanong ko sa nurse.

Saglit niyang ini-scan ang pangalan ng kapatid ko sa listahan na hawak niya.

"Room 902 po, sir."

"Salamat."

Dali dali na rin akong tumakbo at hinanap ang room number na iyon at sa wakas ay natagpuan ko rin iyo.

"Andrei, jusko! Akala ko hindi ka na makakarating!" naiiyak na saad ni nanay nang makita akong papalapit sa kanila. Sa tabi naman niya si Anton na halatang nag-aalala rin.

"A-anong sabi ng doktor?" kinakabang tanong ko sa kanila.

Hindi agad sila nakasagot.

"M-may TB raw si J-Jasper. T-Tuberculusis," si Anton ang sumagot.

"A-ano?"

"Sabi ng doktor, dahil na rin sa tagal na hindi agad ipina-check-up si Jasper dahil sa pag u-ubo niya. Naagapan sana at hindi na lumala kung naipatingin natin siya nang mas maaga. Mag aapat na linggo na kasi ang ubo niya at hindi pa rin gumagaling. 'Pag gabi, nilalamig siya pero nagpapawis naman, wala rin siyang ganang kumain. Kaninang umaga nilagnat siya kaya pinainon namin ng gamot, pero sabi niya, naninikip raw ang dibdib niya. Tapos no'ng umubo na, may kasama nang dugo. Kaya itinakbo na namin siya agad rito sa ospital dahil hindi na rin naman namin alam ang gagawin," sagot ni nanay.

The Prostitute Guy - Short Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon