--
SOPHIE'S POV*UNATTTTTTTT*
GOODMORNING WORLD!
Ang peaceful ng tulog ka kaya naman maganda gising ko. Hehe
Tapos napaniginapan ko pa yung ultimate k-pop crush ko! Quiet nalang ako. Baka agawin nyo pa. Charot! Haha
Lumabas nako nang kwarto para makapag-breakfast na at makaligo na din.
Wala pang 30 minutes tapos na agad ako gumayak. Bilis diba? Wala nang kaek-ekan sa katawan! HAHA
Habang makatingin ako sa salamin sa may cabinet ko, napansin ko yung eye glasses ko sira na pala. Hays
Hindi bale, dadaan nalang ako mamaya sa palengke baka may nag-aayos dun ng salamin.
Or kung wala, edi maghahanap ng mura-murang pagawaan sa mall.
Ang mahal mahal kasi sa mall e. Tapos kung anu-ano pa mga nirerecommend.
Ay, di ako galit huh! Nagpapaliwanag lang po hehe
5 minutes before 7am, all set nako nandito na rin pala si dexter kasi nga diba sabay kame.
"Dexter wait lang huh?" -sabi ko sa kanya.
"Dadaan daw kasi dito kaklase ko. Sabay na tayo sa kanya. Naka-kotse naman yun para din tipid tayo sa pamasahe haha." -pambobola ko sa kanya.
"Oo sigesige." -pagsasang-ayon nya sakin.
Tagal ni Daniel ah.
Chat ko na nga..
To: Daniel
Hoy nasaan kana? 7am na ah!
15 minutes makalipas ang 7am di pa sya nagrereply.
Tinatawagan ko hindi naman sinasagot.
Ano bang nangyare dun?
Tsss yaan mo na nga.
I decided na wag na namin syang hintayin kasi baka ma-late pa kami e.
Or baka naman nakalimutan nyang dadaan sya dito at baka nasa school na sya diba?
Aba, kapag ganun, MAHUSAY!
"Tara na nga Dexter mukang hindi na makakadaan yun dito. Baka ma-late pa tayo. Tara, tara." -sabi ko kay dexter.
Tumango nalang sya bilang pagsang-ayon sakin.
Time check, 7:50am
Buti nalang, hays.
Gamuntik pa kaming ma-late ni Dexter.
Ay, ewan ko lang sya.
Kasi sa 11th floor pa sya e. 3rd floor lang ako.
Pero aabot naman siguro sya.
Pag-pasok ko sa room, nilìbot ko mata ko.
Weird!
Wala pa si Daniel.
I check my phone kung nag-reply ba sya pero wala.
Whats happening?
(Ano kaba self! Ayaw mo nun? Walang bwisit sa buhay mo ngayon? )
Ay! Oo nga nu? Mas mainam!
Wag na sya pumasok!
--
THIRD PERSON'S POVHABANG LUMILIPAS ANG ORAS, MASAYA SI SOPHIE DAHIL SA MATIWASAY NA PAG-AARAL ANG NAKAMTAN NYA DAHIL WALA ANG PRISENSYA NI DANIEL.
NAKAKAPAG-FOCUS SI SOPHIE NG MAIGI, NGUNIT PAG DATING NG PHYSICS CLASS NILA AY BIGLA NYANG NAALALA SI DANIEL DAHIL NAKAY DANIEL ANG KAGAMITAN NILA PARA SA KANILANG PROYEKTO.
KAYA NAMAN AY DALI-DALI TINAWAGAN SI DANIEL PARA TANUNGIN ITO.
MAKALIPAS ANG ILANG DIAL, WALANG SUMAGOT SA MGA TAWAG NYA.
WALANG IBANG CHOICE SI SOPHIE KUNDI I-DRAWING NA LAMANG ANG KONSEPTONG NAIISIP NYA NG SAGAYON AY HINDI NAMAN MASAYANG ANG ORAS NYA.
--
SOPHIE'S POVHay sa wakas, uwian na!
Makapag-impake na nga at dahil ipapaayos ko pa ang salamin ko sa mata.
"Dexter may gagawin kaba?" -tanong ko kay dexter. Gusto ko sanang magpasama sa kanya.
"Mmmm... pupunta kasi ako kela Amy para sa project e." -tugon nya.
"Ah ganun ba sigesige ingat." -sabi ko.
"Sige. Mag-iingat ka din ah. Aalis na kame. Bye!" -sabi nya habang papalayo.
Hayyyy mag-isa ka nanaman self.
What'new!?
Time check, 6:30pm
Nandito ako sa mall
Nagtingin-tingin kasi ako sa palengke pero wala namang gumagawa duon.
Kaya naman, napa-mall nako.
Medyo masakit na paa ko kakahanap e.
Pero tiis lang.
Ayun! May nahanap din ako.
Kaso ang mahal!
2k sa frame?! Grabe naman!
Pero may ipon naman ako.
Kahit na! Ang mahal parin e.
Pero para sakin din naman e.
So, why not diba?
Edi GO!
Habang hinihintay ko yung salamin kong magawa, naglakad-lakad ako para naman malibang ako habang naghihintay.
Habang naglalakad ako, may nahagip yung mata ko sa bandang department store.
At dahil sira ang salamin ko, hinawakan ko pa yung frame para lang makita ko ng maayos.
Tinitigan ko ng maiigi....
O_O
O-M-G!
SI--- SI--- DANIEL BA YON?
WAIT, SINO YUNG KASAMA NYA?
GIRLFRIEND?
Ah gets ko na!
Kaya pala hindi nakapasok ang loko!
Kasama ang JOWA.
Bebe time ganern?
Edi kayo na mag-bebe!
(Bitter self?)
Ay HAHA di naman.
Nagtago pako kasi baka makita ako e.
Kaya pala hindi nakapasok ang tukmol!
Nambabae pa!
Well, pakialam ko naman diba?
Ay may pake ako!
Dahil sa kanya, napa-drawing ako ng concept!
Dahil wala yung mga gamit, drawing talaga ako ng malala!
Humanda ka sakin! Mr. Daniel!
--AUTHOR'S NOTE.
TAMA KAYA HINALA NI SOPHIE?
KAYA HINDI NAKAPASOK SI DANIEL?
GIRLFRIEND NYA KAYA YUNG NAKITA NI SOPHIE?
-MALAKAS KAYO KAY AUTHOR!
BINABASA MO ANG
Is She Nerd???
RomanceALAM MO YUNG FEELING NA MAY CRUSH KA? PERO MALABONG MAGKAGUSTO SAYO? KASI IKAW YUNG TIPO NG BABAENG HINDI KATIPO-TIPO.