Chapter 16

327 11 3
                                    

Chapter 16

- Kayla Walker -

"Marie, matagal pa ba 'yan?" Nakahalumbaba kong tanong kay Marie.

"Medyo malapit na 'to. Wait ka lang, napakainipin mo talaga."

Nandito kami ngayon sa kusina at kasalukuyang kong pinapanuod mag luto si Marie. Ang cute nong apron niyang pink. Ang tangkad din niya. Gusto ko rin iyung suot niyang t-shirt. Hindi ako magsasawang panuurin si Marie araw-araw.

Naputol lang iyon nang biglang nag-ring iyung cellphone ko.

Sinagot ko iyong tawag at napansin kong napalingon si Marie kaya sinenyasan ko siya na huwag maingay.

"Hello."

"Lil sis, ano na nangyari diyan? Bukas pa ng gabi ang uwi ko, nagkaproblema kasi rito pero 'wag kang mag alala, uuwi naman diyan si mommy para may makasama ka."

Tumayo muna ako at pumunta sa terrence namin. Nang nakarating ay saka ko sinagot si kuya.

"Okay lang naman kami Marie, nakapag-usap na kami."

Nakakapagtaka na uuwi si mommy, hindi naman iyon nauwi nang biglaan. Unless, may nakuhang lead iyon sa hinahanap niya. Mag te-treasure hunting na naman iyon sa garden namin.

"Mabuti naman at nagkaayos na kayo ni Marie. Paano nga pala kayo nagkabati? Pinakinggan mo ba yung mga sinabi ko sa 'yo?"

Shit, sasabihin ko ba kay kuya na pumayag na akong magpaligaw kay Marie? Alam ko naman na tanggap niya kami pero...

"Kayla, tara na at lalamig na 'tong mga niluto ko. Sino ba 'yang kausap mo?"

Yes! My savior.

"Sige na, kailangan ko nang ibaba 'tong tawag. Bye."

Call ended

Hindi pa ito ang tamang oras para sabihin kay kuya... Hindi pa.

Nakaramdaman akong may yumakap sa akin at sinandal ang chin niya sa balikat ko. Amoy lemon.

"Sino na naman ba 'yang tumatawag sa 'yo? Nagseselos ako," nagtatampo niyang bulong sa tenga ko.

Jusko, napakaselosa talaga nitong manliligaw ko.

Humarap ako sa kaniya pero hindi pa rin tinatanggal iyung pagkakayakap niya sa akin.

Ang cute niya magselos, nakanguso siya at nakakunot ang noo. Nginitian ko siya saka pinitik iyung matangos niyang ilong.

"Ang selosa talaga nito. Si kuya lang naman 'yon. Sinabihan lang niya ako na hindi siya makakauwi rito kasi nagkaproblema sa business niya."

Tinitigan niya lang ako at dahan dahang nilalapit ang mukha niya sa akin.

Napapikit na lang ako nang maramdaman ang labi niya sa akin. Maingat ang pag galaw ng labi ni Marie at masasabi kong nagugustohan ko ito.

Biglang humiwalay si Marie sa paghahalikan namin pero hinila ko ulit siya pabalik sa akin. Pinagpatuloy lang ulit namin ang ginagawa namin pero agad niyang kinagat ang ibabang labi ko kaya napahiwalay ako sa kaniya. Nakakainis naman, nabitin ako.

"Sorry, nadala lang ako," halos pabulong niyang sabi sa akin at kinilabutan ako dahil don.

Parehas kaming hinihingal at ang lambot ng labi niya. Aaminin kong nagustohan ko talaga iyon.

Sa hindi malaman na dahilan, bigla kong naalala noong hinalikan ako ni Anne. Masasabi kong hindi nalalayo ang nararamdaman ko noong hinalikan niya ako at ngayon. Napailing na lang ako kasi bakit naiisip ko na naman siya.

Like ThemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon