Chapter Four | I Will Be Here For You

120 7 4
                                    

CHAPTER FOUR

'I WILL BE HERE FOR YOU'

 


" Hala Lei kelangan pala ko sa school. Sa sunod nalang na freetime ko, kita tayo " Pagpapaalam nya sakin. Tinawagan kasi sya nung kablock nya ata sinabing ngayon daw yung presentation nila.

" Sige. Magaral kang mabuti haha "

" Haha ou .Sige una na ko. Bye bye." Umalis na sya at naiwan akong nalilito parin. Kung anu anu kasi pinagsasabi ng babaeng yun.

Naupo lang ako dun  sa bench. Ayoko ko pa umuwi. May iniisip din kasi ko. Natagalan ako kakaisip. At sa kakaisip ko ng kung anu anu di ko namalayan na may katabi na pala ako Si Arles pala yung umupo sa tabi ko.

" Problema mo ?" Tanung ko sakanya nakatitig kasi sakin. Kung may gusto siguro ako sakanya kikiligin na ko kaso wala eh. Naiilang ako.

" Wala "

Di ko nalang pinansin yung sagot nya.Nababadtrip ako sakanya eh.

" San ka galing ? "

" Bat mo tinatanung ?"

 Masasapak ko na to. Tatanungin mo tanung din ang isasagot sayo. Teka bat ko ba kinakausap to ?

" Alie "

" Sino yun ? Girlfriend  mo ?"

" Girlfriend ba kita ?"

Ano bang pinagsasabi nitong lalaking to ?

Di ko nalang ulit sya pinansin. Pinikit ko nalang ang mata ko. Inaantok ako .

Uwi na kaya ko?

Napamulat ako nagulat kasi ako ng bigla nyang ilagay sa tenga ko yung earphone nya. At nagplay ng music.

He's a CriminalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon