CHAPTER FIVE
‘GREAT ESCAPE’
1 week na ang nakalipas simula ng yakapi-- magsorry sya sakin. Hanggang ngayon nalilito parin ako. Sya nga ba sya pumatay sa parents ko o anu ? Bat lagi nyang sinasabi na hindi sya ang pumatay? Pinagtitripan nya ba ko ? Dapat ko ba sya paniwalaan ? Ang daming tanung ang di ko pa rin nasasagot.
Nilagay ko nalang yung earphone ko sa tenga ko at nagplay ng music sa cellphone ko. Naalala ko nanaman yung nangyari nung nakaraan. Hay . Gusto ko sanang lumabas muna kasi naboboring na ko dito sa loob ng bahay kaso ayokong makita yung Arles na yun.
Living in a city of sleepless people
Who all know the limits and wont go to far outside the lines
Cause they're out of their mind
I wanna get out and build my own home
Kung tumakas kaya ako ? Ah Tama . Tatakas nalang ako sa kanya. Bat kaya ngayon ko lang to naisip ?
Pinatay ko muna yung music na nakaplay at nilapag ko yung cellphone at earphone ko sa kama ko.
Nagbihis na ko agad .Pagkabihis ko pumunta agad ako sa kusina andun kasi si manang kakatapos lang nya magluto ng tanghalian. Sya nga pala yung kasama ko dito sa bahay simula ng mawala parents ko. Dalawa lang kami dito. Si tito ang naghired sakanya.
" Kumain ka muna sakto katatapos ko lang magluto "
" Sige po "
Kumain kami ng sabang ni Manang.Napadami ang kain ko dahil ang sarap ng pagkakaluto nya ng ulam. Pagkatapos tinulungan ko na sya magligpit.
" Nang kilala mo po ba yung lalaking nasunod sakin lagi ? "
" Si arles ? Oo mabait na bata yun " Pati ba naman sya nabaitan sa Arles na yun .Hmf
" Sya nga po paghinanap nya po ako mamaya pakisabi nalang na tulog "
" Sige iha "
" Alis na po ako, Uwi din po ako agad "
" Magingat ka "
" Opo "
Imbes na sa harap ako dumaan dun ako sa likod. Sigurado kasi ako na dun lagi nag aabang yung lalaking yun kaya dito ako sa likod dadaan.
Nang makalayo na ko sa bahay. Magpapara na sana ko ng may biglang humintong van sa harap ko. Nagulat nga ko eh pero mas nagulat ako ng may lumabas na dalawang lalaki at hinawakan agad nila ako sa kamay. Woo teka ? Napanuod ko na to minsan ah yung pag may kinikid--- Hala.
" Teka bitiwan nyo nga ako " Nagpupumiglas ako sa hawak nila pero walang nagawa yun dahil naipasok na nila ko sa sasakyan. Wala na Nakidnap na ko.
" Anu bang kailangan nyu sakin " Sigaw ko sakanila pero ni isa sa kanila walang sumagot sa tanung ko.
Okay. May kausap ako. NIce. Arrg. Pag ako nakatakas dito papatayin ay mali di ako kriminal ipapakulong ko silang lahat. Malaman ko lang na may pakana yung Arles mabubulok sya sa kulungan!.
Sigaw lang ako ng sigaw pero wala dedma sila . Arrgggh nakakainis sana di na lang ako tumakas sa kriminal na yun.
“ Inutusan ba kayo nung kriminal na yun ha ?! Please naman oh pakawalan nyu na ko. Wala kayong mapapala sakin. ”
“ Patahimikin nyo nga yan ” Sabi nung driver .
Sinunod naman nila yung kasamahan nilang nagdadrive. May mga takip yung mukha nila kaya di ko sila makilala.
Sigaw lang ako ng sigaw pero tinakpan nung isa ng panyo ang ilong bago ko maamoy kung anu man yung nasa panyo na yun naisip ko na nakatakas nga ko kay Arles pero nakidnap naman ako what a great escape.
-----------