Chapter Six | That Girl

92 7 1
                                    

CHAPTER SIX

'That Girl'

Nagising ako sa lugar na di ko alam. Madilim yan ang masasabi ko sa lugar na to.Nakagapos lang ako sa may poste. Anung oras na ba ? Makakauwi paba ko ? Sana naman may magligtas sakin dito.

“ Boss anu gagawin natin dun sa babae ? ”

Nakarinig ako ng naguusap pero sobrang hina lang ng boses nila pero naiintindihan ko pa naman.

“ Wala makakaalis na kayo. Ako na bahala ” Sagot ng isang babae.

Teka yun ba yung nagpakidnap sakin ? Ano bang gagawin nya sakin ? Ano bang Kailangan nya ? Bat nya ko pinakidnap ? Puro tanung lang ang nasa isip ko. Kung ano ano pang imagination ang naiisip ko hays .

Natigil lang yun ng biglang may pumasok sa kuarto kung nasan ako ngayon. Pumasok sya at binuksan ang ilaw. Matangkad sya na babae na nakahoody, mahaba ang buhok at tanging mata nya lang ang nakikita o may takid kasi yung bandang ilong at bibig nya. Kaya di ko sya makilala. Hindi ko sya kilala.

“ Sino ka ? ”

“ Hindi na mahalaga na magpakilala ako sayo ngayon. Makikilala mo din ako sa tamang panahon. ” Sagot nya sakin at tumawa ng nakakaloko.

“ Ikaw ang nagpakidnap sakin ? Bat mo ko pinakidnap ? Ano ba kailangan mo sakin ? ”

“ Ako nga.”

Sa dami ng tanung ko . Isa lang talaga sinagot nya . Great.

Para syang si … teka hindi kaya kasabwat si Arles nung bababeng yun.?

Nakatitig lang sya sakin at ako din nakatitig lang ako sa mata nya. Itim na Itim ang mata nya.

“ Ano bang gusto mo ?! Anong kailangan mo sakin ? ”

“ Gusto ko ? Hmm gusto ko na mamatay kana . Para happy na kayo ng pamilya mo, para magkasama sama na kayo diba ? ”

Nagulat ako sa sinagot nya sakin. Hindi kaya may kinalaman sya sa pagkamatay ng magulang ko ?

“ Gusto na kitang patayin pero wag kang mag alala may ibang papatay sayo pag nakaligtas ka dito.”

“ Pakawalan mo na ko please. Parang awa mo na ” Pagmamakaawa ko sakanya pero di nya ko pinansin . May nilabas syang malaking kandado. Anung balak ng babaeng to ? Di pa ko ready mamatay.

“ Maiwan na kita . Mag antay ka na lang ng magliligtas sayo Haha kung meron.”

“ Paalam ” Yan ang huling narinig ko sakanya pagkatapos nung nakarinig ako ng tunog na parang kadena at yung sa lock.

Pagkarinig ko nun parang nawalan ako ng pag-asa na makakaalis pa ko dito. Nakatayo parin ako at nakagapos sa poste na to. Nakakainis . Panu ako makakagawa ng paraan kung wala akong magawa ? tsaka sino ba yung babaeng yun ?

Sino magliligtas sakin ngayon ? Eh Hindi nga nila alam na nakidnap ako ?

Takot.Kaba.Ngalay.Gutom.Sakit ng ulo. Yan ang nararamdaman ko ngayon. Takot  na takot na ko dito sa madilim na kuarto na to. Panu lang kung may daga ? Multo kaya ? Wag naman sana.

Kinakabahan ako na ewan.Sumasakit na ang ulo ko dahil sa gutom. Walang silbi yung suot kong relo kasi di ko rin makita kung anong oras na ba ? Naalala ko 11 palang nun nung sinakay nung dalwang lalaki dun sa van nila. Pumikit ako para magpray. Matapos ko magdasal nakapikit parin ako,wala naming magagawa kung dumilat ako eh madilim parin kasi. Sobrang sakit na ng ulo . Sana .. Panaginip lang to .

----------------

He's a CriminalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon