episode 10

0 0 0
                                    

Episode 10

Habang tumatagal, medyo nagseselos na ako kina bryll at luz. At may time na medyo nainis ako sa sinabi ni bryll na pinaikut ikot ko raw sya. Wala naman akong ginagawa ko kanya. At isa pa, d ko naman na sya pinapansin simula nung naging close sila ni luz.

"Sa tingin mu, okay lng bang magselos, i mean, kahit na di kayo magsyota?", natanong ko bigla kay jess.

"Depende, sa tiwala lng kasi yan.", sagot nya.

"Okay." Napatango na lng ako.

Palapit na ng valentine's day, february... Nagkakaubusan na ng mga bulaklak sa tiangge... Nag-aassume na naman ako sa wala... Anong aasahan ko eh, wala naman akong syota. Masyado akong dreamy.

Araw ng valentine's day, napatingin na lng ako sa mga fake flowers. Kahit fake flowers sana, okay na, kaso wala talaga. Bili na lng ako ng chocolate mamaya sa groceries. Buti tong mga kasamahan ko, lahat may kadate sa gabi. Haist... Masyado rin akong umaasa, tsk!...

Habang naglalakad ako pauwi, lahat sila magkaakbay, kasama ang mga mahal nila. Masaya silang nagbibigay at nakakatanggap ng flowers, pinilit ko na lng na maging masaya sa araw na yun. Nag headset na lng ako at nakinig ng anime music at nakauwi na rin ako ng kahit papano may konting saya.

Napaonline ako saglit tapos, sunud-sunod ang mga notif at messages ko. Laking tuwa ko, kahit wala akong natanggap, at least, di pa rin ako nakakalimutan ng mga kaibigan ko. Binati naman nila ako ng 'happy valentine's day'. Enenjoy ko na lng kumain ng chocolates na binili ko, ang creamy!

Napatingin na naman ulit ako sa phone, so binuksan ko, si bryll lng pala. Rereplyan ko pa ba o hindi na, ay wag na! Nilog out ko na lng at nanuod na lng ako ng 7ghosts.. gwapo talaga ni frau.

Sa susunod naman ung 'jibaku-shounen hanako-kun'.

Ang dami ko nang napanuod simula sa 'shaman king' hanggang sa 'my hero academia' at ang daming mga bagong anime series.

Nakakamiss din panuorin ung 'dnangel', 'tactics', 'pretear', 'magic knight reyearth', at higit sa lahat, my one and only ko noon, si ichigo kurosaki ng 'bleach'. Haist.. d ko mapigilan ang sarili ko lalo na maganda ung panuod. Pinagpupuyatan ko.

Mga sumunod na mga araw, at tuluyan ko ng di ko pinapansin ung dalawa, bryll at luz.

"Bat di mu kausapin si bryll, naaagawan ka na ata eh. May syota na si luz, ano ka ba, lory?", Lisa.

"So what?", Inis kong sabi.

"Mag enjoy lng sila, wag na lng nila ako idamay.", Ako.

"Hah? Nakikinig ka ba?", Lisa

"Eh bakit nya sinabing pinaikot ikot ko raw sya.", Sabi ko sabay haba ng nguso ko.

"Misunderstanding lng yan, lory, ung hinahawak mu nun na gagamitin sa new stocks natin.", Si dannah.

"I don't care.", Sabi ko.

"At maalala mu ba ung hinanap mu si bryll? Si gerald, si gerald hinanap ka rin nya.", Si dannah.

"Di nga?", Nagulat ako sa sinabi nya.

"Maniwala ka kasi, yan kasi walang kang tiwala.", Dannah.

"Oo na!", Nahihimutok kong sabi.

Ang Normi At Ang Otaku GirlWhere stories live. Discover now