Chapter 2

619 16 4
                                    

“CHAPTER 2”


FIRST kiss ko!

"Wag kang magulat alam kong biglaan" bulong niya habang hinahalikan ako.
Napapikit ako ng mariin dahil sa gutom na halik niya sa akin.Ewan ko ba pero para akong nalasing sa halik niya kaya tumugon din ako.Nang kumalas siya ay kumalabog na ang pinto.

Napakatahimik,pag dilat ng mga mata ko itim lang ang nakabalot.Agad ko namang binuksan ang pinto at tiningnan kaagad sa labas baka makita ko pa ang lalake na humalik sa akin.Ang kauna-unahang humalik sa akin.Hindi na virgin yung lips ko!

Pero wala,wala akong nakita.Nanlaki nalang ang mga mata ko!baka ispirito lang yung humalik sa akin!
Tumindig naman ang balahibo ko.Guni-guni ko lang ba iyon?

Shit!yung binili ko natapon!
Kinuha ko agad yun at nilagay muli sa tray.Hindi naman napano, may wrappers naman.Agad akong bumalik sa Room kung saan yung tatlo.

"E-eto na po"mahinahong sabi ko at nilapag sa desk ang pinabili nila sa akin.

"Bat ang tagal mo!"mataray na sabi nung nasa gilid.
Tumahimik nalang ako.Wala silang karapatan para sabihan ko sila sa nangyari.

"Patricia,asan na yung fiance mo?" Tanong ng nasa gilid.

Bumuntong hininga naman si Patricia yung 'Queen Bee' daw kamo bilang sagot.

Umalis naman agad ako sa puder nila.Nagiging Nerd na ba ako?I mean,ang baba kase ng tingin nila sa akin.I guess Nerd talaga siguro ako,binabaliwala ko lang.Maayos akong magsuot,straight ang buhok,manipis ang kilay,maputi pero mahiyain lang ako at loner.

Natapos na agad ang schedule kaya after school.Nag silabasan na ang mga kaklase ko pero inililigpit ko pa ang mga gamit ko ng dali-dali.Tumayo na ako at kinabit sa balikat ang bag ko,naka hoodie ako ngayon at cap.

Bumaba na ako sa ground floor at pumunta sa Locker Room.Nilagay ko muna ang mga libro ko dun.Meron din akong nakasalamuhang mga schoolmates ko na titig ng titig sa akin na parang sina-scan ako kaya tinago ko ang mukha ko gamit ang hoodie at cap.

Agad naman akong nagmadaling lumabas nang nadatnan ko ang isang Room na parang may nag p-piano.Ang ganda ng musika kaya napatingin ako sa loob.Hinay-hinay kong binukas ang pintuan para makita kung sino ang nasa loob.

Nakita ko ang lalakeng nag play ng piano pero nakatalikod lang siya kaya madali akong nakapasok at umupo sa sulok.Madilim din naman dito at sa stage lang ang may ilaw kaya hindi ako makikita.

"Achu!"nanlaki nalang ang mata ko.Narinig ba niya!?

"Sino yan?may tao ba dyan?"tanong niya at nagmasid.Ang lakas ng kalabog ng puso ko,patay ako neto.

Pinikit ko nalang ng mariin ang mata ko,sa pagdilat ko ay wala na siya sa stage.Asan na yun?Umalis na ba siya?tiningnan ko naman ang pintuan.Umalis na siguro siya.Natakot siguro siya sa akin HAHAHA!

Tumayo nalang ako at naglakad palabas ng may nagsalita sa likod ko.

"Gatcha!" Nanindig naman ang balahibo ko sa nagsalita sa likod.

"Jusme!" Gulat na sigaw ko ng nakaharap siya.

Uh-oh

"What are you doing here?"sabi niya.

Nag-isip naman ako sa tamang sasabihin ko.
Baka sabihin niyang stalker ako.Nagkataon lang naman kase eh...

"U-uhm,n-natutulog kase ako dito.O-oo yun nga tama!"pagdadahilan ko.

Tumaas naman ang labi niya at tumango tango as if na tanggap niya ang dahilan ko.

Matangkad siya,maganda ang mata,mahabang pilik mata,matangos na ilong at pinkish na labi at medyo magulo ang buhok niya.Perfect.

"Are you going to leave now?" Tanong niya.

Tumango naman ako.

"Well,see you later...what's your name again?"

Takte,englishero to eh.Mukang mapapalaban tayo.

"Its Suzi" tipid kong sagot.Char,english.

"Cool name.My name is Trevix.Trev for short" pagpapakilala niya.

Huhu,kailan ba to matatapos ng pag english neto?

"Uhm okay!Bye!I should better go now!" tapos tumakbo na ako palabas.

~~~

The Beast and the Goddess BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon