Chapter 11

267 8 0
                                    

Hindi ko maipinta ang nararamdaman ko ngayon.

Iniisip ko si Trevix at si Zack...

Hays! Ano ba 'tong nangyayari?!

Hindi ko na nga namalayang nasa classroom na pala ako.

"Hi Suzi!" Bungad ni Laravel,matalinong classmate ko.

"Hello..." Pilit na ngiti ang binigay ko.

Hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang halik ni Trevix at ang pagka guilty ko kay Zack.

"Balita ni Sir na highest ka raw sa quiz! Congrats!"

"Talaga?"

Tumango siya.Ewan ko pero hindi ako masaya...iba ang iniisip ko.

"O bat hindi ka ata masaya?"

"Uhm,wala, may naiisip lang"

"Aaah sige,mag s-study muna ako ah?" Paalam niya at umupo sa seat niya.

Tiningnan ko naman kung saan nakaupo si Lala pero wala siya.

Asaan na 'yon?Malapit na rin ang klase.

Nagulat naman akong hingal na hingal na tumakbo si Lala sa classroom.

"Lala?,okay ka lang ba?" Nag aalala kong tanong at nilapitan siya.

Nanlaki naman ang mata niya.

"N-nandyan ka na pala!"

"Syempre naman" nakakapagtaka.

"Saan ka ba nagpunta?" Tanong ko.

"Uhm,ano...nag meeting kase ang councilors kaya ayun..."pag dadahilan niya.

Tumango lang ako bilang sagot.

Bumuntong hininga naman siya.
Ang weird niya ngayon.

Dumating na ang si Sir kaya nag si-upuan na kaming lahat.Warfreak si Sir eh!hays!

DISCUSS
-
QUIZ
-
DISCUSS

Lutang ako sa lahat ng klase.Hindi ko nga namalayang lunch break na pala.

"You may now have your lunch" saad ni Sir at lumabas na rin.

Lumabas rin ang iba kong mga kaklase ,ang iba ay dito lang sa classroom kumain.

Nakalimutan ko palang mag dala ng juice.

Naisipan ko namang pumunta muna ng canteen.Kaya nag martsya ako papalabas ng Room.

Paglabas ko ay ang paglabas din ni Zack.

Ilang distansya lang ang layo ng classroom niya.Naglalakad siya paliko sa corridor habang nag titinginan ang mga babae sa kanya.

Hindi talaga ako magugulat na maraming nag kaka gusto sa kanya dahil para siyang prinsipe na pinapangarap ng lahat .

Hays.

May sariling utak ang kamay ko kaya di-nial ng kamay ko ang number niya.

[Suzi?] Boses niya.Nakita ko siyang huminto.Malayo siya pero nakikita ko pa rin ang likod niya.

<Uhm,pwede sabay tayo mag-lunch?> Nakatingin pa rin ako sa likod niya.

Nahihiya ako pero ewan ko ba.

Hays.

Tumahimik ng ilang segundo.

[Sure,meet me at the Garden.]

<Sige,bye.>

In-end call ko na.
Huminga muna ako ng malalim at pumikit ako ng mariin.Minulat ko na bago ako naglakad.

The Beast and the Goddess BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon