Chapter 9

250 10 0
                                    

THE BAST AND THE GODDESS BEAUTY
@candythe_writer

«CHAPTER 9»

NANDITO na kami sa Cream Shop.Marami-raming tao ang kumakain doon.Niyaya niya kase akong kumain muna ng dessert.

Nasa likod lang ako ni Zack.Nilingon naman niya ako,ngumiti lang ako.

Hinawakan niya ang kapulsuhan ko at hinila papunta sa loob.Nakatingin lang ako sa kamay niya.Parang may kuryenteng dumaloy sa aking braso nang hinawakan niya ako.

So weird.

Hindi ko nga namalayan na nasa loob na kami tapos nasa harap na kami ng counter .

"What's you flavor..." Saad niya

"Chocolate!" Sagot ko.Tumawa naman siya ng kaunti.

Anong nakakatawa!

"Same pala tayo eh" sambit niya.Mas gumwapo siya pag nakangiti.

"Two Jumbo Choco Ice Cream please" order niya.Ngayon ko lang na malayan na hinawakan niya parin ang kamay ko...

"Zack..." Tawag ko sa kanya.Lumingon naman siya.

Ngumuso ako at tinuro ang kamay niya na nakahawak sa akin.Tiningnan niya naman ito at humiwalay rin.

"S-sorry..." Umiwas siya ng tingin.Namumula ba siya?

"Asan ang table natin?"tanong ko.Nagmartsya naman siya patungo sa isang bakanteng upuan.Sumunod na rin ako.Umupo ako kaharap niya pero nakayuko lang ako.

"Here's your order" bungad ng babae at nilapag ang malaking bowl ng ice cream.Natakam tuloy ako,tapos may marshmallow pa!Shit!

Kinuha ko na agad ang kutsara at lumamon.Alam kong nakakahiya pero nagutom talaga ako!

This is my fave dessert !

Humalakhak naman ng kaunti si Zack tapos kumain na rin siya.

Tinitingnan lang niya ako habang kumakain siya,naiilang tuloy ako.

Naiilang tapos lumamon ng Ice Cream.Hays Suzi,Ice cream addict na talaga ako.

May pinagmanahan kase.Hehe

"You really damn love Ice cream"saad niya.Lumamon ako ng isang kutsara tapos tumingin sa kanya.Ngumiti siya at ready ng tumawa sa akin.

"Tinatawanan mo ba'ko?"tanong ko.Asar!

Tumawa naman siya ng kaunti at kumain.Ngumuso naman ako.

Nagulat nalang ako ng hawakan niya ang gilid ng labi ko gamit ang hinlalaki niya.Napatingin naman agad ako sa kanya,nakatingin lang siya sa labi ko.

"Para kang bata..."saad niya at nilinis ang bahid ng chocolate.

Hindi pa rin siya tapos sa paghawak ng pisngi ko,naiilang tuloy ako.

Kumawala na ang hinlalaking dalari niya sa pisngi ko kalaunan.

Tiningnan niya ako ng nakakaasar tapos pinahidan ako ng chocolate!Shit!

"BoOom!pang wallpaper ko to HAHA!" Pang aasar niya tapos pinicturan ako.

Tumawa naman siya ng tiningnan niya ang cellphone niya.

"I-delete mo yan!" Protesta ko at inagaw-agaw ang cellphone niya.Pinalayo naman niya ang cellphone niya para hindi ko maabot.Ah ganun ah!

Pinahidan ko din siya sa pisngi ng chocolate at pinicturan din.

Quits na tayo NYAHAHA!

"Ayt!"

"HAHAHAHAHA!"

"Ganun ah!!!" Pagbabanta niya tapos niramihan ang bahid ng chocolate sa mukha ko.

Nagtatawanan kami sa ginawa namin.Panay ang lagay ko sa chocolate sa mukha niya at ganoon rin siya.Para kaming bata na naglalaro sa putik!

"Para kanang aswang HAHAHA!"pang aasar ko.

"Ang sweet naman nila..." Bulong ng babae na nakatitig pala sa amin kasama mga kaibigan niya.

Oh my gosh!pinagtitinginan na pala kami ngayon!

"Oo nga,sana ganun din ang boyfriend ko..."

"Gwapo nung lalake noh?"

"Weird nga lang medyo yung babae,mukhang mahiyain"

"BAGAY SILA"

Naagaw naman ang atensyon ko doon.Nanindig ang balahibo ko.

'Bagay sila'

Bagay kami?

(Hindi kayo bagay!Dahil tao kayo BooOooOm!😆)

"Lets wash up,we're dirty" tawang-tawang saad niya.
Tumango naman ako,halos naubos na namin ang chocolate sa paglalaro namin.

Pumarito kami sa gilid ng rest room.Linilinis namin ang mukha namin doon.

Kinuha ko ang handkerchief ko pagkatapos kong manghilamos.

Tumunog naman ang cellphone niya kaya niya ito kinuha sa bulsa niya.

Nag excuse muna siya sa akin bago siya humakbang ng kaunti at tumalikod.

"Chase,why did you call?" Rinig kong tanong niya.

"Tomorrow?...What?She's coming?...Damn!" Rinig kong sagot niya tapos in-end call niya ng mabilis.

Nag kukunwari naman akong naghuhugas ng kamay para hindi mahalatang nakikinig ako.

"I will drive you home .Its getting late" saad niya.Tumango naman ako,baka nag-aalala na si Bevix tsaka si Mom and Dad.Hindi ako sigurado kung nandoon ba sila sa bahay o wala.Sadyang busy lang talaga sila sa trabaho nila.Pero bumabawi naman sila sa amin kahit papano.

"Salamat sa time mo" pagpapasalamat ni Zack.Nasa harap ng gate na ako sa bahay namin.

"Welcome,salamat din sa treat mo!" Pagsasalamat ko pabalik.

"I really enjoyed the time we spend together" saad niya,his serious cool damn voice.

"S-sige,ingat!" Sambit ko at agad na pumasok sa loob.Pinaharurot naman niya ang kotse niya.

His killing me every time and I don't know why...

The Beast and the Goddess BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon