Chapter 5

23 6 0
                                    

Yay! Panibagong araw na naman, panibagong araw para sa isang nakakapagod at walang katapusang trabaho. Hindi pa kami tapos sa mga orders, madami pa ang kulang halos mag ta-tatlong araw na kami kakatrabaho, syempre nakakapagod madami kasi ang mga orders pero malapit na naman matapos, kalahati nalang.

Samantalang ang ibang mga natapos na at pwede nang ipa-deliver ay pinadeliver na kaya naman ngayon ay kalahati nalang ng orders ang gagawin, siguro nasa mga dalawang linggo nalang o dalawa't kalahati ay matatapos nadin to. Madami ang mga nagtatrabaho, pati na si ser lelouch at paminsan minsan si ser levi din pero sure ako na nandito lang yan para manggulo sa pinsan niya.

Magkaibang-magkaiba ang ugali nilang dalawa pero kahit na ganon ay close siya.

Si ser levi yung laging masaya, parang walang problema lagi mong nakikitang nakangiti at kingkoy, parang bata kung mag isip pero hindi mo minsan mabasa ang iniisip, wierd siya may pagkamabait may pagkamasungit.

Habang si ser lelouch hindi ko matimpla ang ugali, minsan mabait, tahimik, madalas nagsusungit, pinaglihi ata sa sama ng loob. Ngumingiti siya pero kung andiyan si ser levi, ngumingiti naman siya kahit na wala ang pinsan pero mas madalas siyang ngumiti pagkasama ang pinsan, may mga oras din na sinusungitan niya ang pinsan pero parang baliwala lang yun kay sir levi.

Mga magugulo, may sayad sa utak bahala silang umintindi sa pag uugali nila.

Pero ano kayang trabaho niyang si ser levi? Anong ganap niyan sa buhay? May girlfriend ba yan? Iwan ko diyan weirdo talaga yan eh.

Isa-isa nang inilalabas ang mga furniture na tapos na at inilalagay sa isang 10 wheelers track, ihahatid na yan sa mga nag order.

Ang gagawin nalang namin ay ang mag deliver at tapos na ang nakakapagod na araw namin, hindi literal na kami ang magde-deliver may taga deliver naman. Makakapagpahinga na din kami ng maaga, matatapos na ang napaka busy na araw.

Habang naglalakad sa building tumitingin ako sa paligid. Busy padin ang lahat kahit na last day na. Ngayong araw ihahatid lahad ng mga gawa nila.

Hinahanap ko si sunshine.

Asan na kaya yun?

Baka nasa table niya.

Nagmadali na akong naglakad papunta sa area niya. Wala akong ginagawa ngayon kaya naman baka pwede ko silang tulungan o di kaya ang iba pang busy sa kanilang gawin.

Nang makarating sa kanyang table nakita ko siyang inaayos na ang mga gamit sa mesa.

"Hi miss sunshine." Bungad ko sa kanya.

Lumingon siya sakin. Pagkatapos ay nagpatuloy sa ginagawa.

" Hi, kumusta?"

"Ayos lang kahit na nakakapagod ang nangyari kahapon." Hindi ko mapigilang isipin kung gaano ka busy kahapon.

"Oo nga eh subrang busy. Kaya ngayon may meeting ang lahat para daw sa celebration dahil sa madami ang orders at medyo malaki-laki din ang kinita non, so ngayon may nag suggest na magcelebrate daw tayo, may umayaw meron din namang pumayag at karamihan ay gustong e celebrate ito meron namang hindi pero mas marami nga yung gusto." Kwento niya pa.

"Talaga? Kelan nila plinano yun?" Wala akong nabalitaan na gagawin nila yun.

"Hindi pa napaplano. Pero ngayon ay paguusapan yun magkakaroon ng meeting maya-maya hinihintay lang na magsidatingan ang mga workers ng kompanya at kung sakaling may voting dapat magvote ka miss ricci na papayag ka ah? Kung hindi magtatampo ako sayo." Sabi ni sunshine.

"Sige mag-yes ako para sa voting." Natawa ako.

Kuminang bigla ang mga mata ni sunshine.

"Tara na sunshine baka mahuli pa tayo sa meeting, saan ba ang meeting?"

Lelouch Lamperough Vi Britania (Unedited and Raw)Where stories live. Discover now