Chapter 12

15 6 0
                                    

Hola Minna-san! I cant believe na nasa malayong chapter na tayo ng kwento. Thankyou for reading this Minna! Teamo.

-Death

***

Maaga palang ay naalimpungatan na siya sa ingay na nagmumula sa pinto ng kwarto niya. Nang tignan niya kung anong oras na mula sa oradan na nasa gilid ng kama na nakalagay sa mesa ng lamp shade ay nakita niyang alas sinko palang ng madaling araw.

Kinusot-kusot niya ang kanyang mga mata bago nagtungo sa banyo para maghilamos. Nandoon parin ang katok sa pinto ng kwarto, napakalakas nang pagkakakatok. Kaya kahit hindi pa siya nakabihis at ang suot niya pa ay yung pangtulog niya agd niyang binuksan ang pinto.

Bumungad sa kanya ang ang kanyang lola. Nakangiti itong nakatingin sa kanya at bihis na bihis na.

"Are you ready my princess? We will going to the mall. Everything is ready for tonight. Get ready for thirty minutes i will wait for you downstair. Okay?"

Tumango siya sa kanyang lola.

"Good! Now go and change your cloths. I will be downstair waiting for you baby."

Agad na umalis ang matanda sa kanyang silid, siya naman ay nagmadaling tinungo ang banyo para makaligo na at makapagbihis.

Hindi siya sanay sa mga magagarang damit pero nang nagtungo siya sa kanyang closet ay puro iyon magaganda at lahat bago. Pang mayaman iyon at alam niyang hindi pa siya nakakasuot non sa buong buhay niya. Ayos lang sa kanya kung hindi maganda o hindi mamahalin ang damit niya ang importante ay may matinong damit siya na maisusuot. Bigla niyang naisip ang mgatao na nagpalaki sa kanya noong mga panahon na hindi niya pa alam kung sino ang totoong siya.

Kumusta na kaya sila mama at papa?

Hindi niya mapigilang malungkot dahil sa pagkamiss sa mga ito. Gusto niyang dalawin ang mga ito kung pwede lang, manghihingi siya nang pahintulot sa kanyang ama kung papayagan siya nito.

Nang matapos siya ay agad niyang tinungo kung nasaan ang kanyang lola. Agad niya itong nakita sa dining na nakaupo sa isang silya na nasa mesa at may iniinom. Kape ate o gatas. Baka tea.

"Oma." Tawag niya sa atensyon ng kanyang lola.

Medyo maruning na siya ng german language. Naririnig niya minsan ito sa mga taong nakapaligid sa kanya. Kaya kahit paano ay may alam siyang basic words man lang.

Lumingon ito sa kanya at ngumiti.

"Are you done?" Malumanay ang boses nito.

"Yes, oma."

"Okay lets go." Tumayo ito at iniwan ang kanyang tea sa mesa at lumapit sa kanya.

Hinawakan siya nito sa braso at marahang hinila palabas nang kanilang bahay. Nang makalabas ay nandoon na ang kailang sasakyan na gagamitin upang pumunta sa mall. Isang limousine, maraming beses na siyang nakakita ng ganyan sa mga pilikula na pinapanood niya sa tevision pero hindi sa personal at malapitan.

Ang haba!

Napatulala siya sa ganda. Yaman naman ng maga tao dito. Sumakay na sila doon kasama ang driver. Nang makaalis ay hindi niya mapigilang libutin ng paningin niya ang buong paligid.

Ang ganda.

Nagning-ning ang mga mata niya, ang sosyal ng mga tao at tuwing kakakita siya ng mga tao ay hindi niya mapigilang humanga. Ang ganda at ang gwapo, kahit saan siya lumingon puro gwapo at magaganda ang mga tao lalo na ang mga tanawin puro magaganda. Hindi niya mapigilang humanga sa mga nakikita niya.

Lelouch Lamperough Vi Britania (Unedited and Raw)Where stories live. Discover now