Chapter 4

28 8 0
                                    

Alas singko palang ay nandito nako sa buidling, buhay na buhay na ang building ang dami ng trabahante ang nandito mukhang kanina pa sila yung iba naman ay kakarating lang din kasabay ko pero diritso agad sa trabaho. Pwede bang huminga muna? Kakarating ko lang eh! Ang totoo kakapasok ko lang tapos ang nasa public market ako. Ang gulo!

"Miss andito kana pala! Good morning!" Si sunshine. Ngumiti siya sakin may dala ng mga files.

Tinignan ko ang paligid ko. Busy lahat.

"Miss sunshine anong nangyayari? Ang busy ata ngayon?" gulong-gulo na ang utak ko kaya di ko mapigilang magtanong.

"Kasi miss nag dagsaan kasi ang mga nagpapagawa ng furnature, ang dami nila tapos kalahati yata ng mga nagpapagawa ay pinapamadali na nila. Kaya maagang pinatawag ang mga manggagawa eh pati ang mga architect nakihalo na sa mga manggagawa dahil sa subrang dami. Pati nga si sir eh nandoon tumulong na dahil nakita niya na yata na hindi na kaya ng mga manggagawa sa subrang daming orders. Sige may pupuntahan pa ako mauna na ako." Nagmamadali siyang umalis.

Pati si ser? Talaga marunong siya? Talaga?

Sinubukan kong sumilip sa pagawaan ng mga furnature. Busy nga silang lahat. Magulo tignan pero kung sanay ka sa palengke na magulo siguro masasanay kadin dito. Lahat may ginagawa. Iyung iba gumagawa ng lamesa, or mga upuan at iba't iba pa.

"Marunong sir lelouch ng mga ganyan miss sunshine?" hindi ko mapigilang sumagot.

Tumawa siya. "Oo naman isa siyang architect kaya alam niya ang mga gawain na ganyan."

Architect?! Talaga?

"Pano? Eh akala ko businessman siya?" Nagulo na utak ko.

"When he was in college, he studied architecture. But he choose to be a businessman since siya ang magmamana nito kaya pagkatapos ng college nagtrabaho na agad siya dito. Although may sarili na siyang companya which is ito yun ang pagbibinta ng mga furniture tumatanggap din naman siya ng mga project like paggawa ng building, he designs and guides the plan or undertaking it."

"So ibig mong sabihin maliban dito? Ay may trabaho pa siyang iba?" Hindi ko gets.

" Ganito yan. Itong kompanya family business nila siya ang namamahala kasi only son, sa kanya naman mapupunta to. Ang tinapos niya sa college ay architecture, yan yung course na kinuha niya. Pagka graduate parang hindi niya na naatupag ang pag-a architect dahil diretso siya na namahala sa kompanyang ito. Kung baga naging businessman siya bigla. He is an architect by profeshion but businessman by choice. " ngumiti sa sakin parang sinasabi niyang gets ko na ba?

"Ahh kuha kona ay sige pano pupunta lang muna ako sa lamisa ko at ilalapag ko lang tong bag ko." Nagpaalam na ako at nagmadaling pumunta sa table ko para mailapag na ang mga dala ko.

Hay busy ngayon, madaming gagawin. May lumapit sakin.

"Hi po magandang umaga ako po si patrick sabi po ng taga head na sayo ko daw po ibigay tong mga files para po mapermahan na ni sir, sa taas po ay ang files ng mga design ng nagpapagawa ng bahay kay sir, at sa baba naman po yan yung mga kumpanyang gustong makipagkasosyo po sa mga furnature ni sir ipapaperma nalang po at ipapakita sa kanya kung papayag ba siya o hindi." Salaysay ni patrick. Ang dami nalang gagawin.

"Ihahatid ko sa kanya to mamaya maraming salamat dito." Kinuha ko yung bigay niya.

Ngumiti siya at nag bow sakin.
"Walang ano man po sige po aalis ako."

"Sige salamat."

Sinuri ko ang laman ng files na pinabibigay niya sa boss ko. Pagkatapos non ay pumunta na ako kong nasaan si sir ngayon.

Lelouch Lamperough Vi Britania (Unedited and Raw)Where stories live. Discover now