hi guys..!
First time ko po gumawa ng historical fiction .. kahit pa nga paborito kong iset sa pre and after colonial phil. ang ilan sa mga nauna ko ng story.. (bound and Cross)
Sana po ay suportahan nyo ang story ko na ito.. dadalhin ko kayo sa Pre- Colonial era ng ating bansa.. talagang nag research po ako.. gagamitin ko din yung ibang salita galing sa Amaya at History books..
Pero syempre may touch of Action and Romance din..
Keris... ang pangalan po ng ating bida ay yung mismong armas na gamit nya.. o diba talagang ni research ko po iyan.. kase gustong gusto ko po talaga itry yung may kasamang history..!
yung talim ng espada nya ay parang ahas na pakulot kulot.. ginagamit po talaga ito ng mga yakan Warrior..
Sana po ay magustuhan ninyo ang story.,
hanggat maari po sana ay makapag comment kayo para malaman ko po kung ano ang laman ng inyong isipan.. wag lang po masyadong hard sa para di nakaka hurt hahahha..
Love lots.,
momhienidadhie..
Bago pa man tumuntong ang mga paa ni Magellan sa lupa ng ating sinilangang bayan.. ang mga sinaunang pilipino ay may sarili nang kulturang kinalakihan at kinagisnan..
ang bawat pangkat o balangay ay may humigit kumulang 300 na myembro.. ito ay pinamumunuan ng kani kanilang mga Datu o Raja.. sila ang mga MAGINOO na nag mamay ari ng lupain na sinasakupan..
Madugo at marumi ang kadalasang paraan upang mapalawak ang nasasakupan.. Una.. Hamunin ang Datu o Raja sa kabilang balangay.. kapag napatay mo siya ay sayo na ang kanilang lupain..
o di kaya naman lusubin at pwersahang sakupin ang kanilang lupain.. pinapatay ang lahat ng angkan ng nasakop na datu at ginagawang alipin ang mga timawa..
upang makuha ang trono ng Datu o Raja kailangan maging unang anak na lalaki ng datu .. ngunit kung di ka BINAYAYAANG BUTO. .. maari mong hamunin ang datu sa isang madugong laban.. kapag natalo ka ay mamamatay ang buo mong angkan kasabay ng pagkamatay mo..
Ang mga mas mababang lahi ay TIMAWA ito ang mga mangangalakal na nakikipag kalakalan sa ibat ibang panig ng balangay ang iba naman ay UMALOHOKAN na siyang taga pag bigay o taga anunsyo ng mga balita o utos ng datu..
Ang pinakamababang uri ng lahi ay ang mga alipin . Ang NAMAMAHAY ay mga aliping nabibibiyayaan ng sariling lupa mula sa datu.. ngunit ang mga SAGIGILID ay ang lahi ng alipin na di nakakaranas ng kahit kaunting katarungan..
Walang biyaya mula sa Datu maliban sa kapirasong karne at gulay na kapalit ng halos sagad sa buto nilang pagtatrabaho.. mga mangmang sa lahat ng bagay maliban sa pagsunod sa utos..
ito ang lahi na pinagmulan ni Keris.. ang kanyang ina ay isang Sagigilid .. naninilbihan sa isang timawa na naging pangahas at sapilitang inangkin ang kanyang ina.. at ng maging bunga siya ng kapangahasang iyon.. parang basurang itinapon sila nito sa labas ng Balay..
dito na dumating ang Raja Yapaan.. ang kumupkop sa kanilang mag ina at ginawa siyang mandirigma..mula pagkabata ay iminulat na siya ng Raja sa pakikipagdigma at pagpatay..
Sinasamba ni Keris ang Raja.. lahat ng ipinagawa nito ay kanyang sinusunod .. hanggang sa isang araw ay bigyan siya ng isang misyong di niya ata kaya..
Ang patayin ang Ama ng Ba-yi na kanyang sinisinta..
BINABASA MO ANG
KERIS : The Yakan Warrior [On Going]
Historical FictionKeris, ang mandirigmang yakan na sing bagsik at lupit ng armas na ipininangalan sa kanya.. Ang binatang mulat sa pakikipagdigma sa ngalan ng kanilang Raja Yapaan.. Isang mapanganib na misyon ang iniatang ng Raja.. patayin ang Datu mula sa kalabang...