Kabanata 18: Taga paglingkod

285 16 10
                                    

"Nakasisiguro ka ba Bayi sa desisyon mong gawing punong taga pamahala ang aliping iyan sa pag aayos ng inyong kalakal...?" Mariing wika ng datu.

Ramdam sa bawat katagang kanyang binigkas ang pang uuyam sa aliping may hawak sa kwaderno. Takang napalingon naman sa Datu ang bayi habang napayuko sa pagkapahiya ang alipin,

"Wala akong nakikitang mali sa aking pasya mahal na Datu... ang lahat ng aking taga paglingkod ay maaasahan at lubos kong pinagkakatiwalaan..." nakangiting turan ng Bayi.

Halata parin ang disgusto sa mukha ng Datu ngunit di na lamang ito nagsalita. Bahagyang nakaramdam ng panganib si Keris dahil sa paraan ng pagkakatingin ng Datu sa mga kalakal na ipinapasok sa bodega.,

Malalim na ang gabi ng matapos ang pagpapasok ng kalakal kaya naman napagpasyahan ng Datu na magpalipas ng magdamag sa puod ang bayi dahil sa kalat na ang dilim sa paligid pumayag naman ang Bayi . Agad namang ipinahanda ng datu ang silid na gagamitin ng bayi..

" malalim na ang gabi Keris... maaga pa ang ating pag alis bukas. Malayo ang ating lalakbayin at kailangan mong ipunin ang iyong lakas.. " malumanay na untag ng bayi sa nakatalikod na lalaki.

Agad namang napalingon si Keris sa Bayi.. " ipagpatawad mo bayi Dalisay kung naabala ko ang iyong pag himbing..." himig paumanhin ni Keris habang nakayuko...

Di niya magawang matulog lalo pa at nakararamdam siya ng pagkabalisa. Pakiwari ni Keris ay tila ba may panganib na nakaamba sa bayi at sa kanilang pangkat.

"Ano ba ang iyong sinasabi ... keris... di mo nagambala ang aking paghimbing..." nakatawang saad ng bayi... dahan dahang nag angat ng tingin si Keris at nagtama ng kanilang mga mata ng bayi...

Agad namang nag iwas ng tingin ang binata... bahagyang nasaktan ang bayi dahil sa pag iwas ni Keris ngunit di niya ito ipinahalata..

"Ang totoo ay hindi ako makaramdam ng antok kahit pa nga malalim na ang gabi..." muling saad ng bayi... lalo namang yumuko ang binata at pilit na iniwasang tignan ang magandang mukha ng kaharap...

Dahil ang tinig pa lamang ng bayi ay sapat na upang pagragasahin ang tibok ng kanyang puso. At nangangamba siyang baka di na niya mapigilan ang sarili at biglang yamukusin ng halik ang mapupulang labi ng bayi sa oras na matignan nya ang kagandahan nito..

Dumaan sa dalawa ang nakabibinging katahimikan.. nanatiling nakayuko si Keris habang puno ng pagsuyo ang bawat titig sa kanya ng bayi.. lumipas pa ang ilang sandali.....

"Maaaring di pa lubos ang tiwala mo sa akin Keris... at nasasaktan ako sa pagiging malayo ng iyong kalooban... hayaan mo at hihilingin ko sa aking ama ang iyong kalayaan... " malumanay na wika ng bayi habang nakahinto sa bukana ng kanyang silid...

Agad na nag angat ng tingin si Keris.. nakatalikod sa kanya ang dalaga at tanging ang likod ng dalaga ang kanyang nakikita. .

Bahagyang humakbang papunta sa bayi si Keris, tila ibig pigilan ang papalayong bayi, Di dahil sa kalayaang sinasabi nito na ang katumbas ay kamatayan sa kamay ng Raja, kundi dahil sa pagdaramdam na nakapaloob sa bawat katagang tinuran ng pinakamamahal nyang dalaga..

Ngunit di nya nagawang pigilan ang papalayong bayi.. nanatiling nakataas ang kanang kamay na para bang sa pamamagitan nito ay magagawa niyang pigilan ang dalaga...

Sa kadiliman ng gabi ., isang anino ang nagmamadaling tinahak ang bodega ng datu na kinalalagyan ng mga kalakal..

Nanginginig ang kanyang mga kamay habang tinatalupan ang sako na kinalalagyan ng kalakal.. dali dali niyang dinakot ang laman nito at inilagay sa laylayan ng kamisetang may kalumaan..

Dala ang kalakal na pakay ng gabing iyon.. nakangiti niyang nilisan ang puod ng Datu..


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KERIS : The Yakan Warrior [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon