Gamit ang pinagdugtong dugtong na mga baging ay nagawa nilang ligtas na makatawid sa ilog.. Muli nilang ipinagpatuloy ang pangangaso.. makulimlim ang kapaligiran at nagbabadya na ang ulan nagkatinginan ang lahat nang marinig ang malakas na ungol nang isang mabangis na hayup..
Agad na sumenyas si Biniyayaan .. ang nais niya ay mapalibutan ang Leon, tahimik at mabilis naman sumunod ang iba.. ingat na ingat sa bawat hakbang na gagawin.. ngunit mukhang wala talagang magaganap na naayon sa kanilang mga nais.. dahil minsan pa ay nanganib ang buhay nang isa nilang kasamahan..
Nadapa ito at nakatawag sa pansin nang Leon.. nabulabog sa pagtulog ang leon kaya naman galit na galit itong umungol habang nagkakalad palapit sa nakadapa.. sa sobrang takot ay hindi na nito nagawang gumalaw tila napako na ito sa kinalulugaran at naghintay na lamang nang kanyang kamatayan...
Agad namang lumabas mula sa pag kakatago sa talahiban si Keris.. pinagbabato ang likuran nang Leon upang matawag ang pansin nito.. malakas ang kabog nang kanyang dibdib isang mabangis na hayup ang kanyang katungali at batid niyang hindi ito mangingiming wakasan ang kanyang buhay..
Agad na iniunday ni Keris ang Matalim na sandata sa Leon.. lalo lamang itong nagwala nang madaplisan ito sa balikat.. lumabas ang matatalas nitong mga kuko at pangil na handang handang nang kitilin ang kaniyang buhay..
"Bulabugin niyo ang Leon..!" malakas na sigaw ni Biniyayaan habang lumabas na rin sa pinagtataguan.. sa may gilid naman ay dumungaw na rin si Bughaw na naka amba na rin ang sandata.. habang sinunod naman ng iba ang iniutos ni biniyayaan..
Gamit ang mga bato paulit ulit nilang binato ang Leon upang malito ito at di agad makaatake.. dahil dito ay nagawang makalapit ni Keris.. Malakas siyang Tumalon upang masaksak ang likuran nang nakatalikod na Leon..
Malakas ang naging ungol ng Leon habang mabilis ang pagdaloy nang dugo mula sa kanyang likod.. ngunit malakas niyang kinalmot si Keris na agad na nasugatan sa braso.. di maampat ang dugo sapagkat malalim ang sugat na natamo.. bumagsak sa tabi nang Leon si Keris..!
Agad naman tumakbo palapit si Biniyayaan upang undayan muli nang saksak ang Leon.. sa pagkakataong ito ay nalaslas ni Biniyayaan ang Leeg nang Leon.. sinamantala naman ito ni Bughaw na hinila palayo sa Leon si Keris.. " Salamat.. " mahinang sabi ni Keris kay Bughaw..
Tahimik na tumango lamang ito bago muling bumalik upang tulungan si Biniyayaan.. malakas parin ang Leon gayong marami na ang naging tama nito... sa pagkakataon na iyon ay nagtulong tulong na ang iba upang mapatay ang Leon..
Malakas ang naging tawanan nila nang tuluyang lumungay ngay ang ulo nang Leon.. Nagpalakpakan sila sa sobrang kasiyahan habang itinali nila ang mga kamay at paa ng hayup at hinila pabalik sa kanilang Balangay..
Ang lahat ay masaya at maliksi sa bawat pagkilos.. puno nang kagalakan ang kani kanilang mga puso habang ramdam na ramdam ang kanilang tagumpay.. maingat nilang itinawid sa ilog ang Walang buhay na Leon ... ilang milyang paglalakad na lamang at mararating na nila ang Balangay..
Ang akala nang lahat ay tapos na ang pangangaso ngunit nagkamali sila.. dahil mula sa matataas na talahib sa kanilang harapan.. ay lumabas ang isang babaeng Leon na sa tantiya nila ay ang pares nang napatay nila.. kagat kagat nito sa bibig ang leeg nang usa na kanyang nginaso ..
At nang makita sila na hila hila ang patay na Leon ay basta nalang binitawan nito ang usa at galit na galit na sumugod sa kanila..
Binitawan ni Bughaw si Keris at agad na hinugot ang kanyang armas .. ganoon din ang ginawa nang ilan habang pinalibutan nila ito at tinangkang bulabugin tulad nang kanilang ginawa sa napatay na Leon ngunit matalino ang Leon na katungali nila ngayon..
Di ito nabulabog nang mga ingay bagkus ay iisa lamang ang sinugod.. ang tagapagmana na si Biniyayaan.. " kamahalan..!!" sigaw nang lahat habang pilit na hinahabol ang mabilis na pagtakbo nang Leon..
Naging alerto naman si Biniyayaan at humanda sa pag atake.. Nang ngumanga ang Leon upang kagatin siya ay sinamantala niya ito at itinarak sa lalamunan nang leon ang kanyang sandata.. dahil dito ay nagkasugat sugat ang braso ni biniyayaan..
Sinamantala naman ito ni Keris at Malakas na sinaksak ang dibdib nang Leon.. pinagsasaksak naman ito nang ilan hanggang sa makasiguro na wala na itong buhay..
Nagpalakpakan ang lahat nang matanawan silang palabas nang gubat.. kitang kita ang paghanga sa mukha nng karamihan lalo pa at di lang isa kundi Dalawang leon ang kanilang napuksa..
Bago kumagat ang dilim ay nabiyayaan na sila nang kanilang kauna unahang Batuk...
BINABASA MO ANG
KERIS : The Yakan Warrior [On Going]
Ficción históricaKeris, ang mandirigmang yakan na sing bagsik at lupit ng armas na ipininangalan sa kanya.. Ang binatang mulat sa pakikipagdigma sa ngalan ng kanilang Raja Yapaan.. Isang mapanganib na misyon ang iniatang ng Raja.. patayin ang Datu mula sa kalabang...