Nagalak ang lahat nang makita ang husay ng paslit sa paghawak ng sandatang Keris.. para itong bahagi ng kanyang katawan na sumusunod sa lahat ng kanyang utos..
Tumango tango pa ang Raja habang malakas ang pagtawa.. di niya lubos maisip na magagawang puksain ng isang mang mang na paslit ang mabangis na hayup gayong wala itong pormal na pagsasanay sa pakikipaglaban.
"Magaling ang iyong ginawa … nagawa mong iligtas ang iyong sarili mula sa tiyak na kapahamakan.!! " malakas na sabi ng Raja bagaman di pa natatapos ang pagpapahirap na gagawin sa lapastangang paslit..
Nakahinga naman ng maluwag ang Datu ng makitang di nagtamo ng malubhang pinsala ang paslit...
"Mahal na Raja… ako at ang aking ina ay mga pinalayas na mga alipin mula sa isang Timawa… sapat na po sa amin ang magkaroon masisilungan sa araw araw…" malakas na sabi ng paslit habang luhod at nakayuko pahalik sa lupa…
Lalo namang natawa ang Raja sa talas ng isipan ng paslit… " kung ganon… hinihingi mo bang parusahan ko ang timawang nagkaila sa inyong mag ina…? "
Bahagi na ng kultura sa balangay na pinamumunuan ng Raja na sa tuwing may paligsahan, ang magwawagi ay makakukuha ng gantimpala..
Namangha ang lahat ng mabilis na umiling ang bata at muling nagsalita… " di po ang kamatayan ng Timawa na dati naming pinagsilbihan ang makapagbibigay sa akin ng kasiyahan mahal na Raja… Higit na importante ang buhay kaysa sa karahasan… ang tanging hiling ko lamang po ay maging tagapaglingkod ninyo Mahal na Raja…"
Napuno ng tawanan ang bulwagan dahil sa sinabi ng paslit… ngunit agad ding tumahimik ng magsalita ang Raja… "mahusay ang iyong pakikipagtalastasan… at magaling ka sa paghawak ng sandata… ano ang iyong pangalan…? "
Dahan dahang nagtaas ng tingin ang bata at magalang na sumagot... " ang isang tulad ko Raja ay di karapatdapat bigayan ng pangalan…"
Muli pa ay napatawa ng paslit ang Raja… " simula bukas ay maguumpisa na ang iyong pagsasanay sa pakikidigma.. at bilang aking alagd.. binibiyayaan kita ng pangalang dadalhin mo hangang sa iyong libingan..."
Bakas ang kagalakan sa mukha ng paslit habang hinihintay ang susunod na sasabihin ng Raja..
"KERIS… mula sa araw na ito ay isa ka na sa aking alagad… At tatawagin ka sa pangalang Keris… sing husay at tibay ng sandatang iyan ang tindi ng iyong paniniwala… magsanay ka at magpalakas upang mapaunlad ang antas ninyong mag ina sa aking balangay…" seryosong pahayag ng Raja…
Marami ang di sang ayon ngunit walang naglakas loob na sumalungat sa pasya ng Raja …… maliban sa…
"Mahal na Raja… ipagpatawad po ninyo ang aking kalapastanganan.. ngunit di nyo po dapat hayaang manatili ang batang iyan sa inyong Balangay .. nakikita ko ang pagkawasak ng inyong nasasakupan dahil sa paslit na iyan.. mas makabubuti na paslang..." di na nagawang ituloy ng Babaylan ang pagpapahayag ng propesiyang kanyang nakita dahil bigla nalamang iniamba ng Raja ang patalim sa kaniyang leeg ..
"Sino ang nagbigay sa iyo ng pahintulot na magsalita ng labag sa aking pasya…??? isa ka lamang Babaylan na walang ibang alam na gawain maliban sa magdasal sa mga anito at anita…!!!!" Nakaramdam ng matinding galit ang babaylan dahil sa panlalait ng Raja na kanya nang pinaglingkuran simula palang sa unang pag hawak nito ng sandata..
"Patawarin po ninyo ang aking kalapastanganan mahal na Raja… " malumanay na bigkas babaylan habang dahan dahang yumuko at nagbigay pugay sa Raja
Habang naglalakad pabalik sa kanyang templo muli niyang sinulyapan ang bata sa propesiya.. "kung ang pinili ng Raja ay ang pagkawasak… malugod kong tutunghayan ang bawat taon na lilipas… sa oras mapatunayan niyang isang pagkakamali ang binuhay pa niya ang bata… huli na ang lahat…"
BINABASA MO ANG
KERIS : The Yakan Warrior [On Going]
Ficción históricaKeris, ang mandirigmang yakan na sing bagsik at lupit ng armas na ipininangalan sa kanya.. Ang binatang mulat sa pakikipagdigma sa ngalan ng kanilang Raja Yapaan.. Isang mapanganib na misyon ang iniatang ng Raja.. patayin ang Datu mula sa kalabang...