Kakatapos ko lang gawin yung Nursing Care Plan ko at sinimulan ng ligpitin ang mga gamit, day off ko bukas at nag kayayaan ang mga college friends ko na gumimik sa No Bad Days na bar sa may kapitan pepe mamaya . Medyo matagal na rin kaming hindi nag kikita-kita kaya pinagbigyan ko na ang sarili na mag saya kahit sa gabing ito langPag bukas ko ng malaking green na gate natanaw ko kaagad si ate marsi ang care taker ng dorm na tinutuluyan ko "ate marsi! Kamusta? Nag wawalis ka na naman, baka mabura na po ang buong dorm sa sobrang linis nyan ha" natatawang kong biro sa kanya, sana all mahilig mag linis
"Ay nako kang bata ka, okay na yon kesa sa maruming paligid, diba!" At sinabayan ng tawa
Kung dating ako ang bumati kay ate marsi ay kung anu-ano na ang nasabi ko, mangungulit hangang mapagod ang bunganga ko kakadaldal, pero ngayon Kumaway nalang ako at pinagpatuloy ang pag lakad hangang makarating sa kwarto ko, nag ayos na ako ng aking gamit at susuotin mamaya. High waisted short at crop top nalang siguro para hindi masyadong hassle tapos nag white shoes nalang ako at maliit na purse na kasya lang cellphone at pera, naligo muna ako at pagtapos nag lagay ng kaonting make up para hindi mukhang pagod at puyat galing sa trabaho
Nag book na lang ako ng grab para makapunta sa NBD, tinatamad akong pumara ng taxi, itetext ko pa nga pala si leanly, na saan na kaya yong babaeng yon sabi nya sabay kaming pupunta
Speaking of, eto at tumatawag ang bruha
"Oh? Nasan ka na teh? Nag book na ako ng Grab papunta don. Ikaw?"
"Punyeta malalate ako, paano itong cliente ko ayaw ako tigilan kakatanong! Kaloka! Susunod na lang ako" sabay patay ng phone, grabe namang cliente yan alas nuebe na ah
Binayaran ko na yung grab at lumabas, tanaw ko kaagad ang kulay violet na ilaw ng bar, nasa second floor ito nakapwesto may balkonahe na ginagawang smoking area ng mga tukmol na bata ng cabanatuan. Tsk, bakit ba dito nila napiling gumimik? Pwede naman sa Waves na lang, medyo malayo nga lang. Lumabas mula sa pinto ang isa kong college friend at ng makita ako kumaway at pinapapunta na sa loob
Huminga muna ako ng malalim, posibleng nandito sya pero hindi ko na inisip pa, okay na ako! Kaya ko na syang makita ng hindi lumuluha
Talaga ba sabi ng isip ko
The fuck? Oo naman! Kaya mo yan Margaux!!
Habang na akyat ako sa hagdan may iilan na bumababa na hindi na maayos ang lakad, muntik pang matalisod yung isa, ayan puta iinom-inom hindi naman pala kaya
Pag bukas ko ng pinto papasok bumungad sa akin ang isang bahabang hilera ng lamesa kung saan sila nakaupo
"WHAT'S UP MOTHERFUCKERS!!!" Nakataas pa ang kamay na sigaw ko ng makapasok hindi alintana ang ibang tao sa bar sabay sabay sila lumingon
"Margaux!!!! Wohoooo!" Sigawan nila may kasama pang pag tapik sa lamesa, ngiti lang ang sagot ko at sinuri ang lamesa para humanap ng mauupuan
"Hala gago? Ang ganda mo yata lalo?!" Nanlalaki pang mata ni jax
"Oh putcha! Crush mo na ako nyan?" Naka smirk ko pang banat pabalik sa kanya, nakita kong sinapo nya ang dibdib nya at nag aktong mahihimatay. Tinawanan na lang namin sya sa ginawa, siraulo talaga hahaha
"Dito ka sa tabi ko margaux!!" Sigaw ni caren, kaya doon ako sa tabi nya umupo
"Hoy! Okay ka lang? Tangina mo ka para ka ng may tama agad ah! HAHAHA" Tumatawang tanong ni krisha