3 days after...
1 am pa lang ay gising na ako para mag ayos ng gamit dahil 4am ang flight ko according to ate, pag tapos ay kumain muna ako ng instant carbonara para may laman naman ang sikmura ko bago umalis. Nag hanap na ako ng komportableng susuotin ko sa eroplano, isang fitted white sando, maroon hoodie, black sweat pants and airforce 1, almost 15 hours ang travel time.
Damn kamusta kaya pwet ko pag ka tapos ng flight
Dalawang medyo malaking maleta ang dala ko tapos isang malaking LV hand carry bag at neck pillow
Tinawagan ko kanina ang ate maira at sabi nya sa NAIA nalang daw kami mag kita, sya rin ata ang FA sa sasakyan kong eroplano kaya mas okay na rin
Nasa waiting area ako ng matanggap ko text ni ate nandito na raw sya para iabot yung ticket ko
Nang matanaw ko sya ay agad akong napangiti at tumayo na sabay kumaway para makita nya ako, nang makalapit ay nag beso kami at hug.
"Thank you so much for this ate" nang maiabot nya na sakin ang tickets
"Malakas ka sakin eh" sabay mahinang kurot sa pisngi ko
I crinkled my nose and smile, sakto tinatawag na ang flight number ko
"Come on, sabay ka na sakin" sabi nya then she grabbed my wrist and we started to walk
Habang nag lalakad papasok sa eroplano nauna na si ate at kailangan pa raw nila mag ayos sa loob hinayaan ko nalang mag kikita pa naman kami mamaya sa loob
I searched for my seat and to my surprise sa business class ako, Nakakapag taka kasi usually kapag mag bibigay si ate ng ticket eh economy class lang. Ang generous ata nya ngayon? hahaha mamaya ko nalang sya tatanungin kung ano nainom nya at ipapainom ko sa kanya palagi.
I settled my self first, put out my laptop and earpods. I should've brought a book buy I forgot, anyway my laptop will do.
I was busy watching how to get away with murder ng dumating si ate
"Do you want anything, mario?" Mario ang tawag sakin ni ate kapag kaming dalawa lang, it's her nickname for me. I hate it because it's sounds like the game character that we both love to play when we were a kid. Nakasanayan ko nalang kaya wala ng reklamo.
"Can I have whiskey ate?"
"Yeah sure, I'll go get it for you." Sabay alis na nya
Pag palik nya ay may tulak-tulak na syang trolley. May whiskey and pizza don.
"Oh, dinalhan na rin kita ng pizza. Alam ko namang instant noodles na naman kinain mo" tumawa nalang ako bilang sagot kasi tama sya
"By the way ate, what's with business class seat?" Tanong ko sabay abot sa isang slice ng pizza at kumagat don
"Wala lang, I just thought you deserve this trip after your dangerous job" naantig naman ang puso ko sa sinabi nyang iyon
"Thank you ate, I owe you a lot" I said
"I'll go now, I'll see you later huh" then she smiled at umalis na, she needed to attend to other passengers pa.
15 hours later...
Muntik na ma flat ang pwet ko sa haba ng byahe, after we arrived at Madrid-Barajas Adolfo Suárez Airport At exactly 7 am. Hintay ko muna si ate sa bench kasi may sasabihin pa raw sya bago pumunta sa hotel nila kasama ang ibang attendants.
I love the design of the ceiling na gawa sa kahoy at may pa wave na form with green lining. Hindi rin naman na nag tagal dumating na si ate
May inabot sya sa aking brown na pouch
"Here's what you will need. May sim card dyan, pocket wifi, euros and key to our apartment in plaza mayor" I grabbed the pouch and put it inside my bag.
"Thank you ate" wala na ata akong ibang masabi kung hindi thank you, I'm just so glad that I have her
"Are you gonna be alright here alone? I only have 6 hours here before my flight back to PH" She asked with her worry tone
Then it hit me, I am going to be alone here for a whole month. By myself. All alone. Oh my god.
"Yes ate, ill be fine. Anyway ang laki ng spain. I'm sure I won't get bored here" I told her to assure that I'll be okay
"I know you will be fine, you won't have any conflict communicating with these people because you can speak and understand castillian" we used to have a vacation here when we're still a kid, that's why.
"Si, hermana" yes, sister sabi ko ng May accent ng espanyol, natawa nalang sya sabay iling.
"I'm so glad you're bright hahaha"
"I mean, thanks to dad's brain! Buti na lang namana ko" nag tawanan kami and after that we parted ways. May van silang sarili and I can't come with her because the seats are already full with other flight attendants she work with.
Pumara ako ng taxi, tinulungan naman ako ng driver na ilagay ang mga maleta ko sa compartment.
"en plaza mayor, por favor" in plaza mayor, please
"bien señora" okay, ma'am
Pag karating ko sa apartment , I was immediately amazed. Nakalimutan ko na ang itsura nito because the last time that I was here, I was only 10. Now I'm 25. Sila ate nalang kasi ang nag pupunta rito kasama ang ibang kaibigan nya para mag bakasyon.
May tatlong kwarto ang apartment, isang malaking living room and kitchen. Dalawang balcony ang sakop namin. I settled my things in one of the rooms. Nilagay ko sa cabinet ang iba kong damit. Shoes in the racks and everything
I grabbed my macbook, iphone, powerbanks and pocket wifi to charge it.
Binagsak ko ang sarili ko sa kama, jet lag is real. I have to take a nap and have my breakfast later or maybe lunch. I don't know what time I will wake up.
So I took a nap
—————————-
:'>