I am in the middle of undercover operation, ito ay ang operation ramp rats, mahigit tatlong buwan namin itong inaral at pinagplanuhan, at nang makahanap ng tyempo ay agad na namin sinimulan ang operation.
Naglalakad ako ngayon sa eskinita sa maliko licab, kung titignan mo ang damit ko para lang akong dalagang hindi makabasag pinggan, nakasuot ako ng putting t-shirt, maong long shorts, itim na cap, tsaka tsinelas at may bitbit na itim na lumang pouch
Tutunguin ko ngayon yung tindahan kung saan ako bibili ng pinagbabawal na gamot, ayon sa aming source isang sari-sari store ang kuta ng mga daga, at para makabili ka ng binagbabawal na gamot kailangan mong sabihin ang code na pinapasa-pasa nila gamit ang text message sa mga kakilalang mapagkakatiwalaan na pwedeng bumili.
Dinukot ko sa aking bulsa ang 32-10 kong cellphone at tinignan ang code na nakalap namin mula sa source
Patuloy ako sa pag lalakad, bahagyang lumingon ako sa paligid at nakita ang mga kasamahan kong agents na naka disguise, yung iba kunyari nag iinuman, nag titinda ng buko juice, kumakain sa karinderya, ordinaryong mga nag lalakad, at mukhang pulibi.
Tinanguan ko ng pasimple ang kasamahan kong naka disguise na pang pulubi sabay bulong sa ear piece ko
"Gago, leanly bagay pala sayo ang pulubi HAHA" asar ko pero hindi ko pinahalata na nag salita ako, parang puppet na hindi masyadong buka ang bibig pero nakakapag salita
Narinig ko ang mga mahihina nilang tawa
"shut up margaux, don't blow this up please" hindi ko na nakita ang expression nya dahil bigla itong yumuko nang nag salita
Tanaw ko na ang tindahan na may sign board pang NENE'S STORE na may kasamang coca-cola na brand name sa gilid, aakalain mong normal na tindahan lang talaga ang lugar na iyon, maraming paninda na makikita mo sa mga tipikal na sari-sari store
Nang makalapit ay kinatok ko ang bakal gamit ang piso upang matunog sa pag tawag
"pa-load nga po!"
Nakita kong kakaibang napalingon ang nasa 40's na lalaki, dinukot nya sa may gilid ng estante ang isang note book na akala mo listahan ng mga numero ng mga nag papaload
Nang makalapit ang lalaki ay inilapit ko ang 32-10 ko at pinakita ang code na kailangan para makabili ng pinagbabawal na gamot, kumuha sya ng ballpen at maingat na nilista ang code na nasa mensahe
Pag tapos nyang kalikutin saglit ang telepono ay tumalikod ito at may kinuha sa pakete ng sigarilyo, binibilang ang laman at nang iaabot na sa akin ay sabay kong inabot pabalik ang pera na pambayad sa binili.
Sinilip ko saglit ang nasa loob ng pakete at nang makumpirma lumayo ako ng konti at agad bumulong sa earpiece
"Confirm." Matigas ngunit mahina kong sinabi
Pag karinig ng mga kasamahan ko sa aking naturan ay agad na nag kagulo sa paligid
Sunod-sunod na lumapit ang mga kasamahan kong agent at pilit na binuksan ang pinto ng tindahan
"DON'T MOVE!" Sigaw ni Captain Jose
Nag sigawan ang nasa loob na nag totongits
Mukhang hindi lang kuta ng droga ang tindahan pati na rin ng mga sugal
Isa-isang pinosasan ang nasa loob, pumasok na rin ang ibang agents at sinumulang halughugin ang mga gamit para sa iba pang mga droga na nakatago
Tinuro ko ang lagayan ng sigarilyo at agad naman nila itong tinignan
"Sir." Banggit ng kasamahan at itinaas ang mga droga na nag mula sa pakete ng mga sigarilyo
Makalipas ang maraming oras ay tapos na rin ang operasyon
That was a smooth operation, I must say. Akala ko manlalaban pa ang mga may kasalanan, at kung sakaling mangyari nga ay posibleng may mamatay. I am kinda glad that none of those happened.
"Good Job, Agent M" sabay tapik sa aking balikat na sabi ni captain jose
"Thank you sir! Another successful operation for us. " nakangiti kong tugon
"Yes, and because of that. You can have your vacation for a whole month." Agad na nanlaki ang mata ko at napahinto. Agad akong sumaludo sa kapitan
"Sir, thank you, sir!" Masigla kong pasasalamat
Natawa nalang si kapitan at naglakad na papasok sa head quarters
Fuck yes, finally
I've been dying to have a vacation, agad kong tinawagan ang nakatatanda kong kapatid na FA, habang nag riring I pressed the key of my chevrolet malibu car. Regalo sa akin ito ng daddy ko ng makapasa ako bilang special agent
"Hello ate!" Bungad ko, binuksan ko ang pinto at pumasok na sa driver's seat
"Oh? Anong kailangan mo?" Medyo mataray nyang sagot
"Kailangan agad? Hindi ba pwedeng mangamusta lang?" Pero ang totoo May kailangan talaga ako haha
"Leche margaux rios vaugirard, wala kang mauuto rito" natawa ako sa sinabi ni ate haha, kilalang-kilala talaga ako
"Ehhh ate! Baka may free tix ka dyan, medyo mahaba ang bakasyon na binigay sakin ng kapitan ko. Elem me ne. Pahinga rin ganorn" medyo pa sweet ko pang sabi, bibigay din to si ate
"Hays, oo na! Meron ako rito kaso medyo malayo" nabuhayan ako agad ng loob
"Ay! Kahit saan pa yan'! Kahit sa antartica pa yan! Hehe"
"Oa mo! Flight to spain, ano G ka?" Namilog ang mata ko sa gulat
"Oo naman ate!! Yes na yes!" Pasuntok-suntok sa ere ko pang sagot
"Alright, in three days ang alis mo. Start packing your things, you're staying there for a month. Dahil next month pa ang flight pabalik sa ticket na ibibigay ko sayo." Tapos binaba na nya ang tawag
Holy shit, why is everything so smooth? Buti na lang may ate akong Flight attendant! Ang daming privilege, nakakalibre ako minsan ng travel ticket. Minsan trip to hongkong, trip to palawan pero lately hindi na ako nakakapag travel dahil busy na rin sa sariling trabaho.
Dahil sa sobrang pag ka excite, dumiretso ako sa Mall at namili ng mga maleta at dahil july ngayon pumili na rin ako ng mga pang summer na OOTD , aawra ako sa spain eh. Bakit ba?.
Pag tapos ko mamili ay umuwi na ako, madilim na sa labas, tsaka ko lang naramdaman ang pagod. Jusko, kakagaling ko lang sa operation tapos eto ako ngayon nag shoshopping
Sa isang condominium ako ngayon tumutuloy malapit sa headquarters namin, para hindi hassle sa traffic.
Pag bukas ko ng pinto ay agad kong binaba ang mga pinamili ko, damn. I bought a lot huh
Hindi na ako nag hapunan at dumiretso na sa kwarto, nag hilamos muna ako at nag toothbrush then bagsak sa kama, hindi rin naman nag tagal hinila na ako ng tulog
—————————-
Wdy think? :—)