Akira's P.O.V
"Alam mong si Oliver ang sumira ng buhay ni Mama. Ng buhay namin. Kaya hayaan mong wakasan ko na ang buhay niya!" gigil na sigaw ni Kuya Zywon sa akin
"Isa ka bang diyos? Oo, alam kong siya ang sumira ng buhay niyo ni Mama pero mali ang ginagawa mo ngayon! Kung papatayin mo siya parang ginaya mo na rin ang ginawa niya! Sumira ka rin ng buhay ng isang tao!" sigaw ko sa kanya "Galit ako sa kanya at oo sabik na sabik na kong patayin siya pero hindi ko ginawa. Alam mo kung bakit?! DAHIL AYAW KONG MASIRA ANG PAMILYA NATIN!" galit kong sigaw sa kanya.
Isang ngisi ang pumorma sa aking mga labi "Pero alam mo? Kayang kaya kong pumatay para maging ligtas lang tong pamilyang to. Kaya wag na wag mo kong sinusubukan, Kuya" sarkastiko kong sabi "Baba!" sigaw ko
Nasa gilid sina Mama, Kuya, Ate, Papa at Oliver kaya kung babarilin man ako ni Kuya ay hindi sila tatamaan. Hindi niya ibinaba ito kaya ginawa ko ang dapat ko nang ginawa
Binaril ko si Kuya sa mukha. Daplis lang naman ito at sinadya ko iyon. Dumugo naman ang kanan niyang pisngi. I'm a sharpshooter kaya dinaplisan ko siya.
Nakaramdam naman ako ng pagtulo ng dugo ko sa kaliwang parte ng leeg ko
Dinaplisan niya din ako.
Binaba namin ng sabay ang baril namin as we gave each other death glares. Ibinulsa ko ang baril ko at naglakad palayo. Naglakad ako pauwi sa bahay namin. Kahit na ilang minuto o oras man ang abutin, wala akong pakialam dahil hindi ko gustong makasama ang asungot na yon sa iisang kotse. Masakit ang tama ko sa leeg. Sana lang hindi ako maubusan ng dugo. ___________________________________________
Nakarating ako ng bahay at nakita kong nasa sala silang lahat. Except Oliver dahil alam ko namang iniwanan na nila siya doon. Nakita ko naman na may band-aid na ang mukha ni Kuya Zywon ngunit sinugod niya ko at pinigilan siya ni Kuya Jacinth at Kuya Lucas.
"Bakit mo ginawa yon?! Ha?! Sumagot ka, Akira!" sigaw sa akin ni Kuya Zywon "Pasalamat ka nga at daplis lang ang ginawa ko sayo. At sana wag mo kong dadaplisan kung hindi ka sure sa tama ng bala mo sa kalaban" sabi ko na ipinagtaka ni Ate Xavier na ngayong nasa tabi ko.
"Daplis? Eh di ba ikaw lang naman ang nagbumaril sa kanya?" takang tanong ni Ate na ikinangisi ko "Hindi mo ba napansin? Eto oh" sabi ko at ipinakita sa kanya ang dumudugo kong leeg. They all gasped except kay Kuya Zywon dahil alam kong sinadya niya akong patamaan sa leeg.
Kumuha naman si Ate ng bimpo at nilagyan ng pressure ang leeg ko "Ako ang panganay sana galangin mo naman ako!" sigaw sa akin ni Kuya "Tama, ikaw ang panganay. Kaya sana naman mag-isip isip ka at wag kang tatanga-tanga! Isipin mong isasakripisyo mo ang kaligtasan ng pamilyang to lalong lalo na sina Aster at Maddox! Wag kang bobo!" sigaw ko at marahas na kinuha kay Ate ang puting bimpo na naging pula na dahil sa dugo ko at umakyat sa kwarto ko dito sa San Nicolas.
Kumuha ako ng panibagong bimpo at inilagay ko sa leeg ko. Hindi ko alam kung kailan titigil ang pagdurugo nito. Wala naman akong alam sa paggamot nito dahil business management ang course ko na tinatapos ko dito sa bahay. Yeah, I'm home-schooled at ganon din si Kuya Lucas, Aster, at Maddox para na rin sa kaligtasan nila Aster at Maddox. Temporary lang naman sa amin ito pagkatapos nitong lahat ng to. Kung tutuusin kaya naman namin ni Kuya Lucas na mag-aral sa Manila ngunit ayaw nga namin iwanan sila Mama.
Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa naman non si Maddox at Aster. I looked at them confusingly
BINABASA MO ANG
THE MONTEFALCOS
Misteri / ThrillerAkira Ross Marie Zamora Montefalco, one of the seven children of Alba and Adam Montefalco. A ruthless, fierce and a cold lady that can devour someone and wipe them out What happens when her mother brings terror and revenge to her old town? How much...