23

100 2 0
                                    

❝Bahay❞

Ang kwentong ito ay nangyare noong nakatira pa kami sa una naming bahay dito sa payatas, bagong lipat lang kami dito noon nung mangyare ito.

Malaki ‘yong bahay may dalawang kwarto, ‘yong isang kwarto sa tita ko 'yong isang kwarto samin na nila mama. ‘yong sala naman medyo malaki. Sa tapat ng sala pintuan na, papuntang kusina screendoor lang ang pintuan, tapos pag bukas mo sa kusina na sa bandang baba ng kusina bangin na open area kasi ang kusina hindi naman sya mapapasok ng mga akyat bahay kasi babwire ang bakod saka mataas naman at puro aso.

Sa may bandang bangin merong
puno ng mangga na malaki sa tabi nun merong lumang bahay na medyo hindi na talaga maayos sira na ang pintuan at mga bintana kaya matatanaw mo na ang loob nito
medyo madilim nga lang dahil natatakpan ng puno.

Isang gabi nag movie marathon kaming buong pamilya, nag pasya narin kami na sa sala nalang matulog lahat tutal naman malawak naman ang sala.

Mga 11:40 na ng gabi ako na lang ang gising kasi nag rereview pako, meron akong naaaninag na babae na nakatayo sa kusina hindi ko masyado makita dahil nga sa screendoor lang pinto papuntang kusina saka malalaman naman na babae ito dahil sa suot nitong naka puting bestida at mahaba ang buhok, noong una inisip ko na tita ko lang kasi mahilig mag bestida yon kapag gabi kaya hindi ko na lang din masyado pinansin.

Kaso biglang meron akong narinig na parang naghehele ng bata yong hele nya masaya na parang tahimik lang na walang tono. yong tipong kapag
narinig mo kikilabutan ka talaga sa tunog.

Nung narinig ko ‘yon nagmadali na kong mag ligpit ng gamit dahil sa narinig ko, at nung patapos na ‘kong mag ligpit ng mga gamit ko biglang huminto ‘yong tunog na nag hehele ng bata, at nung paglingon ko sa likod ko nakita ko yong muka nung babae na nakadungaw sa screendoor, sobrang putla nito at maitim ang mga mata at magulo ang mga buhok na parang bruha.

Sa sobrang takot ko ay hindi ko na maigalaw yong buo kong katawan kahit na gusto ko, iiwas ng tingin yong mga mata ko pero hindi ko magawa parang hawak nya yong muka ko at nakaktitig lang sya sakin na parang galit na galit. Kaya simula noon ay hindi na ko natulog sa sala kapag natatapos na ang movie na pinapanuod namin, dumidiretso na ko sa kwarto at dun nalang ako
natutulog para hindi ko na makita yong babaeng dumudungaw sa screendoor tuwing gabi.

#ManilaEncounters

Manila EncountersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon