"Boss eto, pakitanggal yung puso saka kidney" napatingin ako sa isang batang katawan na animo'y hindi na makilala dahil sa dami ng wasak na parte ng katawan nito.
"Nasaan ang ulo?" Tanong ko habang hinahanda ang mga kutsilyo.
"Naiwan dun sa pinangayarihan ng aksidente"
Sinimulan ko nang tanggalin ang hinihinging parte ng costumer ko, Nang makuha ko ito ay inilagay ko sa isang metal na lalagyan. Inabutan ako nito ng malaking halaga ng pera at umalis na.
"Kawawang bata" sambit kong bigla.
Ngunit mas nabigla ako ng tumawag ang aking misis at aligaga ang boses nito.
"Dahan lang sa pagsasalita amelia! Ano bang nangyari?"
"Marvin, yung anak natin naaksidente, tapos yung katawan nya" halos manlumo ako ng sinabi nya at napaluhod ng wala sa oras.
"Nawawala yung katawan ng anak natin"
#ManilaEncounter

BINABASA MO ANG
Manila Encounters
RandomManila Encounters It is all different stories from different people. READ AT YOUR OWN RISK!!!