third person's pov
“'o taehyung bat ang aga mo ngayon?” tanong ng coach sakanya “ah, napaaga lang po ang dismissal coach, bihis lang po ako” dumeretso siya agad sa restroom ng mga lalaki atyaka nag bihis, pag katapos non nilagay niya ang bag niya sa locker at nag refill ng tubig.
bumalik na siya sa court at nakita niya sila jimin at yoongi. “wow ang aga naten ngayon pare ah, mukha kang mabango ngayon di tulad dati layo mo palang parang ang bantot mo na” biro ni yoongi sakanya “baka kase manood si jennie pare kailangan nating maging gwapo ngayon”
“sus umuwi na daw yun” sabi ni jimin, nag bago ang mood ni taehyung para bang nalantang bulaklak. “o tara na start kompleto na tayo!” sabi ng coach nila at sabay silang pumunta sa gitna para mag warm up.
“omg sis si taehyung!–” bulong niya at napansin niya di siya pinapansin nento “hoy ano ba yang ginagawa mo!?” galit niyang tinanong “nag se-set lang ako kung kelan mga quizzes natin” sabi niya at busy sa cellphone niya “hay nako!” sabi niya at umupo na sila sa bleachers
pagkatapos ng ilang saglit, hinanaphanap na ni jennie kung san si taehyung. “omg ayan na mag sh-shoot na sila!” sabi ni rosé at pumalakpak, mas excited pa sa kaibigan niya.
“gago pre andyan na si jennie” bulong niya kay jimin. “galingan mo tangina pahiya ka dyan pag wala kang na shoot” ani niya saka tumawa.
nakapila na ang mga players, sa kaduluduluhan silang tatlo, nag kunwaring kakakita niya palang kay jennie kaya kumaway siya sakanya.
kumaway din naman si jennie.
nung si taehyung na yung titira, umaasa siyang makakashoot siya.
“jusko sana maka shoot po ako” bulong niya sa sarili niya.swerte, naka shoot siya. pagka shoot niya tumingin siya kay jennie at ngumiti. nakita niyang pumapalakpak siya sakanya.
patapos na ang training nila at sakto, pauwi na din sana sila jennie “sure ka ba? kailangan mo nang umuwi agad?” alalang tanong ni jennie kay rosé “oo sis, sorry.”
narinig ito ni taehyung atyaka tinanong siya “pwede ka namang sumabay sakin?” nagulat ang dalawang dalaga dahil sakanya. “oh yun pala e, sige na mag ingat kayo ha! hinahanap na ako ni mama baka pagalitan ako” sabi ni rosé atyaka kinuha ang bag niya sa bleachers. “bye sister!” sabi niya at umalis.
“um wait mo lang ako, mag papalit lang ako” sabi ni taehyung, nag hintay nalang si jennie sa bleachers. nakita niya na yung ibang players galing sa restroom.
“shit sorry, ang tagal ko ba?” tanong ni taehyung sakanya. nakasuot siya ng plain white tshirt at shorts, bitbit ang kanyang bag. “no it's okay, tara na?” tanong ni jennie.
sabay silang lumabas ng school at nag lakad papuntang sakayan. “ang galing mo pala mag basketball” sabi ni jennie para di naman awkward. “salamat” hiya niyang sinabi.
“ang galing mo naka points ka kanina, tama ba?” tanong niya at tumingin sakanya. “ah oo, nandon ka kasi.” sabi niya, wala namang ka react react si jennie.
“eh ako kelan ako mag kaka points sa'yo?” tanong niya sakanya “huh?”
“wala” tumahimik nalang siya.pagdating sa may sakayan ng tricycle, nag paalam na si jennie sakanya “salamat, ingat ka sa pag uwi!” sabi ni jennie bago pumasok sa loob ng tricycle, bago makaalis ang sasakyan, pinuntahan ni taehyung ang driver at binulungan niya ito.
“kuya ingat sa pag drive ha, future ko yan” sabi niya at tumungo nalang ang driver. “salamat po.”
BINABASA MO ANG
love story | tn.
Fanfiction- where her friends dared her to do the "love story trend" with someone she don't know. • tagalog / english • contains curse words started : may 10, 2020 ended : may 19, 2020