9:30 natapos ang second mass. Namalengke muna kami para sa almusal namin. Si mama ang taga pili kami naman ni papa ang taga bitbit. Bigla namang nag-vibrate ang phone ko. I looked at the screen.
Alex?
"Pa, pakihawak muna. Sagotin ko lang 'to!" binigay ko muna kay papa ang hawak ko kanina 'tsaka sinagot ang tawag ni Alex.
"Yes?"
[Asan kayo? Hindi ko kayo nakita kanina sa simbahan.]
"Sa palengke. Bakit?"
[I want to tell you something!] sa tono niya, parang excited siya..... baka sasabihin niya na may girlfriend na siya.
"What was it?" walang gana kong tanong.
[Mamaya na. Puntahan kita mamaya sa inyo.... may gustong makilala ka.] Masayang tugon niya. Sabi ko na nga ba, e!
"Ok"
[What's wrong?]
"Nothing. Sige, I'll hang up na. Bye!"
[Tek----]
I cut him off at bumalik na kila mama at papa.
"Sino 'yon, nak?" Tanong ni papa.
"Alex" I answered and he just nodded.
Tapos naming mamili, umuwi na rin kami. Tahimik lang ako buong byahe namin nakikinig lang kay mama at papa, habang ang paningin ay nasa labas ng bintana.
Ilang minuto ang lumipas ay nandito na kami sa bahay. I saw Alex and his girl waiting outside. Arghhh! Bumaba na kami sa kotse. Todo ngiti naman si Alex, sama niyo rin 'yong kasama niya.
"Hello tita, tito! Good morning po!" bati niya sa dalawa 'tsaka bumaling sa'kin, "Good morning, Cassy!" I just nodded, kumunot naman ang noo niya. "You okay?"
"O-oo naman! Haha b-bakit naman hindi, p-pasok na t-tayo!" sabi ko at nameke ng tawa.
"Pakilala mo naman kasama mo, hijo! Ha ha ha ha" sabi ni papa. I just rolled my eyes secretly.
"Ahh nga pala tito, tita...... she is Maureen!"
Maureen? Familiar ang name niya......
"Hi po!" Bati ni Maureen sabay kaway.
Maureen...... Maureen.... saan ko nga narinig 'yon?
Lumapit sakin si Alex 'tsaka umakbay sa balikat ko.
"Hey! What's wrong with you?" tanong niya.
Hindi mo alam kasi manhid ka. Tskk!
"WALAA! BAKETT?"
"Bakit ka sumisigaw? Hindi mo ba kilala si Maureen? Siya ang pinsan ko na palagi kong kinukwento sa'yo." ha? Sumigaw ako? Napalingalinga naman ako at nakita kong nakatingin sakin sina mama, papa at Maureen.
Pinsan? Kaya pala familiar.
Bakit kasi makakalimutin ako. Pinagselosan ko ang pinsan niya?! Maghunos dili ka Cassandrah. Nakakahiyaaaaa!
Gosh! Cassandrah, control yourself.
"H-hehe s-sarehhh!" sabi ko at nag peace sign, "una na ako sa loob, ah. Sunod na kayo. Bye!" Tumakbo na ako sa loob ng bahay. Wahhhh!
Nakakahiya ka Cassandrah! Huhu :<
Dumeritso ako sa kwarto ko para kalmahin muna ang sarili ko.
__________________
God bless!
YOU ARE READING
I Love You Best Friend
Cerita PendekHindi naman masama kapag na in love kay best friend 'di ba?