Mapaglaro ang Pag ibig, Mapaglaro ang Tadhana pero mas Mapaglaro ang mga Post at Story sa Facebook at Instagram, Lalong lalo na pag Maling Tao ang Natag mo.
Nagsimula ang lahat sa isang malaking pagkakamali, Pagkakamaling babago sa takbo ng buhay ng dalagang si Loraine Montenegro. Isang 3rd year college student ng Batangas State University. Isa lang naman ang pangarap niya, yun ay makatapos sa pag aaral para makatulong sa kanyang mga magulang. Pero dahil sa isang simpleng pagkakamaling na i tag siya sa isang love post ng isang mayaman at aroganteng lalaking si Riguel Zamora. Ang nag iisang anak at tagapagmana ng isa sa may pinakamalaking Hacienda sa buong lalawigan ng Batangas. Na may taglay na makalaglag pangang kakisigan. Unti unting gugulo ang payapang buhay ng dalaga.
Paano nga ba siya matatahimik kung sa bawat galaw niya may mga nanlilisik na matang nakasunod sa kanya. Mga matang puno ng paninibugho at inggit dahil sa tagal tagal nilang pinangarap ang binatang kanilang sinasamba ay sa isang katulad niya lang na hampaslupa babagsak.Paano nga ba maitatama ng dalaga ang pagkakamaling hindi naman siya ang may kasalanan ? Ano ang gagawin niya para makumbinsi ang binata na linisin ang kanyang pangalan? Magagawa kaya niya itong kausapin kung sa mga titig pa lang ng binata tila kandila na siya nauupos?
Hanggang sa dumating sa puntong hindi niya namamalayan na nahuhulog na pala siya sa binata. Akala niya totoo na may pagtingin na ito sa kanya. Na ang simpleng pagkakamali nito noon ay sinadya lang ng binata para pansinin niya. Ngunit nagkamali siya, Lahat pala ito ay malaking pagkakamali na sumira sa buhay niya.
Lumipas ang mahigit 8 taon at muling pagtatagpuin ang kanilang mga landas. Mapapatawad kaya ng dalaga ang lalaking dumurog sa musmos niyang puso? O Muli kaya siyang makikipaglaro sa apoy ng kahapon ?
BINABASA MO ANG
Playful Love Post
RomanceMapaglaro ang Pag ibig, Mapaglaro ang Tadhana pero mas Mapaglaro ang mga Post at Story sa Facebook at Instagram, Lalong lalo na pag Maling Tao ang na tag mo. Ano ang gagawin ni Loraine Montenegro, ang dalagang naging biktima ng isang pagkakama...