Kabanata 1

19 2 0
                                    

"Raine.." tawag ni alexa sa akin. Ang naging kauna unahang kong kaibigan simula ng pumasok ako sa kompanyang pinagtatrabahuhan.

Ano yun? Sagot ko habang hinihilot ang sentido sa sakit ng ulo at unti unting humikab. Ilang araw na kasi siyang gabi na nakakauwi dahil sa mga tinatapos na trabaho at month end kailangan maghabol para sa deadline. Isa sila ng kaibigan babae na aaccountant ng isang sikat na kompanya sa Makati. Isang himalang masasabi na nakapasok siya dito dahil sa taas ng standards nila when it comes to their employees. Pasakit din sa kanya ang matinding traffic sa daan pauwi.

Nagyayaya si britney (a.k.a berwin talaga yung real name niya kaso ayaw na ayaw niya na tinatawag siya ng mga kaibigan nito sa pangalan iyon kasi mabantot daw pakinggan) na pumunta sa BGC sa friday after work, balita niya may bagong bukas don na bar sa malapit. Nasagap niya din na pupunta don yung isang kilalang hunk na Ri yung simula ng name, ano nga ba yun, Rimuel ata or Riquel basta yun. Sinabi niya din sobrang gwapo daw non. Kilala mo naman si bakla pag gwapo at makalalaglag panty ang usapan napakalakas ng radar. May sariling isip ata ang itlog ng baklang yun.

Hay nako Alexa, sabihin mo kay Bri na hindi ako makakasama, hindi pa nga ako nakakatulog ng maayos tapos paggala na ang nasa isip ninyo. Pagpahingahin niyo naman yung katawan lupa ko. Tsaka 12 midnight na ko halos nakakauwi simula nong last week.

Hala hindi nga friend totoo? Di makapaniwalang tanong ni alexa.

Oo girl, nakatulog na nga ako tas paggising ko nasa barkadahan pa din ako. Grabe talaga, konting konti na nga lang bababa na ko sa UV at maglalakad nalang baka mas mabilis at mas maaga pa ko makauwi.

Grabe naman yan, ano ba meron at sobrang lala ng traffic dyan sa dinadaanan mo.

Hay nako, ginagawa lang naman yung tulay don sa malapit . Hindi ko nga maintindihan pag andyan ang MMDA na nag aayos ng flow ng traffic mas malala. Sana di nalang nila pinapatay ang stop light.

Ay ganon ba, o sige sasabihan ko na lang si britney na hindi ka pede. Pero next week, hindi na pwedeng hindi ka sasama.

Oo na sige na, titignan ko kung may budget ako para dyan.

Rainnneee naman... impit na reklamo ng kaibigan ko. Ayaw mo ba makahanap ng PaPa don ? Gusto mo bang tumandang dalaga na lang ? Paano nalang yung dream ko na magkaroon ng inaanak sayo. Ano yun hanggang pangarap na lang din ?

Alam mo alexa, tigilan mo ko sa mga kaartehan mo. Papa ? Meron na ko papa at andon sa Batangas kasama si mama at mga kapatid ko. Tsaka anong tatandang dalaga? Ang bata ko pa 29 palang ako. Makakahanap pa ko, hindi ako nagmamadali ibibigay ni Lord ng kusa yan.

Haler Raine! Tatay mo yun , tignan mo nga yung mga magulang mo naka 8 na junakis kasi maagang nag asawa, e ikaw sa tingin mo ba makakailang anak ka pa ? Baka nga kahit isa mahirapan kana kasi makunat na yan balat sa baba mo. Tsaka turning 30 kana this year , hindi mo naman pede sabihin sa magiging boyfie mo in the future, kung magkakaron ha. Pwede ba mag anak na tayo kasi alam mo na baka hindi na tayo makabuo. Siempre girl may ligawan process pa yan, dapat makilatis mo ng maayos yung magaging boyfriend at future hubby mo, na magiging tatay ng mga inaanak ko.

Oo na po, sasama na ko, lubayan mo lang ako at lalong sumasakit ang ulo ko sa mga sinasabi mo.

Yesss ... napapayag din kita. Masayang sambit ng kaibigan ko na may pagpalo pa sa lamesa, tsaka nagmadaling umalis sa kanyang pwesto para puntahan talaga! pwede naman itext nalang!, si britney sa kabilang department auditor kasi siya samantalang parehas kaming accountant.. at ibalita ang pagpayag ko sa gala namin next week.

Kinatanghalian ng Friday ... habang nasa cafeteria kami at kumakain ng lunch. Hindi na mapakali ang dalawa niyang kaibigan sa kakasabi kung gaano sila ka excited sa mangyayari mamayang gabi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Playful Love PostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon