MAHAL KA SA AKIN
Ang dami naming ginagawa sa school "booth at presentations ang output ninyo sa semi final sa aking subject kaya kailangan magkaisa ang lahat sa klase" ang sabi sa amin ni Ms. DM na contemporary professor namin at nagbigay ng gawain. Lahat ay busy sa ibang subject habang naglista leaders ng aming class ng task na gagawin ng bawat isa sa amin. Naglista na sila ng lalaki at babae na magsasayaw laking gulat ko isinama nila ako sa listahan.
Kahit sinama ako sa listahan ay hindi ako nagreklamo nagulat akong nakita sa listahan si Charles ikinausap ako ni Mike "pwede ba magpapicture sayo classmate?" hindi ako nakapaniwala sa sinabi niya kaya pinagbigyan ko na lamang siya magpapicture. Tiningnan ko si Apple na pinagtatawanan ako sa nangyari nakita kong nakatingin lang sa amin si Charles hindi ko inaasahan na papakilala ako ni Mike sa kaibigan niya si Charles.
Classmate ko si Charles sa NSTP ayoko sa kanya kaya hindi ko na lamang siya pinansin. May narinig ako kay Charles "suplada" ang sinabi niya sa akin ang sakit ng pagkasabi niya kaya agad ako lumingon sa kanya. Sa kalagitnaan ng aming klase ay bigla siya na umalis ng walang pakialam sa nangyari. Naiinis ako sa kanya sa pinakita niya sa amin naawa tuloy ako kay Mike dahil hindi niya pinabayaan si Charles at patuloy niya lamang sinasamahan.
Kapag may class meeting kami ay mas nakikilala ko si Mike madalas kami na magtawanan at magbiruan sa klase at habang tumatagal ay nagiging malapit kami ni Mike pinapansin ko siya kahit saan kami magkita. Unang practice ay nagkaroon agad ng formations pansin ko na ang katabi ko ay si Charles dahil may same height kami. Tinitigan ko si Charles hindi siya marunong kahit na simple steps ang sayaw napansin niya na tumatawa ako habang nagsasayaw siya kaya umalis siya sa practice.
Ang buong akala ko ay galit si Charles dahil ang harsh ng aking ginawa kaya siya umalis. Nakita kong lumabas siya sa comfort room ng dumating bigla si Mike sa practice lumapit si Charles at may sinabi kay Mike. Kaya pinili kong umalis ng narinig ko si Charles "totoo may crush si Vin kay Mike" hindi ko alam ang gagawin. Ang lakas ng boses niya kaya narinig ng classmate ko ang lahat ng sinabi ni Charles kay Mike na hindi naman totoo.
Nakakahiya ang ginawa ni Charles sa akin kaya agad kami itinukso ni Mike ng classmates ko kaya tiningnan ko si Charles. Sa tingin koy gumaganti siya dahil pinagtawanan ko siya ang hindi niya alam na gagantihan ko siya kaya humanda ka Charles. Naiinis ako kasi ginawan kami ng love team sa aming group chat. Umiwas ako ni Mike para hindi na kami tuksuhin pero lumapit siya sa akin gusto niya ako na yayain kumain pero hindi ako sumama.
Sa tuwing nakikita ko si Charles hindi ko alam ang gagawin ko naiinis ako sa kanya. Sa aming practice ay hindi nila namalayang 11:30 pm na kaya umuwi ako after ng practice namin dahil may curfew sa boarding house. Naawa ako kay Reymar dahil wala ng sasakyan sa kanilang lugar. Kaya inalok ko siya na matulog sa boarding house. Classmate ko si Reymar kaya pumayag ako dahil wala siyang ibang matutuluyan.
Kumain kami bago matulog kagaya ko ay bakla si Reymar na astig kumilos at mahusay sumayaw. Hindi lamang ako ang nakapansin kay Charles kahit ang ibang kasama namin ay natatawa ang sabi ni Reymar "pinipigilan ko aking sarili na matawa kay Charles ayoko na magalit siya" kaya sumagot ako sa kanya "naiinis ako sa kanya" sinagot ako agad ni Reymar "mabait talaga si Charles sa personal kaya bigyan mo siya ng chance na kilalanin"
Hindi ako makapaniwala kay Reymar na sinabi niyang mabait si Charles. Sa tingin ko kaya niya na sabi iyon dahil tahimik siyang tao. Ayoko na isipin pa muli si Charles kaya ang ginawa ko ay pinagpahinga ko ang aking sarili. May importanteng lakad kaming dalawa ni Reymar kaya maaga ang gising namin dahil naghahanap kami ng isusuot na damit para sa aming presentations na gagawin sa contemporary subject.
"Ang swerte mo dahil nakasama mo ang crush ko" sabi sa akin ni Emman sumagot ako sa kanya "actually hindi ako swerte kapag nakikita ko iyang crush mong weird at minamalas pa ako sa kanya" naiinis ako na sinasabi ko iyon kay Emman. Nakita kong wala si Charles sa NSTP kaya iniisip ko lang na pagod siya galing practice. Kami ay nagmadali ng sumakay ang kasama ko ay ang group ko sa contemporary kasi para sa amin time is gold.
Kasama ako sa last batch na sumakay ng multicab nasa may pintuan ako ng bigla akong na pausog kasi may ibang sa sakay na pasahero. Kaya ng makita ko si Charles ay nagulat ako tiningnan niya ako ang akala ko ay hindi na siya darating wala akong ibang choice ang tabihan siya. Kinausap ako ni Charles "hinahanap mo ba si Mike?" ginawa ko ay hindi siya pinansin palihim ako na lumilingon sa kanya hindi ko alam kung bakit gusto ko siya tingnan.
Sa pagdating namin sa lugar na aming practice location ay agad ko na pansin si Mike sinalubong niya si Charles ang lahat ay nagtulungan sa booth para na mapadali ang trabaho. Kaya pumunta muna ako ng tindahan para bumili ng maiinom nagpasama ako kay Apple sa daan nakita ko si Mike kasama niya si Charles at Krisell kaya pinansin ako ni Mike. Inasar ako ni Krisell at Apple na ang sweet namin ni Mike nakita ko na tahimik lamang si Charles.
"Alam mo ba Mike hinahanap ka ni Vin" sanabi ni Charles kay Mike kaya tumingin ako sa kanya kaya sinabi ko "wala ka ng pakialam" ngumiti siya sa akin pagkatapos kong sabihin iyon ay umalis ako. Hindi maalis sa isipan kong gantihan si Charles naiinis lang ako kapag naaalala ko siya. Sa aming practice ay iniwasan ko siya kahit na tingnan siya ay hindi ko ginawa wala akong naalala na kasalanang ginawa kay Charles.
BINABASA MO ANG
Mahal Ka Sa Akin
RomanceAng "MAHAL KA SA AKIN" ay tungkol sa kwento ng pag-ibig, nagsimula lahat sa hate hanggang maging love "The more you hate, the more you love". Sa dami ng tao sa mundo may isang tao ang kaiinisan mo kahit wala namang ginagawa sayo na masama. What if o...