Chapter 3: Hot Teacher

4K 150 15
                                    

Chapter 3

Dani's POV

"Hello Allie," mahinang tawag ko. May nakalagay kasing micro-mic sa hikaw na suot ko. "Pwede mo bang matrace sa GPS kung saan itong lintek na SBM building na'to. Kanina pa ako naghahanap. Kay laki-laki ba naman kasi ng school na'to."

"Ok, wait lang. Isisend ko sa phone mo ang location," sagot niya.

Ilang segundo lang ay tumunog ang phone ko. Binuksan ko agad ito at lumitaw ang map ng university. May isang pulang tuldok at isang itim na x mark ang naroon.

"Ang pulang tuldok ay ang location mo ngayon at yung x mark naman ay ang SBM building," paliwanag niya.

"Okey, got it. Salamat."

Mabilis akong naglakad kahit ang sakit-sakit na ng paa ko sa suot kong sapatos. Ilang minuto na lang kasi ay magsisimula na ang klase ko.

"Ay kabayo!"

Dahil sa pagmamadali ko ay hindi ko na namalayan na may pader pala sa harap ko, este tao pala. Ang lapad naman kasi ng kanyang likod at ang tigas ha.

"Sorry." Hinging paumanhin ko sa nakabangga ko. Napaatras ako ng bigla siyang lumingon kaya tuloy na-out of balance ako. Mabuti na lang mabilis ang mga kamay niya at nahawakan agad ang braso ko dahil siguradong sa sahig ako pupulutin.

Pero sa hinding maipaliwanag na dahilan ay bigla akong nanginig ng may kuryenteng nanulay sa braso ko mula sa kamay niya.

Weird.

"Okay ka lang ba miss?" Tanong ng isang baritonong tinig. Napa-angat ako ng tingin para lang mapanga-nga ng literal.

Kabayong bakla! May ganito pala kagwapong nilalang sa mundo, yung tingin pa lang ulam na.

Hindi mapigilan ng mga mata ko na suyurin ang kanyang buong mukha. Clean cut ang buhok niya, matangos ang ilong at may makakapal na kilay. Napaka-itim rin ng kulay ng kanyang mga mata na kung makatitig ay para kang mapapasunod ka sa kung ano man ang gusto niyang iutos. Ang mga labi naman niya ay kay pula at nipis na parang kaysarap kagatin at tikman.

Ang halay natin ngayon besh ha.

Bumaba ang tingin ko papunta sa kanyang katawan. He had a broad shoulder kaya pala mala-pader ang likod niya. Katamtaman lang ang laki ng katawan niya. He's on the lean side and he has a fair skin. Nakasuot siya ng white polo shirt na may nakaburdang WU seal sa kanang dibdib at isang fitted jeans. Hanggang baba lang niya ako, may suot pa akong heels sa lagay na yan ha. Sa tingin ko ay nasa 6 feet ang height niya kumpara sa height kong nasa 5'5 lang. This man is really attractive and hot.

"S-sir, pwede na po ba akong maka-alis?" saad ng isang tinig na nagpatigil sa pagsisight-seeing ko sa lalake na hanggang ngayon ay hawak-hawak parin ang braso ko.

"You can go but make sure na huwag mo nang uulitin yung ginawa mo," saad niya sa lalaking estudyante.

"Yes sir!" sagot ng payatot na lalake at mabilis pa sa alas-kwatro na umalis.

Sir? Nalintikan na!

Mukhang teacher pa itong nabangga ko. Nakakahiya pa dahil pinag-pyestahan pa ng mga mata ko ang kabuhuan niya. Mabuti na lang at magaling akong magtago ng emosyon.

I've Got YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon