Chapter 2: New Student

4K 158 16
                                    

Chapter 2

Dani's POV

"Outfit, check. Looks, check. Tracking device, check. Spice gadget, check. Well, are you ready agent Madrigal?"

Bumuga muna ako ng hangin bago sumagot. "Yeah. I think I am." Medyo sosyal kong sagot, pangpraktis lang.

Tumawa siya ng konti. "Good. Tandaan mo lahat yung itinuro ko sayo. Well, parang kering-keri mo naman."

"Kailangan eh."

This is it, ang unang araw ng misyon ko. Ang unang araw ng pagpasok ko sa Westfield University. For almost a month ay nagworkshop lang naman ako sa pagiging sosyalerang estudyante. At sa tingin ko ay kahit kailan ay hinding-hindi ko magugustuhan ang ganung klaseng attitude. Jologs kasi ako eh at may pagkaboyish rin, halata naman siguro sa pinasukan kong trabaho.

I'm going to be Shaira Lee Cervantes, my new identity. Anak daw kuno ako ng isang mayamang negosyante na nag-eexport ng mga pinoy products sa ibang bansa. Ewan ko nga kung paano yun pineke ni Allie.

"Stop pulling your shorts." Saway sa akin ni Allie.

"Eh kasi naman ang ikli nitong short na'to. Pwede naman siguro na magjeans na lang ako." Reklamo ko sa kanya.

Paano ba naman, nakasuot ako ng napaikli-ikling short na halos maging panty na sa kaiklian. Nakablack na tube lang rin ako na halos kita na ang kaluluwa ko. Paano ba naman, tinalo pa si Ethel Booba sa lalim ng cleavage, litaw pa pati pusod ko. May maipagmamayabang pa naman itong dibdib ko. Mabuti na lang at pinatungan ito ng leather jacket kundi baka magwala na ako. I'm also wearing black boots with killer heels.

"Hindi pwede. Kailangan mo makuha agad ang atensyon nila para maging trending topic ka agad. Dapat unang kita pa lang nila sayo ay lalaki at luluwa na ang kanilang mga mata dahil may hot at sexy na goddess na bumaba mula sa langit."

"Exagge ka naman, okey na yung hot at sexy." Tumawa lang siya. "Baka mapagkamalan akong prosti nito ha."

"Ano ka ba, your smoking hot in a sosy way kaya no no na mapagkamalan kang pokpok. At mukhang mayaman naman ang pagmumukha mo kaya hindi ka mahihirapan."

Nilagyan rin kasi ng make-up ang mukha ko para daw hindi ako magmukhang inosenti o baby face. They make my face more matured and look hot. Inilugay rin ang natural brown na buhok ko at medyo ginulo-gulo pa na parang mukha lang kakagising para daw dagdag effect.

Pagharap ko nga sa salamin akala ko kung sinong modelong lumabas mula sa magazine ang nakita ko. Alam ko naman na may ibubuga rin ako sa kagandahan but this woman in front of me is different. She is really ozzing with sex appeal at nakadagdag pa rito ang hazel color eyes ko.

Gosh Dani, magbuhat talaga ng sariling bangko!

"Sige na baba ka na, malapit na rin magstart ang klase mo. At yung sabi ko, dapat late kang papasok para makita ka lahat ng mga kaklase mo at you have there full attention. Well, goodluck on this."

Lumabas na agad ako ng van na nakatago malapit sa WU dala-dala ang maliit na Gucci bag ko. Syempre hiram lang yun noh. Agad rin akong sumakay sa black BMW sports car na magiging sasakyan ko pansamantala. Dahil nga sa mayaman kuno ako, dapat mamahalin rin ang mga kagamitan ko. Ewan ko nga kung saan ito lahat hiniram ng Black Thorne.

Papasok pa lang ako sa gate ng WU ay kapansin-pansin ang paglingon ng mga estudyanteng kakapasok pa lang. Eh sino naman ang hindi makakalingon eh ang lakas yata ng dating ng sasakyang ito.

Mabuti na lang ay nakahanap agad ako ng mapaparkingan. Pero nang mapatingin ako sa sasakyang katabi ng BMW ko ay napamura ako ng wala sa oras.

"Shitness! My dream bike."

Katabi lang naman ng sasakyan ko ang pinakalatest model ng Ducati. I'm a sucker of big bike, I have three in my garage, pero wala pa akong Ducati. Kaya ngayon ay nag-iipon pa ako para makabili man lang ng isa.

Ipinilig ko ang aking ulo dahil hindi dapat ako madistract lalong-lalo na nasa misyon ako. Sinipat ko muna ang sarili sa salamin at kinuha ang itim na sunglass para isuot.

Paa ko pa lang ang nakakalabas ay may sumipol agad.

Bilis nun ha. Iba talaga pag-pinakitaan mo ng legs.

Nang nakalabas na ako ng tuluyan ay ang lakas ng mga bulong-bulungan ng mga estudyante. Halos lahat yata ng atensyon ng mga ito ay nasa akin. Paghanga ang nakikita ko sa mga mata nila, lalong-lalo na sa mga lalake. Ang iba naman ay napapataas ng kilay.

Mission number one, getting their attention. Successfully completed!

I need to play my act now so I lift my chin high and walk with confidence. Pinagpraktisan ko kaya kung paano maglakad ng parang isang model.

Nang mapagmasdan ko muli ang Ducati ay hindi ko maiwasang pasimple itong haplusin.

Mabibili rin kita, baby!

Naglalakad na ako sa hallway ng school, lahat yata ng mga mata sa akin nakatutok.

"Who's that babe?"

"Wetwew. Ang sexy, pare. Bago ba yan?"

"New student pare. Kita mo ang legs pare at ang cleavage."

Napapailing na lang ako sa mga reaksyon ng mga estudyante. Tama nga si Allie, nakaw-tingin ang suot ko. Tiningnan ko muna ang papel na hawak ko kung saan nakasulat ang room sa first subject ko.

Saang lupalop naman itong SBM building?

"Hey Miss!" Landing saad sa akin ng isang lalake. Napataas tuloy ang kilay ko. "You need help?"

Well, baka makatulong nga siya. "Hey, I think I need some. Alam mo ba kung saan ang SBM building?"

"Oh yeah, gusto mo ihatid kita." Alok niya. Tiningnan ko ang kanyang pagmmumukha, infairness gwapo siya pero mukhang playboy. "No thanks, ituro mo na lang."

"Well, ituturo ko pag ibibigay mo ang name mo."

Ibang klase rin lalaking ito ha. Bilis dumiskarte.

Ni-head to foot ko muna siya at nginitian ng pagkatamis-tamis. Nagliwanag naman ang kanyang mukha. "Salamat na lang, kaya ko na ang sarili ko." Sabay walkout.

Ha! Anong akala niya sa akin easy to get. Ang mga kabataan nga naman ngayon, tsk.

*****

LG

12-16-14

I've Got YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon