Chapter 5: P.E. Class

3.7K 148 26
                                    

Chapter 5

Dani's POV

"Hmm... Saan naman kaya ang gym rito?" Palinga-linga kong tanong sa aking sarili.

P.E. ko ngayon at sabi rito sa schedule ko ay sa gym daw ang klase namin. Gagamitin ko na sana yung GPS sa relo ko ng may nagsalita bigla sa likod ko.

"Hinahanap mo ang gym?"

Napalingon ako bigla. Isang babaeng nakasalamin ang aking nakita. Maputi siya pero may kaliitan ang height. Nakakapanibago ang dating niya, ibang-iba siya sa mga babaeng nakikita ko rito sa campus. Hindi ko akalain na may ganito pa palang babae sa mundo, yung mga maria clara ang datingan.

Mahaba ang suot niyang palda at mataas rin ang manggas ng kanyang blouse. Parang papasok lang sa pagmamadre. Pero hindi mo ikakaila na may taglay siyang ganda na nakatago lang sa likod ng makakapal na salamin at balot na balot na damit.

"Ah, oo eh. Alam mo ba kung saan?" tanong ko na lang.

"Oo. Papunta rin ako dun," sagot niya. "Ano ba ang section mo? Baka magkaklase tayo."

"Section C ang nakalagay rito," sagot ko naman.

"Magkaklase nga tayo," masaya niyang saad. "Sabay na lang tayo kung ganun."

Ngumiti ako. "Sure. Ako pala si Da... Shaira. Shaira Lee Cervantes."

Jusmiyo! Muntik-muntikan na.

Ngumiti rin siya. "Vivien Briones," pakilala naman niya.

Nagsimula na kaming naglakad papunta sa gym. "Bago ka lang ba rito? Hindi ka kasi pamilyar."

"Ah, oo. Kaka-transfer ko lang."

"Ganun ba. Sana magustuhan mo rito."

"Salamat."

In fairness, magaan ang loob ko sa kanya. Kahit ganun siya manamit ay hindi naman siya mahiyain. Nag-usap pa kami tungkol sa aming mga sarili. Syempre yung mga made up profile ko ang mga sinabi ko sa kanya. At parang hindi niya rin napanood yung viral video ko dahil base sa reaksyon niya ay mukhang ngayon pa lang niya ako nakita.

Kanina pa kasi ako bukang bibig ng mga estudyante ng nakapanood ng video. Merong nilalapitan ako at nagfefeeling close, meron namang mga bastos na sumisipol sa tuwing mapapadaan ako sa kanilang harapan. Kung hindi lang sa trabaho kanina pa ako nagwala rito.

Well, balik sa kasalukuyan. Sa pag-uusap namin ay nalaman ko na education ang kanyang course at nasa third year level na. Mukhang mayaman rin ang isang ito dahil may sariling paaralan ang kanyang mga magulang.

Pagkarating namin sa gym ay sinalubong kami ng pagkaraming estudyante, halos lahat ay babae. "Ba't ang rami yatang estudyante rito? Akala ko ba isang section lang ang magkaklase ngayon rito?"

"Masanay ka na. Ganito talaga pag si Sir LED ang P.E. instructor," sagot niya na ikinalito ko. "Siya yung isa mga pinagpapantasyahan na guro ng mga kababaihan rito sa WU. Kaya huwag ka nang magtaka kung bakit ang raming nagpapa-enroll sa kanyang klase."

"May ganun talaga? Ang lalandi naman pala ng mga estudyante na yan," komento ko.

"Sinabi mo pa," sangayon naman niya. Sabay na rin kaming pumunta sa locker room para makapagpalit ng P.E. uniform. Ang social nga talaga nitong university na'to. May libreng locker na, may libreng uniform pa.

Kaya lang ng makita ko ang P.E. uniform ay gusto kong ngumiwi. Akala ko makapagpapahinga na ako sa mga maiiksing damit, hindi pa pala. Paano ba naman isang short pant pala ang pangbaba ng P.E. uniform namin at ang iksi pa sa akin. Mabuti na lang at maluwang ang t-shirt dahil kung hindi ay baka ako magmumukhang suman.

I've Got YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon