Isang daan

1 0 0
                                    

It's been three months since I took the risk of loving someone again. Someone miles away from me again. LDR ulit. Libo libong espasyo na naman ang naghihiwalay sa ating dalawa.

Aaminin ko na hindi naman ito ang unang beses na sobrang naging masaya ako dahil sa isang tao. Pero sa lahat ng minahal ko, sayo ko lang ata naramdaman at naranasanan lahat ng ginusto ko sana sa isang relasyon.

We've known each other since we were teenagers. Tanda ko pa na ikaw ang unang nagbigay sa akin ng bulaklak. Pinabaunan mo pa ako ng cute mong picture nung bata ka pa. Ang kaso, hindi ko na alam kung nasan na yung picture mo na yon. Kaya sobrang tampo mo nung hinahanap mo sakin kasi inisip mo na itinapon ko na.

I never thought that we'd end up being together. Bakit? Hindi naman ako interesado sayo noon. Interesado ako sa maling tao. Bulag kasi ako pag nagmahal kaya wala akong ibang nakikita. Wala akong ibang gustong makita. Kaya kahit anong kulit mo sa akin noon, hindi kita binigyan ng pagkakataon.

Eventually, nawalan tayo ng communication. We have met other people. We have loved and failed. Isa, dalawa, ilang beses tayong nasaktan. Pero sabi natin okay na rin na iniwan tayo ng mga minahal natin kasi kung hindi, wala sanang tayo ngayon.

Hindi ko inasahan na magkikita tayo ulit. Totoo ba talagang first love never dies? Sabi mo bumalik lahat ng feelings mo sakin nung nakita mo ako ulit. Hindi ko alam kung matatawa ako o kikiligin. First time ko kasi maging first love ng isang tao.

Ayaw pa sana kita ulit bigyan ng chance kasi uuwi rin naman ako. The place where we have met always makes me feel at home, but I don't belong there. Not until you made me feel and realized that you are home.

Konting panahon lang yung binigay sa atin nung nagkasama tayo but I've been the happiest since day one. Ramdam mo naman diba? Pansin na rin ng mga tao sa paligid ko ang saya ko. You are good for me. You make me a better person. Hindi mo lang alam pero araw araw, lalo lang ako napapamahal sayo. I think that's how love works? I never thought I'd fall for you! Love moves in mysterious ways nga raw sabi ng kanta. And I believed in that because of you.

Gusto ko di na tayo ulit mag iisa at magtatanong bakit tayo iniiwan. Gusto ko sabay natin tutuparin yung mga pangarap natin sa buhay. Gusto ko ikaw na yung makakasama ko hanggang pagtanda. Deserve natin pareho na maging masaya. Nung una, baka wrong timing lang talaga pero na siguro yung right timing nating dalawa.

***

Alam mo ba kung bakit kita mahal? Kasi alam ko kahit mahirap, kahit masakit, kahit magulo ang mundo... araw araw, ikaw ang lagi kong pipiliin mahal ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 10, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Labli WritesWhere stories live. Discover now