Chapter II

193 4 0
                                    

“You’re acting weird.” sabi ko, habang nagdadrive sya.

“Am I? Oh. I’m sorry.”

“Okay ka lang ba? Kakaiba ka kasi ngayon e”

“A. Syempre naman okay lang ako.” sagot nya.

Huminto na yung sasakyan sa tapat ng bahay namin, pero hindi muna ako bumababa.

“So… babye!” sabi ko, with a very big smile.

“Wear your best dress tomorrow.” Sabi nya.

“Bakit?”

“Just wear it.” Sabi nya. Tapos ngumit sya sakin at kumindat.  >//////////////<

“Stop doing that!” sabi ko. Pero kinindatan nya lang ako uli. Kaya ayun, bumababa na ako ng kotse. Nako, baka mamaya mamatay pa ko sa kilig!

Umandar na yung sasakyan, at kumaway sya sakin. Kumaway rin ako syempre. Haha!

Nakatingin lang ako sa sasakyan nya hanggang sa hindi ko na matanaw. Napapaisip ako, why would I wear my best dress if it’s his mom’s birthday? Haaay. Hayaan na nga lang.

Dumeretso ako sa kwarto. Tulog na kasi sila mama. Nag-ayos na ko ng sarili at humiga sa kama. Nagfaflash yung mukha nya tuwing pumipikit ako. Yung mata nyang nakakaakit, hindi maalis sa isip ko. Bakit kasi ang gwapo gwapo nya masyado? Kaso ayun, naging bestfriend ko sya. Malas :/

Mahirap nga naman talagang umibig sa bestfriend mo. Ikaw kasi yung pinakapinagkakatiwalaan nya. At once na umibig ka sa kanya, alam mo nang talo ka. Oo, madalas nga kayong magkasama pero hanggang dun nalang. Yun na ang pinakamalayong distansya, yung katabi mo na sya pero alam mo na ni minsan ay di mo sya kayang makuha. Sa’yo nya kinukwento yung lovelife nya, kung gaano nya kamahal yung babaeng nililigawan nya. Nakikita mo kung gaano sya katorpe sa kabila ng pagiging gwapo nya. Sa’yo sya hihingi ng payo, kung ano bang mga dapat gawin. Hindi lang nya alam na sa bawat salitang nababanggit nya, ay unti-unting nadudurog yung puso ko. Ang hirap kayang magpretend na hindi ka affected.

Lahat nang sikreto nya alam ko. Pero hindi lahat ng sikreto ko alam nya. Hindi nya alam na sya ang gusto ko. Hindi nya alam na sa bawat sandaling magkasama kami ay abot langit ang tuwa ko. Hindi nya alam na sa tuwing kinikindatan nya ko ay halos mamatay na ko sa kilig. Hindi nya alam na sa tuwing makikita ko ang kanyang mga mata ay sobra na ko kung manginig. Hindi nya alam na mahal ko sya, at ang hirap kasi wala akong masabihan ng aking nararamdaman.

Pero okay lang, at least in the past few weeks ay hindi na sya nagkukwento tungkol dun sa nililigawan nya. I wonder what happened. Binasted na ba sya? Bakit di man lang nya sinabi sakin?

Then I found myself lying in my bed. Umaga na pala. Nakatulog ako sa kakaisip. Haaay.

Pinili ko na yung damit na susuotin ko mamayang gabi sa birthday ng mama nya. I’m still wondering kung bakit ko susuotin ang best dress ko.

*beep*

Nagtext si Kyle.

“See you later Mika. 8 pm. Sorry hindi kita masusundo mamaya.”

Ay. Hindi pa ko masusundo :/

5 PM na nang magsimula akong mag-ayos. Sinuot ko yung best dress ko, a blue prom gown. Naglagay din ako ng light na make-up, inayos ang buhok ko, wore my best stiletto at nagprepare na para umalis.

Nagpahatid ako kay papa since hindi naman daw ako masusundo ni Kyle.

Pagdating ko sa resort kung saan magaganap yung birthday party ng mama ni Kyle, in-escortan kagad ako ng dalawang lalaki.

“This way ma’am” sabi nung isa.

I kissed my dad goodbye.

“This will be a very magical night”sabi ni papa.

“huh?” sabi ko. Then he left.

Maganda yung pagkakadecorate sa resort. There are flowers everywhere. Ang ganda rin ng lights. Napakaromantic ng scene, hindi ko alam kung birthday ba talaga tong napuntahan ko. XD

Nakita ko yung nasa dulo ng hallway na nilalakaran ko. A table, candle lights and a bunch of roses.

Ang cute ng theme ng birthday ng mama ni Kyle. Parang romantic date lang. Kaso ang weird, wala akong makitang ibang tao bukod dito sa dalawa kong escort.

Then petals of roses started falling above me habang naglalakad ako. Wooooooow.  O.O

Ang ganda ng scene, sobrang ganda.

Nang makarating ako dun sa table, pinaupo ako nung mga escort and they left. Tapos biglang tumugtog yung orchestra sa gilid. May mga orchestra pala dun, hindi ko nakita, nasa gilig kasi e.

Ang romantic din ng music na tinutugtog nila. Nakakainlove yung melody.

“Nasan yung party? Nasan yung ibang tao?” sabi ko sa sarili ko.

More Than FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon