Chapter 2
Matapos kong ayusin ang mga librong nagkalat kanina sa kwarto ay agad akong bumaba, and it makes me smile ng maabutan ko si Marco na pilit na nagbabasa ng textbook niya, samantalang si Marielle naman ay naglalaro ng mga dolls niya.
"Very good Marco ah" papuri ko kay Marco habang hinimas himas ang ulo niya ng makalapit ako sa kanila "Good lang sayo" kunyaring nagtatampong tono na wika ko naman kay Marielle dahilan para samaan niya ako ng tingin.
"Biro lang, dahil pareho naman kayong nakinig sakin kanina pareho din kayong very good" bawi ko dahilan para mapangiti na silang dalawa specially Marielle. "Sige na magbasa at maglaro lang kayo diyan at may gagawin lang ako, darating na rin si mama maya-maya" bilin ko sa kanila.Tanging tango lang naman ang isinagot nila dahil pareho naman silang busy sa ginagawa nila.
Alas-onsi na ng umaga at maya-maya lamang ay darating na si mama mula sa paglalako ng daing kayat iniwan ko na muna ang dalawa sa sala samantalang ako naman ay nagluto na ng pananghalian namin. Lumipas ang kalahating oras ay dumating na nga siya.
"Ma!" masayang bungad ng dalawang kapatid ko ng makita si mama, namiss nga nila kasi nga naman umaalis si mama tulog pa sila. Dali-dali naman akong lumapit sa kanila at kinuha ang bayong at bilao na dala niya, naubos ang mga laman nito kaya siguro good mood si mama pagdating. Pero lagi naman siyang good mood eh.
"Mga baby ni mama!" masayang salubong niya sa dalawa sabay yakap sa mga ito. Masaya naman silang nagyakapan. So ano hindi ako kasali. Napa crossed arm nalang ako sabay tingin sa kawalan. Aattitude lang para mapansin ni mother.
"Ito namang panganay ko nagselos agad" naglalambing ang tonong baling niya sakin. Oh diba sabi ko sayo effective. Haha.
"Halika nga dito" yaya niya sakin kaya lumapit ako, umupo sila sa mahabang bangko kaya umupo na rin ako. "Binantayan mo ba ng maayos ang mga kapatid mo? Baka madaming kurot nanaman itong si Marriele huh? O baka hindi ka nanaman nag almusal?" sunod sunod niya nanamang tanong, here we go again. Akala ko pa naman yayakapin niya rin ako yun pala magtatanong lang nanaman.
"Opo binantayan ko sila, tapos nagpigil ako kanina na kurutin itong si Marielle kaya hindi at never ko siyang kukurutin" pagsisinungaling ko kaya napatango naman siya. "Mabuti kong ganun" sagot niya pa.
"Tapos nag-" balak ko ulit sanang magsinungaling pero naputol ang sasabihin ko ng biglang sumingit si Marielle.
"Ma hindi nag-almusal si ate, binigay niya nalang samin yung ulam niya" honest nitong sumbong dahilan para lakihan ko siya ng mata, nakalimutan ko nga pala silang bilinan kanina na wag akong isusumbong kay mama.
"Hayy naku Mariela kapag talaga nagkasakit kang bata ka hindi ko lang alam kung anong gagawin ko sayo dahil diyan sa katigasan ng ulo mo" inis niyang wika sakin kaya napayuko nalang ako dahil sa hiya. "Kapag bukas hindi ka ulit nag-almusal hindi na rin kita pakakainin sa buong araw" may bahid ng banta na wika niya, hala galit na siya.
"Kakain na po" tanging nasagot ko nalang. Tango nalang ang naisagot niya pero nakakatakot parin siya kung tumingin sakin.
"Nakapagsaing kana ba?" mahinahon niya ng tanong, so bigla-bigla nalang magbabago mood niya. It's ok kisa naman tuluyan na siyang kainin ng inis niya sakin diba."Opo" maikli kong sagot.
"Kain na tayo, ginutom ako sa paglalako eh" yaya niya kaya dali-dali akong tumayo at nauna ng pumunta sa kusina para maghain.
May bitbit ng supot ng ulam si mama pagdating nila sa lamesa kayat agad ko itong sinalin. Halos bumilog naman ang mata ng dalawa kong kapatid ng makita ang laman nito. Adobo. Halos isang linggo na rin kasi kaming hindi nakakakain nun eh kaya ganun nalang ang reaction nila.
YOU ARE READING
His Dream
RomansaA very supportive girl for his friend Jonathan. A dreamer, a lover, and the best friend ever. Handa niyang gawin ang lahat just to support his friend reach his dream. Almost perfect na sana ang pagsasamahan nila until one day she realized that she's...