Chapter 2

32 3 3
                                    

Aidan's POV

Naglalaakad kami palabas ng Department Store ng biglang tumunog ang cellphone ko.

"Ano yun Aidan? " tanong saakin ni Cassidy

"Teka" sabi ko habang kinukuha ang cellphone ko na nasa bulsa ko.

1 Email Notification...

"May notification ako sa Email" sabi ko habang nagtataka.

"Anong sabi?" tanong ni Kayleigh.

Binuksan ko ang cellphone ko at agad na tinignan ang aking Email.

"You are invited to our School, Eastwood High. You are free to go here along with your friends." sabi ko sa kanila.

"Eastwood High?" takang tanong ni Yshiro.

"Parang ngayon ko lang narinig ang pangalan ng School na yan." sabi naman ni Kiesha.

"Baka hindi lang talaga kilala ang School na yan or hindi lang sila lumalabas sa news or articles." sabi naman ni Cassidy.

"Maybe it's a Scam." tipid na sagot ni Johann with a lazy and cold voice.

---------------------------------------------------------
[A/N: Masanay na po kayo kay Johann, may pagka-cold po talaga ang personality nya. Ok back to the story.]
---------------------------------------------------------

"Maybe, but we're not sure" sabi ko naman sa kanila.

Hindi na lamang namin pinansin ang natanggap kong message. Nagpatuloy kami sa paglalakad at nang makalabas kami ng Department Store ay may pinuntahan na shop ang mga babae. Wala kaming nagawa kung hindi sumama sa kanila. Hinintay namin silang matapos sa pamimili at naiisipan na naming umuwi. Nagpaalam kami sa isa't isa at umuwi na. Sumakay ako ng taxi at habang nasa byahe ako ay tulala ako dahil iniisip ko pa rin ang natanggap kong message kanina.

'Eastwood High? Saan naman kaya iyon? At bakit ngayon ko lang narinig ang pangalan ng school na yan?' sabi ko sa aking sarili habang nakatulala pa din ako. Ilang minuto ang nakalipas, nakarating na ko sa bahay namin. Pag pasok ko ng bahay ay walang tao, ako lamang ang nasa bahay. Nagtatrabaho kasi parehas ang mga magulang ko kaya madalas akong mag-isa dito sa bahay. Umakyat ako sa aking kwarto at nagpalit ako ng pambahay. Kinuha ko ang laptop ko at umupo ako sa kama ko. Agad kong sinearch ang Eastwood High at nakakapagtaka na hindi ito lumabas sa Google. Binuksan ko din ang iba pang social media apps para isearch ang Eastwood High ngunit wala talaga ito.

Naisip ko na kumain muna ng merienda dahil 4:30 na din naman. Lumabas ako ng kwarto dala ang aking cellphone. Bumaba ako at dumeretso ako sa kusina para tignan kung anong pagkain ang meron dito. Nakakita ako ng tinapay kaya kinuha ko ito. Kumuha ako ng dalawang pirasong tinapay, at kumuha ako ng juice sa ref. Naisip ko na sa kwarto na lang kumain kaya umakyat na ako papunta sa kwarto ko. Nang makarating ako sa kwarto ay umupo agad ako sa upuan at pinatong ko ang dala kong pagkain at juice sa lamesa. Nagsscroll ako sa cellphone ko habang kumakain. Nang maubos ko na ang aking tinapay ay ininom ko na ang juice. Iniwan ko na lamang muna sa lamesa ang pinagkainan ko. Agad akong pumunta sa kama ko at nahiga ng biglang tumunog ang cellphone ko.

1 Email Notification...

Agad kong tinignan kung ano ito. Nakita kong may isang Email Notification ulit kaya naman binasa ko ito.

"I see that you are trying to search the school's information online."

"Pano naman nila nalaman na sinearch ko ang school nila?!" gulat at nagtatakang tanong ko.

"Kailangan ko tong sabihin sa kanila." sabi ko at agad kong kinuha ang laptop ko at tsaka binuksan ito.

Tinawagan ko ang mga kaibigan ko sa gc na ginawa ni Kiesha. (Video Call)

"Oh, napatawag ka." sabi ni Kayleigh sa kabilang linya.

"Oo nga, may sasabihin ka ba." tanong naman ni Cassidy at nanatiling tahimik ang iba.

"Oo, may ikukuwento ako sa inyo. Kanina nag-search ako tungkol sa Eastwood High pero wala lumalabas na information. Tapos biglang tumunog yung cellphone ko kaya naman binuksan ko ito agad, and may nakita ulit akong isang Email notification kaya naman binuksan ko ito at binasa. "sabi ko ng biglang sumingit si Kiesha.

"Eh anong sabi?" tanong ni Kiesha.

"Patapusin mo muna kasi ako." sabi ko at tinuloy ko na ang pagkuwento ko.

"Ang sabi sa message ay, I see that you are trying to search the school's information online. Nakakapagtaka lang guys, paano nya nalaman na sinearch ko yung Eastwood High." sabi ko sa kanila.

"Baka nga Scam lang yan." sabi ni Kayleigh.

"Baka hacker ang nasa likod nito. Kasi paano nya nalaman na sinearch mo yung Eastwood High." sabi naman ni Amandla na ikinagulat ko

"Oo nga, baka naman na hack lang yang laptop at cellphone mo." sabi ni Cassidy sa akin.

Ding Dong
Tunog yan ng doorbell wag kang ano. Biglang tumunog ang doorbell kaya naman nagpaalam ako na titignan ko kung ano ito.

"Guys saglit lang, tumunog yung doorbell. Titignan ko muna kung ano yun." sabi ko sa kanila at tumango naman sila sa akin.

Agad akong bumaba para tignan ito. Lumabas ako ng bahay at dumeretso sa gate. May nakita akong package sa sahig kaya naman pinulot ko ito. Nagtaka ako bigla dahil wala naman akong inorder online. Naiisip ko na buksan na lang ito sa kwarto kaya naman pumasok agad ako sa bahay at umakyat sa kwarto. Pagpasok ko ng kwarto ay agad nilang tinanong kung ano iyon.

"Aidan ano yun?" tanong ni Yshiro.

"Oo nga, ano yun?" tanong di nila sa akin.

"May package na dumating. Pero nakakapagtaka kasi wala naman akong inorder online." sabi ko sa kanila.

"Open it then. Let's see what's inside." sabi ni Johann kaya naman binuksan ko ito.

At pagkabukas ko ng package ay may laman itong isang map at isang letter.

"What's inside?" tanong ni Johann.

"There's a map and a letter inside." sagot ko sa tanong ni Johann.

"Then read the letter." Tipid na sagot ni Johann.

"In order to reach our school, Eastwood High, use the map as a guide so you can reach the school's destination. But we have a condition, you can not bring any gadgets with you and no one is allowed to know even your parents that you are going to our school." sabi ko.

Napag-usapan naming magkakaibigan na magkita-kita ulit bukas sa mall para pag-usapan kung ano ang gagawin namin dito sa letter at map na natanggap ko.

To be continued...

Eastwood High [Ongoing] [Hiatus] Where stories live. Discover now