Kabanata 20

0 0 0
                                    

Simula nun magkabati kami ni James madalas na kami magkakasama ng tropa niya. Kwela talaga siya sa mga kwento niya. Sinupresa namin siya nung birthday niya.
Happy Birthday!
Salamat!
Nakaupo kami lahat sa tambayan namin pasyalan. Ang regalo ko sa kanya? basta polbo at panloob with letter. Nahirapan ako nung bumibili dahil hindi ko naman alam ang size niya, umabot pa nga ako sa puntong isukat ko na eh hahaha kaso ang sama na ng tingin ng tao dun favorite brand niya.
Masaya naman siya nun pero ewan ko ba pakiramdam ko pilit lang yun saya niya nun. Hindi ko na inalam dahil siya yun tipo ng tao hindi nagkukwento ng malungkot puro masaya lang. Kung meron man siyang nakwento na malungkot siya yun sa dati niyang mga kaibigan na hinihingan siya ng oras pero nagsabi siya na hindi makapunta at hindi sila nagkaintindihan.

Lagi akong niyaya nilang magtropa na magovernight o gumala kaso hindi ako nakakasama kaya hindi ko rin naman sila masisi kung may tampo sila o malayo na ang loob. Sa kanilang laht si James ang kausap ko o may kontak ako madalas. Hindi ko rin alam kung bakit, nasanay lang siguro ako at tuwing birthday niya tinatawagan ko siya. Thank you lang ang mga sagot niya. Binibiro ko nga manlibre naman siya kaso ayun kuripot si kuya niyo at busy.
Uwi na tayo Hosea?
Sandali na lang ito James.
Mas napadalas pa kaming magkasama nung parehas kami ng pinag-ojt-han ni James. Inaasar na nga kami sa office na may sa something sa amin. Nagpapalibre din yun sa akin.
Isang oras mahigit na kami nag-aantay. Punuan ang jeep kaya kahit sobrang sikip na pinatos na namin yun jeep makauwi lang.
Hosea, pakandong!
Hinayaan ko na lang siya. Shet.. napakabigat niya never pa akong nagkandong ng lalaki, tinignan ko ko kung may pwesto siya sa iba kaso wala. Bakit hindi na lang kami nagpalit? masikip at ayoko magpakandong kakahiya...
Nung minsan naman para siyang tanga..
Hosea! kandungin ko ba siya?
Napatitig ako sa kanila ni Kate and I was like..
Bat di mo gawin? Sige na.
Kinandong niya nga at nagpatuloy sila sa lambingan nila.
Ewan ko ba bakit kailangan niya pa ako tanungin ang dami naman namin kaibigan niya dun katabi niya yun iba, ako na nasa likod pa ang tinanong.
Gusto ko pagkinasal ako nakakwintas yun singsing ko sagot ko dun sa katabi ko.
Ako din Hosea! Gusto ko din ng ganon.
Napatitig na lang ako sa kanya. Gusto ko sanang sabihin gaya-gaya eh kaso wag na busy siya kay Kate  nun.

In denial To EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon