Kabanata 14

0 0 0
                                    

Sa dami ng pinagkwentuhan namin, pinakatumatak ito. Siguro dahil pagkatapos ng ilang buwan hindi niya pamamansin, ito ang unang kwento niya at damang-dama ko yun saya niya ..

Since bati na kami balik ulit sa dating gawi, dating pwesto. Nagkwento siya:

Alam mo ba Hosea hahaha, nagising ako ng ala-sais..

Tapos? saya mo ahh haha..

Pagkalabas ko ng kwarto, nagtaka ako nandun pa din si mama nanonood.

Diretso pa rin sa pagtimpla ng kape at sinabi kay mama, Ma! hindi mo man lang ako ginising malelate na ko, may exam pa kami hahaha.

Anong sagot ng mama mo?

Nak? 6pm pa lang at wala kang pasok bukas. Sabado HAHAHAHA.

Ano ginawa mo? hahaha.

Ininom ko yun kape hahahaha.

Nung mag-uwian na habang naglalakad nakapayong kami at ito lang ang natatandaan kong humawak ako sa braso niya.

Bibili kami ng buko juice ng bigla na lang akong..

Ang bait mo na naman Elijah, maya sabihin mo hindi na naman kita naappreciate.

Ano ka ba? kalimutan na natin yun nakaraan, magsimula na tayo ng bago.

Hindi na ako nagsalita.

Pinagmasdan ko na lang siyang umiinom gamit straw dun sa plastic ng bukong hati kami. Mamimiss ko siya, yun ang naiisip ko.

Gusto ko sanang sabihin pwede bang sumama sayo kung san ka mag-aaral o tara pasok tayo sa parehas na eskwelahan kaso nahiya ako baka makasagabal lang ako sa pag-aaral niya at sa mga pangarap niya..

like when you are holding a bird, it will be happy at first but along the way it will find an escape to spread it wings alone and fly wherever.

Hindi ko alam anong konek niyan basta ang hirap hindi ko maipaliwanag.

Gaya din ng isinulat niya sa open folder(farewell letter) ng klase namin bago gumraduate..

Hosea,

Thank you sa tawanan, harutan, iyakan. Mamimiss ko kaingayan mo. May mga bagay na hindi kayang ipaliwanag kaya hayaan na lang. Just be yourself. Sorry, Godbless and take care.

Hindi ko masyadong inintindi yun open folder ko dahil nababaduyan ako sa ganon pero mahilig ako gumawa ng letter at nafocus ako sa praktis namin sa graduation.

Habang kumakanta ng graduation song namin lahat nagiiyakan na, nagwawasakan pa nga ng bulsa, ako? wala, pinipilit kong maiyak dahil since kinder hindi ako naiyak pag graduation siguro nga tama yun mama ko napakatigas daw ng puso ko at nababaduyan.

Tapos na ang graduation ceremony pero nasa entablado kami para magpicture taking.

Gusto kong yakapin ng mahigpit si Elijah. Sa dami ng araw na magkasama kami, hindi ko siya nayakap.

Nung nagkatinginan kami akala ko ako lang ang yayakap sa kanya, naging tatlo kaming magkakayakap. Hindi ko na siya niyakap ng solo, nahiya na ako.

Nak! sino siya?

Pa? kaklase ko ho...kaibigan.

Picture kayo..

Naipakilala ko siya kay Papa kaso hindi ko nakuha yun litratong meron kami sa gilid ng stage, bandang kaliwa na sana kinuha ko.

In denial To EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon