Chapter 1

28 1 0
                                    

Masakit sa balat ang sinag ng araw habang palabas kami ng Polo field. The game is already done, my parents are both into Polo sports kaya madalas kami manood kapag may game at available sila pareho. Mom was holding my arm as we walk through the hallway with the other audiences.

"Did you enjoy?" Daddy asked beside me. Tumingala ako sa kaniya at tumango.

"Opo. Pero I don't really understand about chukkas and other stuffs. Nag-enjoy po ako sa pag-nood ng ponies" I honestly said.

Humalakhak si daddy at pinisil ang pisngi ko.

"Tatiana!" The familiar tiny voice of Jojo made me look at her.

Ngumiti siya sa akin habang palapit. Magalang siyang kumaway sa mga magulang ko bago ako hilahin papunta sa kung nasaan ang mga iba pa naming kaibigan.

"Sabi ko na dito kita makikita ulit" si Dion habang nakapamulsa, sa tabi niya ay ang girlfriend na si Hani.

"Surprise!" she said. Humalakhak ako at umiling.

"Kamusta? Excited na akong mag grade twelve!" Klio blurted beside me, nakasukbit na ang mga braso sa braso ko.

"I'm not excited, I feel like I'm getting old" I said because it's true! Habang palapit ako ng palapit sa college ay pakiramdam ko tumatanda na talaga ako.

Humalakhak ang mga kaibigan ko at tumango bilang pagsang-ayon. We were laughing while walking when mommy approached us. Mommy is beautiful, her skin is bronze while mine is pale. Itim ang buhok niya at ang akin ay hindi puro dahil kung titignan mong mabuti ay may pagka-brown ito.

"We'll wait for you, tapos ay aalis na tayo" she said while running her fingers through my hair. Ngumiti siya sa mga kaibigan kong nanonood sa amin.

"Mom can I stay with them? Promise magpapahatid po ako kay Jojo"

I smiled at her hopefully, may napag-usapan kasi kami ng mga kaibigan na mag mo-movie marathon sa bahay nina Jojo. I am confident na papayagan ako ni mommy dahil hindi naman sila mahigpit.

"Didn't I told you we're gonna visit your Tita?"

"No mom, you didn't tell me. Kayo na lang po ni daddy" sabi ko.

Even in her forties, mommy still looks so young. We both have the same nose and eyes, kamukhang-kamukha niya si Tita na sa tuwing magkatabi kaming tatlo ay para lang kaming magkakapatid.

"Sorry girls and Dion, maybe you can re-schedule your movie bonding?"

"Mommy" pagpoprotesta ko, matagal kong inantay ang araw na 'to. Last month pa namin ito pinlano pero dahil nagbakasyon kami sa mga kamag-anak ni daddy ng tatlong linggo sa ibang bansa ay hindi natuloy.

Kakabisita lang namin kay Tita last month. I don't really like going there, wala kasing anak si Tita kaya wala akong makausap. I find her life very lonely because she's alone with her big house. Kaya rin siguro madalas kami bumisita nila mommy tuwing bakasyon. Good thing there are lots of books to read, so I'm not totally procrastinating.

"It's okay Tita, next time na lang po kami tutuloy" si Klio. Bumusangot ako sa sinabi ng kaibigan, bigo na naman dahil udlot na naman ang plano.

She only arched a brow at me.

"Pwede pa naman next time Tati. Sana lang hindi kayo abutin ulit ng dalawang buwan sa Maynila" ani Jojo habang nasa malayong likod kami nila Daddy at Mommy.

Last year kasi ay dalawang buwan kami sa Maynila kaya isang buwan lang ang naging bakasyon ko na nasa probinsya.

My parents entered the restaurant nearby, sumunod kami sa kanila pero sa ibang lamesa. I saw how Daddy pointed at our table before talking to the waiter. Mabagal kong binalik sa handbag ang wallet na nilabas. My lips protruted even more as I try to smother a smile.

My Heaven On Earth (Elyu Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon