"Sige na kasi sumama ka na!" si Jojo sa mainit na hapon.
Kanina pa siya sunod nang sunod sa kung saan ako pupunta, paulit-ulit din ang pagmamaktol niya na samahan ko siya. It's Phylip's birthday today, actually kanina pa nag-start, invited si Jojo at invited din naman ako at mga kaibigan namin maybe because Jojo told him. But Klio is out of the country, sina Hani at Dion naman ay parehong busy sa hindi ko malaman na dahilan kaya ako ang pinupuntirya ni Jojo sa ngayon.
Wala namang kaso kung pupunta ako, but I realized the venue will be packed with people who are probably college students. Tinamaan ako ng hiya bigla.
"You should go, Jojo. Anong oras na"
Hinablot niya sa akin ang cellphone na kanina ko pa kinakalikot. Umirap siya at pumasok ng walk-in closet ko. Pinapanood ko lang siya mula sa kama ko dahil iniwan niyang bukas ang pintuan nito. I saw how she went back and forth, and then finally came up with a denim skirt, a black belt, a coffee strappy flat sandals and a croptop fitted polo shirt in white.
Bumuntong hininga ako at pagod na binagsak ang katawan sa kama. Nahihiya akong dumalo sa birthday ni Phylip, I know he only invited me because of Jojo but then I don't want to come empty-handed. Hindi ako bumili ng regalo dahil una pa lang alam ko ng hindi ako sasama.
"Please Tati, just this once, hmm?" pagpupumilit niya pa habang pilit akong tinatayo. I lazily looked at her.
"Ikaw na lang,"
"Kasi naman eh! Sige na, andon si Marco panigurado!"
I only made face. Hinahangaan ko si Marco, but that doesn't mean I'll go wherever he is. I liked him because he is moreno, lean and tall, he seems kind too and he's obviously good in swimming. Ganito naman diba? Hinahangaan natin ang tao dahil sa kakayahan nila.
"Ikaw na lang Jojo,"
"Sige ka! Kapag hindi ka sumama magtatampo ako!" this is her weapon to make me say yes. Alam niya na ang pinakaayaw ko sa lahat ay iyong may kaalitan, iyong may katampuhan. I find it so awkward that's why I try to fix everything para hindi umabot sa ganoon ang maliit na problema.
Bumuntong hininga ako at tumango bago tumayo mula sa kama at pumasok ng banyo. I wore the clothes she got for me.
Jojo is beautiful, lalo na ngayon na halatang nag-effort para sa birthday ng ka-fling niya. Her hair was in a bun, she's wearing a denim highwaisted shorts, a white bandeau top, a black valentino and a crop-top denim jacket.
"Hindi ka naman naghanda 'no?" sarkastiko kong sabi pagkapasok namin ng sasakyan nila. I greeted her driver, Manong smiled.
"Hindi naman talaga 'no. This is what I usually wear," ngumisi ako at umiling.
The venue is in a five-star hotel, casino and resorts. The hotel looked like we're in Santorini. White and blue ang motif ng Thunder Bird. The birthday isn't formal, pool party ito at nagkalat ang mga tables sa paligid ng pool.
Tama nga ang hinala ko dahil halos mga college students ang imbitado, mukhang kami lang dalawa ni Jojo ang SHS dito. Jojo greeted all the people she knew, minsan ngumingiti ako sa mga bumabati pero madalas ay nasa likod lamang ako ng kaibigan tahimik na nagmamasid.
Nang makaupo kami sa wakas ay guminhawa ang pakiramdam ko. Flat lang naman ang sandals na suot ko pero sumakit ang sakong ko ng dahil sa matagal na paglakad at pagtayo. While Jojo here is now busy with Phylip, I gave him a whisky as a gift, I got it from daddy's collection, iyon lang kasi ang naisip kong ibigay dahil hindi naman ako prepared.
"Nasan ang ibang kaibigan niyo?" tanong ni Phylip sa tabi ni Jojo.
Jojo and I are both eighteen but I don't drink alcohol habang si Jojo ay champagne lang ang iniinom.
BINABASA MO ANG
My Heaven On Earth (Elyu Series #1)
Genç KurguTatiana Amore, the soft-hearted girl of Elyu. She has everything: wealth, a happy family and a great circle of friends. But what if the things she believed aren't true? That behind every smile are the lies that were unsaid. Would she be able to hand...