The familiar castle like entrance of the University welcomed me as soon as I walked towards it. Magalang akong ngumiti sa dalawang guwardiya na nakabantay doon.
"Hija anong sadya? Tapos na ang enrollment ah,"
"Kuya sa pool po. Maghahatid ng pagkain,"
Manong guard let me enter after that. Sa hallway pagkapasok sa kaliwang bahagi ay ang main court kung saan nagaganap ang mga programs for the whole university. Sa kanan naman ay ang Law Building at Information Technology Building. Sa gilid ng malaking main court ay may mga spaces for stores intended for mini milktea shop, school supplies shop at iyong pag-printan at photocopy. Sa harap naman nito ay ang mga gusali ng COT department at sa tabi nito ay ang registrar's office kasama na din ang cashier.
The univeristy is quite big, hindi man kasing laki ng mga nasa Maynila ay malaki pa rin ito kung tutuusin.
Naglakad pa ako papasok kung saan nadaraanan ko ang iba't ibang building departments at basketball courts din ng bawat department. I hate walking under the sun with no umbrella or something to shield myself from the painful sunrays, pero dahil hindi pwedeng magpasok ng sasakyan sa university kapag walang pasok lalo na at estudyante lang naman ay nagtiis ako sa minsang pagsilong.
If it's not for Jojo, I won't do this. Ang sabi niya kasi sa akin ay ako ang magdadala ng lunch ng mga ka-team mates ni Phylip ngayon dahil luluwas siya ng Maynila para sa kasal ng malapit na kamag-anak. At dahil ako ay mabuting kaibigan, hindi ako maka-hindi kay Jojo dahil wala naman akong balak na gawin ngayong araw.
Bitbit ang isang bag na puno ng pagkain ay halos hingalin ako dahil nasa halos dulong bahagi ang swimming pool area.
Pawis na pawis ako pagkadating na pagkadating ko. Pinaypayan ko ang sarili at pinunasan ang noo dahil tagaktak ang pawis ko. It's almost twelve in noon at naglakad lang naman ako sa gitna ng university, mag-isa at walang payong sa ilalim ng sinag ng araw!
"Uy Tati!" nilingon ko si Phylip ng salubungin niya ako sa entrnace ng glass door ng swimming pool.
I heard the crashing of waters and some laughters from women's voices.
"Akala ko ba mga lalaki lang ang may training ngayon?" tanong ko dahil hindi naman pinagsasabay ang training ng mga lalaking swimmers sa babaeng swimmers.
"Ah. Kaibigan ni Marco iyong nasa loob, pasok ka"
The gazes from the people inside the covered swimming pool went to me as soon as I entered. Unang nahagip ng mga mata ko ay si Marco basang-basa nakatayo sa bleachers maya katapat na dalawang babae bago dumako ang tingin ko sa seryosong mukha ni Airon.
"Sorry if you have to do this Tati, sinabi ko naman may Jojo na kahit huwag na at pwede naman akong bumili sa labas" sabi ni Phylip habang naglalakad kami sa kaliwang bahagi ng bleachers kung nasaan siguro ang gamit niya.
I saw from my peripheral vision when Airon lift his body to get out of the water. Pinasadahan niya ng daliri ang basang buhok bago dumiretso sa malapit na bleachers kung nasaan ang gamit niya.
I chewed on my lips when he saw me looking at him. Mabilis kong iniwas ang tingin at mas inabala na lamang ang sarili sa pakikinig sa mga pasasalamat ni Phylip.
"You should join us"
"I already ate. Magagalit sa akin si Jojo kung aagawan ko pa kayo ng pagkain" pabiro kong sabi at inilahad ang bag na may mga pagkain.
Mabilis niyang tinawag ang ilang athletes na kakalabas lang ng shower. My gaze went to Airon again dahil siya na lang iyong hindi pa lumalapit. I then recognized he haven't gone to the shower yet. Naglakad ako patungo sa kung nasaan siya at marahang kinuldit ang likod niya.

BINABASA MO ANG
My Heaven On Earth (Elyu Series #1)
Novela JuvenilTatiana Amore, the soft-hearted girl of Elyu. She has everything: wealth, a happy family and a great circle of friends. But what if the things she believed aren't true? That behind every smile are the lies that were unsaid. Would she be able to hand...