Part 6: Paalam

6 1 0
                                        

Paano ko nga ba sasambitin ang paalam, sa huling mga hiningang akin nang bibitiwan
Nalalason na nga talaga ng kahibangan,
marahil matagal na ngunit hindi mo lang nalalaman.

Simple, Oo, simple lang naman
tanging hangad ko lang ay kaligayahan, mga oras na nariyan ka sa tuwing ikaw ay kailangan.

Sariling puso ay nais nang bitiwan, ang mga salitang "Paalam aking kasintahan."
Ngunit heto pa rin at naghihintay ng kasagutan,
sa mga tanong na tila ba hindi na maiiwasan
Hangga't maubos na ang luha sa tuloy tuloy na pagpatak, hanggang sa tumila na ang ulan sa malakas nitong pagbuhos,
Hanggang sa maubos na ang damdamin na dati'y kapwa natin ayaw lisanin.

Namaalam na nga ang karupokan at itong nararamdaman ay kailangan nang bitiwan,
Sa pagkakatong nais ko nang mamaalam at sabihing,
"Ikaw ay tangi kong naging kasintahan, na minsan ay hindi naisip na malilimutan hangga't sa pagpanaw at muling paalam."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 11, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Untold wordsWhere stories live. Discover now