Kabanata 34
Impyerno
Pagulong gulong lang ako dito sa kama, sabado na. Less hassle, duh. Hindi pa din ako maka get over doon sa mga pangyayari, hays. Wala na akong sticky notes na natanggap this fast few days simula nung makausap ko si Damon.
Malapit na kaming mag exam, jusko. Ang bilis ng oras! Puro review na kami pero dahil sabado ngayon pahinga na lang muna ako. Seven o'clock na pero mamaya na ako bababa.
Umupo ako sa kama at kinuha yung sticky note na nasa study table ko. Umaasa pa din akong sa kaniya galing iyon
Hey Chelsea
Hey din kung sino ka man. Siraulo na yata ako dahil kinakausap ko na ang sticky note na ito, hays. Nakakabaliw pala, nung nakausap ko kase si Damon naging iwas ako. I feel danger kasi eh, charot I feel hell pala.
Hell boy, chos!
Idinikit ko na uli yung dalawang sticky note sa study table ko at tumaya. Humarap ako sa standing mirror ko, matagal ko nang nalaman na maganda ako. Charot, ibabash niyo pa ako
Insert roll eyes readers, joke!
Napahalakhak na lang ako habang hinahawakan ang napaka haba kong buhok na malapit na sa bewang. Namiss ko na tuloy sina Leira! Walang maingay dito, napakadaldal noon hindi mauubusan ng topic.
Nagbabad muna ako sa tub at nag suot ng high waist short saka isang black na blouse. Magluluksa lang ako, charot.
Bago pa ako makababa may mga nag iingay pa doon.
"Dad, may bisita ba kayo!?" Sigaw ko habang bumababa ng hagdan, nawala ang ingay
Nakabusangot akong bumaba at hinanap sila. Pagkapasok ko ng kusina ay natahimik lahat, laglag panga akong nakatingin sa lamesa. Kumpleto ang mga abnormal!
"Bakit nandito yang mga yan?" Tanong ko agad
"Ganiyan mo ba tratuhin bisita mo, nak?"
"May bisita ba ako?" Halos umusok na ang ilong ko ng magtawanan sila
"Anong tawag mo sa amin?" Tanong ni Lance na kasusubo lang ng ham
"Abnormal" yan ang sinabi ko bago ako maupo sa tabi ni Kuya
Bigla silang naubo kaya naman napatingin ako, "Ano na naman?"
"Wala!"
Nagtawanan uli sila kasama nila daddy. Okay? Ako siguro yung bisita kaya nakitawa din ako kahit hindi ko alam yung pinagtatawanan nila. Kailangan ko makasama, hehe.
Natahimik din ako ng tumigil sila, tumingin pa sila sa akin pero ngumiti lang ako
"May nanliligaw ba kay Chelsea?"
Bigla akong nasamid kaya agad akong uminom ng tubig. Kumuha ako ng tissue at ipinayod iyon sa labi ko.
"Mom!" Suway ko sa kaniya
Kakahiya talaga si mommy, naman oh.
"Meron po" abot hanggang tenga ang ngiti ni Leira
"Ha? Anong meron? Wala naman eh" tinignan ko sila na nagtataka pero may inilapag si Mommy na chocolate at mga bulaklak. Agad kong kinuha iyon dahil may sticky notes, hindi ko pa tinitignan si damon. Maybe later
Chelsea,
Can I kiss you right now?"Manyakis naman yan! Baka naman nagkamali lang yan!" Pagtataboy ko doon sa sticky note
Anong kiss? Akala ko ba manliligaw!? Kadiri.
"Pangalan mo nakalagay nak" inirapan ko na lang si Daddy at ipinamigay iyon sa mga kaibigan ko. Pwede na ako tumakbo nilang mayor
![](https://img.wattpad.com/cover/224604590-288-k519528.jpg)
BINABASA MO ANG
Stay still, My love. (chasing series #1) ✅
Teen FictionCHASING SERIES #1 Status: Completed. Date: April 16 - May 11 2020. (August 16, 2020.) Chelsea Silvestre. Chelsea's known as the maldita and pala away girl of the entire school. She believes that no man can make her chase because she's born to be the...