Kabanata 33
Maaaring siya nga iyon
Inilabas ko yung sticky notes na natanggap ko ngayong araw.
Are you mad at me?
Biglang kumabog ang dibdib ko nung pinag dugtong dugtong ko ang nakasulat sa sticky note. Ayokong umasa na sa kaniya galing iyon pero alam kong may posibilidad na galing sa kaniya iyon. Aish! Ewan ko ba, kung kanino man ito galing. Hindi ko alam ang isasagot ko.
Ang weird, pwede naman niyang sabihin sa persolan. Gusto niya bang mag ka diabetics ako sa dami ng chocolate na ipinalagay niya sa bag ko? Gusto niya bang masaktan ako kaya pinatisod niya ako!? At isa pa, Si Marize inutusan niya din ba para batukan ako!?
Pwes, galit ako sayo!
Nakabusangot akong pumunta sa garden. Nagtatawanan sila at hindi ko maintindihan dahil nakakunot pa din ang noo niya. Napakasungit talaga. Hmp!
Sana sa kaniya na lang mang galing. Hindi kaya galit siya dahil sinampal ko siya? Thank you lang yon!
"Chels, dito ka!" Pumunta naman ako doon, uupo na sana ako sa tabi ni Leira ng bigla akong hilahin ni Lance at pinaupo sa tabi ng demonyo na 'to!
"What the hell?"
Bigla akong napapikit nung may mag flash sa harapan namin. Kingina naman oh, epic!
Nakakunot ang noo ng demonyong ito habang ako ay nakapikit.
"Wag mo naman ipahalata" sabi ko kay Grace, umirap na lang ako ng magtawanan sila
Aba't himala? Nakikitawa din ang demonyo.
Binuksan niya ang phone niya at halos maiyak ako ng makita ko ang wallpaper niya. Nung bata siya, shit pinigilan kong hindi matawa dahil nakakunot ang noo niya.
Nakalobo na ang pisngi ko para hindi matawa. Kaso inagaw ni Lance ang phone niya at pinakita sa amin. Hindi ko na napigilang hindi tumawa dahil agad hinablot ni Damon ang cellphone niya kay Lance
Napatigil naman ako sa pagtawa, "What?" Inosente kong tanong. Nakatingin kase sila lahat sa akin ng seryoso
"Wala namang nakakatawa doon" naiiling na sabi ni Lance
"Meron kaya! Ang cute n-- oo, wala nga"
"Cute ka daw!" Pinaghahampas nila si Damon
Hindi ko alam kung matatawa ba ako dahil umiiwas lang si Damon sa mga mga hampas hanggang sa mahulog siya
"What the!?"
Umalalay agad ako doon at nabitawan ko agad siya. Para akong napaso kaya napalayo ako. Itinuro ko si Damon, "alalayan niyo nga" sabi ko habang umiirap
Nilalagnat ba 'to at napapaso ako? Insert pabebe wave. Chos!
"Sus, nahiya ka pa eh!" Sabi ni Leira sa akin
Tinignan ko naman si Damon na magkasalubong na ang kilay na nakatayo sa likod ko. What the hell?
"AHHHHHHHHHJ!" tili ko ng malaglag ako
Letche!
"Bakit naman hinulog niyo ako!?" Inis na sabi ko ng makatayo ako, wala na din si Damon sa likod ko. Nagtatawanan lang sila kaya nag pamewang ako sa harapan nila. "Una, natisod ako. Pangalawa, binatukan ako. Pangatlo, ihuhulog niyo ako?" Galit kong asal sa kanila
"Hindi naman kami yung naghulog eh" nakangusong sabi ni Leira
"Aba'y alangan namang ihulog ko ang sarili ko?"
"Pwede din hehe" sagot naman ni Grace
"Mga abnormal!" Sambit ko saka umalis doon.
Naglalakad lang ako sa corridor ng may humarang sa aking babae. Mas matangkad ako eh, duh?
"May nagpapabigay" hindi pa man ako nakakapagsalita ay kinuha niya na ang kamay ko at inabot iyon sa akin.
Isang sticky note.
I
What's with sticky note today!? Hmp.
"Wait, sino?" Hinawakan ko ang braso nung babaeng nag bigay sa akin
"E-ewan!" Bigla na lang siyang kumaripas ng takbo kaya napasapo na lang ako sa noo ko
Napapalibutan talaga ako ng mga abnormal. Dumiretso na ako sa room at sinamaan ng tingin si Marize, babatukan ko 'to mamaya. Akala niya papalampasin ko iyon? Hindi noh!
Stop chasing Damon, Chelsea. Ikaw ang magpahabol! Haba ng hair ko
"Nyare sayo?" Tanong sakin ni Grace
"Naapakan yung buhok ko, ang haba kasi e!" Hinawakan ko ang buhok ko
Tinawanan lang nila ako parehas kaya umirap na ako. Hawak hawak ko pa din yung sticky note na hindi ko alam kung sino ang nag bigay at kung kanino galing.
Biglang nagkagulo sa harapan namin pero dahil stismosa ako pinagtutulak ko sila
"Excuse me!" Angal ko dahil ang dami nila doon
Si Raphael, andaming sticky note!
"Chelsea!"
Dahan dahan siyang lumapit sa akin at may ibinigay na sticky note.
I miss you so much.
Holy cow, dont tell me siya 'yon!? Bigla akong nanlumo ng ngumiti ito sa akin. Agad akong tumalikod at lumayo doon. Akala ko kase sa kaniya galing yon, talaga bang nagalit siya sa akin? Umupo ako sa may bench at yumuko, ang init eh!
Wala man lang bang kaunting pag kagusto? Kahit 100% lang. Hehe. Chos!
"Chelsea."
Napatunghay na lang ako ng may tumawag sa akin, kilala ko ang boses niya. Nakakunot na naman ang noo niya
"Oh?" Kalma.
"Bakit umalis ka?"
Kailangan ba nandoon ako? Bakit siya nandito?
"Ano naman sayo?" Umirap ako
"Hm." Humawak pa ito sa baba na parang may iniisip, he lowered down his face to mine. "Did you miss me?"
Bigla akong napatigil, hindi ako nakakurap. Bakit ganito siya!? Nilalandi niya na naman ba ako!?
"N-no! At bakit naman!?" Sagot ko dito saka umusog ng kaunti
"Okay" nag kibit balikat lang ito saka nakapamulsang umalis doon
Naiwan akong nakatunganga doon.
"Damon!" Sigaw ko
Tumigil siya at humarap, kahit malayo ay nakakunot ang noo niya.
"Namiss mo ba ako!?" Sigaw ko pa din
Eskandalosa talaga ako, amp. Ngumisi naman ito sa akin at lumapit muli. Bigla siyang lumapit sa akin at halos kapusin ako ng hininga sa sobrang lapit niya sa akin. Bigla niyang hinaplos ang leeg ko, nakikiliti ako!
"Ito namiss ko." Uminit ang ulo ko sa sinabi niya, leeg ko lang!?
Bigla siyang may kinapit sa noo ko saka siya tuluyang nawala sa paningin ko. Bigla kong hinablot ang sticky note na nilagay niya sa noo ko
Why not?
Yan ba ang sagot niya? Teka nga! Sa kaniya galing 'yon!? Omg.
Napasapo na lang ako sa bibig ko na maaring siya nga 'yon.
![](https://img.wattpad.com/cover/224604590-288-k519528.jpg)
BINABASA MO ANG
Stay still, My love. (chasing series #1) ✅
Teen FictionCHASING SERIES #1 Status: Completed. Date: April 16 - May 11 2020. (August 16, 2020.) Chelsea Silvestre. Chelsea's known as the maldita and pala away girl of the entire school. She believes that no man can make her chase because she's born to be the...