Playboy Series #1: Basketball Player
All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the publisher, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law.
Copyright © 2010 by Bill Shakespeare
(Not edited)
Prologue
Kanina pa ako nagmamadali pumasok pero dahil ang daming maarteng estudyante na nakaharang sa harapan ko, nahirapan tuloy ako makapasok kaagad sa building kung saan kami magkakaroon ng meeting sa organization namin.
"Excuse me nga," inis ko'ng sabi sa mga freshmen na nakaharang sa daan ko.
Hindi nila ako pinansin at mas itinulak pa ako papunta sa likuran kaya hindi na ako nakapag pigil.
"Umalis kayo sa daan ko!" malakas ko'ng sigaw na umagaw ng atensyon ng lahat.
"What an attention seeker," tumingin ako sa katabi ko'ng babae na mukhang plastik na barbie.
"May sinasabi ka?" mataray ko'ng tanong pero agad naman siyang umiling.
Hindi naman pala uubra. Umusog ang mga estudyante na nasa harapan ko para siguro ay makadaan ako. Mabuti naman at baka tumalak na lang ako bigla dito kapag sinagad nila ang pasensya ko.
Tumakbo ako papunta sa sa second floor para hanapin ang room 105. Nandoon na raw lahat ng mga estudyante na kasali sa org namin. Dapat nga ay hindi na ako pupunta kasi ako naman gumawa ng presentation pero dahil puro walang alam ang mga kasama ko, kailangan ko'ng pumunta.
"Nag aral pa kung wala naman laman utak," inis ko'ng bulong sa sarili habang patuloy pa rin hinahanap ang room na papasukan ko.
I checked my phone and tried calling my co-org, baka maligaw pa ako sa building na 'to. Never pa naman ako nakapunta dito. Bakit ba kasi dito pa? Pwede naman sa dating classroom mag meeting, ang daming alam pero kapag sa klase, boplaks na.
"Excuse me!" inangat ko ang aking tingin ng biglang may bumangga sa akin hudyat para mapahiga ako sa sahig.
"Tangina," nakapikit ko'ng sabi bago mabilis na tumayo para harapin ang taong bumangga sa akin.
"I'll buy you a lunch, honey!" namula ang buong mukha ko sa galit ng mapagtanto na si Jones, isa sa magagaling daw na basketball player, ang nakabangga sa akin.
"Tangina mo!" malakas ko'ng mura dahil sa inis na nararamdaman ko ngayon. "Madulas ka sana sa kakatakbo!"
Napahawak ako sa aking noo bago muli naglakad para hanapin ang letseng room na kanina ko pa hinahanap. Kapag ako nainis, hindi na ako pupunta at hahayaan na lang sila magmukhang tanga sa meeting mamaya, mga buwisit!