Masaya kaming naglunch.
Ganoon parin ang ganap, bida si Nix sa chikahan at puro tawa naman kami sakanya."Hay, I'm so excited!"
Si Nix."Wag ka munang ma excite ng todo, Nix! Baka ma usog ang lakad natin."
Natatawang wika ni Aira."Psh, ang nega mo talaga."
Inis na singhal ni Nix sakanya."Stop it guyz, bilisan niyo na, at malapit ng matapos ang lunch break."
Saway sakanila ni Maggie.Inubos kuna ang juice ko at nakapangalumbabang sinuyod ang buong cafeteria.
Nahagip ng paningin ko sina Clea sa kabilang table.
Malungkot siyang nakikipag usap kina Jena.Himala di niya kasama si Cielo!
But speaking of him, di ko siya nakita dito sa cafeteria, yung mga friends niya lang nakita ko kanina.Nasan kaya yon?
Tsk!
Tiningnan ko nalang ang mga kaibigan ko na abala sa paguusap.
"Guyzz, let's go."
Sabi ko.Agad naman silang tumayo at kinuha na ang mga bag nila. Dumiretso na kami sa room at meron pa namang 10 mins bago mag start ang next period kaya nagplano muna kami para sa celebration 'kuno' ni Nix.
"So, sabay kaming pupunta ni Maggie sa bahay niyo Bril, mamaya! Si Aira na ang bahala sakanya total ay malapit lang naman ang bahay niyo kina Bril."
Malaki ang ngisi ni Nix."Okay"
Ngumisi din ako sakanya.Sa bahay sila palagi nakikisleep over kasi nga madaming kwarto sa bahay. At isa pa, gusto lang ng baklang Nix na makita mga pinsan ko, tsk!
"Excited na ko makasama si Angelo sa iisang kwarto!"
Tumili pa siya!"Gaga, baka may bahay din sila."
Inis na sabi ni Aira."Tanga, eh diba palagi yang nakikitulog kina Bril!"
Bawi ni Nix."Don't know Lang, si Kuya Gian lang kasi ang nandoon sa bahay."
"My gosh, Si Gian pa pala."
Niyakap pa ko ni Nix.Tumawa lang ako sakanya.
Ilang saglit pa ay natuon ang paningin nila sa likuran ko.
Narinig ko naman ang tilian ng mga kaklase ko.Agad naman akong lumingon upang tingnan ang pinagkakaguluhan ng mga mahaharot!
Napaawang pa ang labi ko ng sabay na pumasok si Radson at Cielo!
"Omygosh, two hot papas."
Rinig kong bulong ni Nix.Tiningnan ko naman ang kabuuan nilang dalawa.
Mas matangkad ng kaunti si Cielo sa kay Radson.
Magkasing puti sila, at pareho silang gwapo!Pero, hindi ko talaga maalis ang paningin ko kay Cielo! Hindi ko maitatanggi na
there's something about his awra that makes a girl drool over him.Oo, gwapo si Radson! Puro mas may dating si Cielo!
Bwisittt!
Nakakainis, pinupuri ko pa talaga siya!Inis kong inalis ang titig ko sa kanya at binaling kay Radson.
Nakita naman agad ako ni Radson, tinapik niya ang balikat ni Cielo at may sinabi pa bago pumunta sa gawi namin.
"Hi"
Bati niya."Hi, Raaaaad!"
Malakas na bati sakanya ni Nix kaya natawa kami.Nginitian ko lang siya.
"Mamayang 4pm pala ha!"
Nakangiting sabi niya.