KABANATA 1- Isla Siargao

137 9 4
                                    

"Good Morning! Ladies and Gentlemen.Welcome onboard this flight to Siargao.My name is Jane Formilles and I'm your In-flight Service Director. Your cabin crew are here to ensure you have an enjoyable flight to Siargao this morning..."

Napabuntong hininga ako habang nakatanaw sa bintana ng eroplano. I hate it.

"Ladies and gentlemen, all cellular telephones and other portable electronic devices, such as CD players and laptop computers, must be turned off and stowed for departure. Thank-you."

Plane is ready to take off, it's time for me to say good bye to my city life.

I can't believe that my mom with do this to me. She took all of gadgets away. I literally wasn't expecting this kind of punishment. I've never experienced living in island. Yeah, in ISLAND!

I begged for me to stay yet it's not effective anymore. Wala rin namang magawa si Dad dahil sa bahay namin, si mom 'yong batas.

"We're doing this for good, Son. Magpakabait ka na roon para kuhanin ka kaagad ng mommy mo. We will miss you."

'Yon lang ang tanging sinabi ni dad nang ihatid niya ako sa airport. I can't imagine that they would let their 17-year old son travel alone away from them.

Halos dalawang oras 'yong byahe ko at nakatulog nalang ako sa sobrang inis.

"Ladies and gentlemen, Cebu Pacific, welcomes you to Siargao. The local time is 12:51. For your safety and the safety of those around you, please remain seated with your seat belt fastened and keep the aisles clear until we are parked at the gate. The Captain will then turn off the "Fasten Seat Belt" sign, indicating it is safe to stand. Please use caution when opening the overhead compartments and removing items, since articles may have shifted during flight..."


I just arrived. Pagkalabas ko ay hindi naman ako nahirapang hanapin 'yong susundo sa akin. In fact, sila ang unang nakakita sa akin at hindi naman kasing lawak ng NAIA 'yong airport dito.

"Apoooo! Binata na 'yong apo ko."

Napuno ako ng yakap at halik ni lola. Ramdam ako ang pananabik niya sa akin

Kasama niya si tito Bryle, kapatid siya ni mom at siyang kasama ni lola dito sa probinsya. Dalawa lang kasi silang magkapatid.

Hindi naman ito ang unang beses ng pagpunta ko. Nagbakasyon na ako rito dati kasama sina mom and dad. That was three years ago, but now is totally different because I will have to spend a year of my life on this island.

Sumakay na kami sa puting van na pagmamay-ari ni tito.

Maganda naman talaga ang mga tanawin dito sa isla ngunit kahit kailan ay hindi ko naisipan na tumira rito. Lumaki ako sa siyudad at nandoon na ang buhay ko.

Makalipas ang halos sampung minuto mula sa airport ay nakarating na rin kami.

Buti nalang pinaayos na ng mga magulang ko 'yong bahay ni lola. 'Yong dating kahoy na dingding ay naging semento na. Malawak at may air-con na rin. Matagal nang namayapa si lolo kaya mag-isa na lang si lola rito.

Dalawa lang silang magkapatid ni mom at nagkataon na sa Maynila pa siya nag-asawa. Dati na rin daw nagtungo sa Maynila si tito Bryle ngunit umuwi rin siya at mas gusto niya ang buhay dito sa isla.

Magkapitbahay lang naman sila ni lola at kasalukuyang nagta-trabaho si tito bilang isang guro. Ang pagkakaalam ko ay si mom rin 'yong tumulong upang makapagtapos ng pag-aaral si tito.

"Dito 'yong kwarto mo, apo. Naku, hinanda ko talaga 'yan para sa'yo."

"Salamat po." tugon ko.

Nilibot ko ng tingin ang kabuuan ng kwarto. Sobrang linis at halatang pinaghandaan ni lola ang pagdating ko. Kahit papaano ay panatag naman pala akong matutulog sa malamig kong kwarto na may malambot na kama. Wala nga lang itong sariling banyo ngunit hindi na ito masama kahit nasa isla ako.

"Magpalit ka na muna ng damit at nang makakain ka. Nasa labas na rin mga 'yong mga pinsan mo at gusto kang makita."

"Opo." tango ko.

Nasa loob na ng kwarto ang mga bagahe ko. Nagpalit lang ako ng plain T-shirt at naghubad ng sapatos. Ngayon ko lang napagtanto na wala akong dala na tsinelas.
Lumabas na lang ako ng kwarto nang nakapaa.

"Oh ba't nakapaa ka?" nagtatakang tanong ni lola.

"Wala po akong dalang tsinelas." tugon ko.

"Ibibili nalang kita mamaya."

Napangiti naman ako sa sinabi ni lola.

"Yow! Matt!" bati sa akin ng dalawa kong pinsan na sina Brix at Brent.

Kasing edad ko si Brent at mas bata naman ng dalawang taon si Brix.

"Long time no see!" giit ko.

"Ang balita ko ay dito ka na mag-aaral ah." ani Brent.

"Oo eh." tango ko.

"Tamang-tama 'yong dating mo at enrollment na bukas." saad naman ni Brix.

"Enrollment? Kailan ba umpisa ng klase niyo?" nagtataka kong tanong at matagal nang nag-umpisa 'yong klase sa dati kong school. Sinusunod kasi roon ng Senior High 'yong sistema ng kolehiyo. "Hindi ba per semester dito?" pahabol kong tanong.

"Per sem din pero parang katulad lang din ng Junior High. Araw-araw pa rin 'yong pasok." paliwanag ni Brent at napatango naman ako.

Araw-araw? Oh no~ paniguradong sa public sa school ako ipapasok ni mom. Malayong-malayo sa dati kong school. Mukhang napagod na nga yata siya sa akin.

"Kumain na kayo rito mga apo." tawag sa amin ni lola.

So this is my first day in isla. Matapos naming kumain ay kasama kong nag-ikot sina Brix at Brent suot ang sapatos kong bigay pa ni mom.

Walang bus, walang taxi, walang building... maraming wala ngunit hindi siya gano'n kalayo sa siyudad at mayroon pa rin naman cell phone, tv, signal, computer shop, and other technologies that the city have.

Sadyang ako lang 'yong kawawa at wala akong kahit anong gadgets. I miss parents, I wanna go home.

"Dito tayo mag-eenroll bukas." Brent says with an open arms.

"Siargao National High School?" napakunot noo ako.

"Yeah!" ngisi ni Brix.

Ito ang unang pagkakataon na mararanasan kong pumasok sa isang public school.

Hindi dapat ganito 'yong nangyayari sa buhay ko. Dapat hanggang ngayon ay kasama ko pa rin sina Cib, Jack, at Laures. Hindi kami 'yong nag-uumpisa ng gulo ngunit kami 'yong napatalsik sa Royal Academy. Damn! I need chocolates.

To be Continued...

Loving The Spoiled Brat CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon