Kabanata 2 - Brigada Eskwela

96 7 5
                                    

Enrollment Day

"Magsasapatos ka pa?" nagtatakang tanong ni Brent at pansin ko ngang tsinelas lamang ang suot nila.

"Bakit? Pupunta tayo sa school 'di ba?" tanong ko rin.

"Madudumihan ka lang. Mas mabuting magtsinelas ka nalang."

Napatingin ako sa tsinelas na binili sa akin ni lola. I don't even know what brand it is. Hayaan ko nga, galing naman 'to kay lola.

Kasama ko sina Brent at Brix sa pag-enroll.
Maraming estudyante at ang haba ng pila ngunit mabilis naman 'yong proseso kumpara sa inaasahan ko.

"Transferee?" tanong sa akin ng isang staff no'ng ipapasa ko na sana 'yong enrollment form mo.

"Opo." tango ko.

"Tapos ka na ba sa Brigada Eskwela? Required 'yon Hijo. Ayan, wala pang pirma."

Binalik niya sa akin 'yong enrollment form ng may bilog ng pulang tinta sa ibabang bahagi.

"Brigada Eskwela?" napakunot noo ako at hindi ko alam 'yong sinasabi niya.

"Yes, Hijo. Nannette! Isama mo nga 'to sa mga hindi pa nakapagbrigada." tawag nito sa isa pang staff.

Napalingon ako sa gawi ni Brent at Brix ngunit naglaho na sila sa kanilang pwesto. Saan kaya 'yong mga 'yon?

"Sa mga hindi nakapagbrigada, sumunod kayo sa akin."

Mga lima kaming nasa pila ang parehong may kulang sa enrollment form. 'Yon ay ang pirma para sa brigada. Ano kaya 'yon? Exam? Hindi nga pala ako dumaan sa entrance exam, baka ito na nga 'yon.

"Bago ka ba rito?" tanong sa akin ng isang nakasalamin na babae. Hanggang baywang ang haba ng itim at kulot nitong buhok. May kaputian din ang kulay ng balat nito.

"Oo. Ano ba 'yong brigada eskwela?" tanong ko na rin.

"Seryoso ka sa tanong mo?" aniya at mukhang nagulat sa tanong ko.

"Oh dito. Kailangan pagbalik ko rito, wala na 'yong mga damo d'yan."

Napakunot ang noo ko lalo sa sinabi ng staff.

"A-ano raw?" tanong ko ulit sa babaeng kulot.

Bahagya siyang natawa. "Anak mayaman ka ba? Saang planeta ka ba galing at hindi mo alam 'yong brigada eskwela? Maglilinis tayo! Aalisin natin 'yang mga damo na 'yan upang makompleto na 'yong pirma natin sa enrollment form."

Napanganga ako sa sinabi nito. Magbubunot ako ng damo para makapasok sa paaralang ito? Seriously? Ano ba itong papasukan ko?

Marahil ito nga 'yong dahilan kung bakit pinagsuot ako ng tsinelas nina Brent at Brix.

"Uy bilisan natin." aniya at nagsimula na siyang magbunot ng mga damo.

Napatingin ako sa malinis kong mga kamay. I wanna go home in Manila!

"Madali lang 'to. Maghuhugas ka lang naman ng kamay pagkatapos eh!" giit niya kaya napaupo na rin ako at handa na akong kumausap ng mga ligaw na damo.

"Ikaw na gumawa para sa akin. Ayokong madumihan ang mga kamay ko. Like ew~"

Napatingala ako sa bagong dating na mas nag-inarte pa sa akin.

A beautiful lady with a blonde messy hair bun who's wearing a blue dress and a silver high heels shoes. Kumikinang ang morena nitong balat sa tuwing natatamaan siya ng sinag ng araw.

Loving The Spoiled Brat CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon