Kabanata 3- Tsokolate

639 24 5
                                    

A/N: Dating education system po ang ginamit ko dahil hindi na ako naabutan ng K-12. Okay, I feel so old. Lols.

***

Unang araw ng pasukan. Inaamin kong may katigasan ang ulo ko kaya hindi agad ako nagsusuot ng school uniform. Transferee naman ako kaya hindi ako magkakaroon ng violation.

Pagpasok ko ng gate ay ramdam ko kaagad ang mga matang nakatitig sa akin. Lalo na ang mga kalalakihan. Well, sorry because I don't like boys.

At syempre hindi rin mawawala ang mga babaeng naiingit sa kagandahang taglay ko. Malamang ay magiging laman na naman ako ng usap-usapan sa buong campus.

Ella Ferrer, the prettiest among the rest.

"Magandang araw sa'yo Ella." napahinto ako at muli ko na namang nakasalubong 'yong grupo ng mga kalalakihan at mukhang pumuporma nga sa akin ang leader nila na siyang nagbigay sa akin ng bulaklak noong enrollment.

"Chocolates for you."

Isang bouquet ng chocolate naman ngayon ang inalay niya sa akin. Dahil ba hindi umubra sa akin 'yong pabulaklak niya?

"Thank you." tanggap ko sa regalo niya at abot tenga naman ang ngiti niya.

"But I don't eat chocolates. Hindi ako mahilig sa matamis." bitaw ko sa bouquet ng chocolate na saktong sinalo ng trash bin. "Lalo na sa tamis-tamisan." dugtong ko at nagpatuloy sa paglalakad.

"Grabe ang sama niya..."

"Totoo ngang masama 'yong ugali niya..."

I heard some gossips. Whatever! Kahit mamatay man sila kaka-tsimis. I don't even care.

"Amelia, saan ba 'yong classroom natin at mukhang kanina pa tayo palakad-lakad? Alam kong pangrampahan 'yong ganda ko pero wala akong balak ikutin 'tong buong campus!" reklamo ko.


"We're here!" aniya at napatingin ako sa listahan na nakadikit sa may pintuan. Hinahanap ko 'yong pangalan ko at ayokong mapahiya.


"Alright! Pumasok na tayo at gusto kong magkatabi pa rin tayo." giit ko nang makita ko ang pangalan ko.

"Uhmm... kasi... hindi tayo magka-klase." nauutal na sambit niya at napakunot noo naman ako.

"Ano? I don't get it." iling ko.

"Nasa first section kasi ako." namilog ang mga mata ko sa sinabi niya.

Muli akong napatingin sa listahan upang tignan ang section na kinabibilangan ko.


"What?" nagsalubong ang kilay ko nang makita kong nasa third Section lamang ako.

I supposed to be in the first section! Bakit si Amelia lang? Aba, 'di hamak na mas matalino ako kay Amelia.

"See you later, Ella." kaway niya at umalis na habang ako ay naiwang tulala.

Anong nangyayari? I don't belong here. Ito na ang huling taon ko sa high school at napunta pa ako sa third section? Argh! I hate this!

Humugot ako ng malalim na hininga bago pumasok at naghanap ng pwede kong upuan.

Ilalagay ko na sana 'yong bag ko nang may naunang umupo. Aba!

Loving The Spoiled Brat CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon